WAKAS

564 12 3
                                    

Nangyari ang pagmamahalan namin ni Dari nang una kaming magkita sa tapat ng school. Buong akala ko ay hindi ko siya magugustuhan dahil wala sa kanya ang nga tipo ko. Lalo pa 'kong nawalan ng gana na kilalanin siya nang isigaw niya sa maraming tao na crush ko siya.

Napag-alaman kong siya pala yung nireto sakin ni Marietta. Tinigilan kong makilag-usap sa kanya sa messenger dahil nagalit ako sa nangyaring iyon. Ngunit, siya pala itong magkaroon ng pagkakataon para kulitin ako sa chat.

Mabilis na nahulog ang loob ko sa kanya. Napakabait niya kasi at mapagbiro din minsan kahit na wala sa itsura. Maya't maya niya rin akong kinakamusta.

Niligawan niya ako kahit wala pa kami isang linggo na magkakilala. Marami siyang pakulo na ginawa para lang makuha ang matamis kong oo. Binibilhan niya ako ng mga pagkain kada magke-crave ako. Binibilhan niya ako ng damit na nasa uso kahit na ayoko. Binibigay niya sakin ang lahat kahit hindi ko naman hilingin.

Sinagot ko rin siya matapos ang ilang linggo niyang panliligaw sakin. Napuno ng masasayang memories ang cellphone ko lalo na ang alaala ko. Nagawa namin lahat ng ginagawa ng mga normal couples. Gustong-gusto ko kada matutulog ako sa kwarto niya tuwing hapon. Yayakapin niya ako ng mahigpit at makakatulog din ng mahibing sa tabi ko.

Hindi siya naubusan ng pakulo at banat sakin kahit pa umabit na kami ng isang taon. Hindi nawala ang care at pagiging sweet niya sakin. Buong-buo ang araw ko kada ihahatid niya ako sa room ko. Tuwing uwian ay maggagala na parang ayaw ng umuwi.

Kalaunan ay bigla siyang nanlamig sakin. Naging tipid siyang mah-reply sa mga text ko. Bibihira na siyang tumawag sakin. Inintindi ko dahil akala ko ay busy lang siya sa schoolwork.

Binalak kong surpresahin siya ngunit ako pala ang nasorpresa. Pinagkibit balikat ko lang ang nakita kong halikan nila ng babae niya. Pinatawad ko siya at nagpatuloy muli kami. Naging mas sweet at caring muli siya sakin no'n. Panay pa ang padala niya sakin ng tsokolate at bulaklak. Panay pa ang pagbisita niya sakin sa school.

Ngunit hanggang doon lang pala iyon. Nahuli ko sila ng parehong babae niya na may ginagawang kababalaghan sa mismong kwarto niya. Pinagsalitaan ko silang dalawa ng masasamang salita dahil iyon lang ang kaya ko para mabawasan ang galit at sakit na naramdaman ko that time.

Nagpalamig ako ng ilang araw. Akala ko ay susuyuin agad ako ni Dari ngunit nagkamali ako. Lumipas ang dalawang linggo ngunit hindi siya nagpakita. Kaya naman naglakas ako loob para tawagan siya, lasing ako kaya matapang ako that time.

Hindi ko inakalang sa tawag lang pala matatapos ang lahat. He said his last goodbye. He broke up with me that night. Nagsisi ako, sana pala ay hindi ko na lang siya tinawagan. Mas maganda kung sa personal namin pinag-usapan ang bagay na 'yon. Nagsisi ako at magdamag na umiyak.

Tama nga sila... sa una lang pala. Sa una lang pala sweet ang lahat. Sa una lang pala masaya. Sa una lang pala buo at magkasundo. Sa una lang mainit. Sa una lang pala totoo ang pangako. Sa una lang pala ang mga banag. Sa una lang pala ang suyuan. Sa una lang pala...

Dear Dari,
Salamat at pinaramdam mo sakin kung ano ang pakiramdam ng may boyfriend. Salamat sa lahat-lahat. Ayaw kitang siraan dahil minahal kita at ginawa kong buhay ko. You're right, I think we're really not for each other. We aren't meant to be. But at least we met.

Your ex,
Laine Ventura.

WAKAS

+ S U L P 1 +


________-----__________

VOTE! VOTE! VOTE!!!

VOTE FOR THIS CHAPTER GUYS! YOU CAN ALSO LEAVE A COMMENT FOR YOUR INSIGHTS.

YOU NEED TO FOLLOW MY ACCOUNT SO YOU WILL BE UPDATED! YOU CAN GET A NOTIFY WHENEVER I POST AN UPDATE.

PLEASE, PLEASE, PLEASE.. FOLLOW AND VOTE BEFORE YOU LEAVE. THANK YOU SO MUCH. MWAAHH!

+ Story_Whisperer +







Flirt (Sa Una Lang Pala Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin