KABANATA 10

466 12 4
                                    

Puno ng missed calls at texts ni Dari ang cellphone ko. Wala akong balak na sagutin siya. Hindi ko pa kayang makita siya. Naaalala ko lang sila ng babae niya. Masyado pang malinaw sakin ang lahat.

Wala ako sa sarili nang pumasok sa school. Pilit kong itinuon ang atensyon ko sa discussion ngunit kaunti lang ang naiintindihan ko. Lumilipad ang isipan ko sa kung saan.

Kaya nitong uwian ay napag-desisyunan kong umuwi na lang agad. Wala akong gana sa lahat ng bagay. Alam kong iniisip niyo na simpleng bagay lang na makitang nakikipaghalikan ang mahal mo sa iba. Sa akin? Napakasakit isipin no'n! Hindi mo na alam kung dapat mo pa siyang pagkatiwalaan araw-araw dahil nagawa niya na nga ang pinakaayaw kong mangyari. Baka may susunod pa at lubha akong natatakot para do'n.

"Hindi ka talaga sasama samin? Para gumaan naman yung loob mo. Masaya do'n. " pagpupumilit pa ni Grace.

May balak kasi silang magpunta sa club na malapit samin. Nagkayayaan ang grupo nina Kel at inimbita rin kami. Ako lang tumanggi saming tatlo.

"Hindi na... gusto ko ring mapag-isa muna. Hindi naman maaalis ng alak yung larawan na nakita ko. Baka lalo pa nga nitong ipaalala ang lahat. " paliwanag ko.

Malungkot siyang tumingin sakin at hinaplos ang likuran ko. Nag-aalala siya ng sobra sakin gayundin si Marie na malungkot ang mga matang nakatingin sakin.

"Wag niyo na akong intindihin. Magsaya ka do'n! Hindi pa naman kami break ni Dari, nagpapalamig lang ako. " paniniguro ko.

Natigil ang pagtangka naming paglabas sa gate ng school nang matanaw namin sa labas ang pigura ni Dari. Binalak kong tumakbo at magtago ngunit nahuli na ako ni Dari. Lumapit siya sa gate ngunit hinarang siya ng guwardiya. Puno ng pagsusumamo ang kanyang mukha na nakatingin sakin.

"Anong gagawin mo? Kakausapin mo ba? " tanong ni Marie habang nakatingin din kay Dari sa labas.

"Kailangan niyo ng closure kung gusto mo ng makipag-break. Kausapin mo na kaya? " hindi siguradong sambit ni Grace.

Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan si Dari na nakatanaw mula samin. Nagpupumilit siyang makapasok ngunit hinahanapan siya ng ID ng guard.

"Kakausapin ko na siya. " diretso kong sabi.

"Sure ka? " nababahalang tanong ni Marie.

Tumango ako. "Hindi matatapos ito kung patuloy akong tatakbo. " seryoso kong sabi.

"Kung ganon... gusto mong samahan ka namin? Baka pilitin ka niyang sumama sa kanya. " sambit ni Grace.

"Hindi na. May mga lakad kayo diba? Ako ng bahala, babalitaan ko na lang kayo kung ano ang nangyari. " paliwanag ko.

Tumango ang dalawa sakin. Nagdadalawang isip pa kung aalis na ngunit sa huli ay nagpaalam na sakin bago lumabas ng gate. Masama pa ang tingin nila kay Dari nang masalubong nila ito.

Napabuga ako ng maraming hangin at napagdesisyunan nang lumabas na rin. Ito na ang oras para komprontahin ang taong mahal ko.

Mabibigat ang hakbang ko habang papalapit kay Dari. Ngayon ko lang napansin na naka-uniform pa rin siya at mukhang nagnakaw lang ng oras para makapunta dito.

"Baby... please, comeback to me. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala ka sakin. " salubong niya sakin nabg tuluyan akong makalapit sa kanya.

Hinayaan ko siyang hawakan ako at yakapin. Namiss ko siya ng sobra. Napagtanto kong kahit gaano kalaki ang magiging kasalanan niya sakin ay buong-buo pa rin akong tatanggapin siya pabalik sa braso ko. Hindi ko kayang mawala si Dari sakin. Maniwala kayo, siya na ang buhay ko.

Flirt (Sa Una Lang Pala Series #1)Where stories live. Discover now