KABANATA 3

628 23 1
                                    

Masaya ang umaga ko ngayon. Inabot na naman kami ni Dari ng madaling araw sa pagcha-chat. Hindi ko na inalintana ang mamumuong eyebag sa mata ko basta ang mahalaga ay nagkakaroon ng improvement ang usapan namin ni Dari.

Nagkaka-develope-an na ba? I think so! And I'm so kinikilig pa rin hanggang ngayon!

"Yay! May boyfriend ka na noh? " maagang pambubwisit ni kuya.

Nasa hapag na kami ngayon at kumakain. Tignan mo ang isang to, wala na talaga balak mag-aral. Mas gugustuhin pang tumulad sa mga tambay dyan sa kanto. Tsk! Walang pangarap sa buhay ang magaling kong kuya.

Asan ba ang girlfriend niya at hindi na nabisita dito? Hindi niya man lang pilitin si kuyang mag-aral. Ilang buwan na rin siyang tumigil sa schooling. Hayss. Kung nandito lang si papa ay malamang nadisiplina na yan. Ang mama ko ay matagal ng sumuko sa katigasan ng ulo niya. Wala na tayong magagawa. Kahihiyan niya na lang yan dahil walang siyang pinag-aralan.

"Asan ba si Ate Shane? " usal ko habang ngumunguya. Si Shane yung girlfriend niya.

Biglang sumama ang timpla ni Kuya Leo at tila nawalan ng ganang kumain. May nasabi ba ako? I'm just asking here!

"Patay na siya! Wag na nating pag-usapan! " banas niyang wika.

Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

"What the heck, kuya? Wala ka na namang girlfriend? Pang sampu mo na si Ate Shane ah! " manghang-mangha kong wika.

Umiling siya at nagbuntong hininga. Mga tinginan niya talaga! Halatang playboy! Tch! Kuya ko ba talaga 'to?

"Siya yung nakipag-break! Wala na akong magagawa. " cool niya lang na sabi.

"Baka naman gumawa ka na naman ng kalokohan? Malamang ay pagod na yon sayo kaya ka hiniwalayan na. " banggit ko.

Masama niya akong tinignan pero agad ding nag-iwas ng tingin at tinuon na lang ito sa pagkain.

"Loyal ako, baliw! Hahanapin niya lang daw ang sarili niya tsaka nanghihingi ng space. Mabait ako kaya pinagbigyan ko. Space lang pala e. "

Napabuga ako ng maraming hangin sa kahibangan niya. Wala talaga siyang utak! Hindi niya man lang sinuyo! Arghh! Nakakapang-init ng ulo ang kuya kong akala mo'y kinder!

"Wag kang iiyak kapag ikaw kinarma! Hindi ka ba nakokonsensya? May babae kang kapatid! Malay mo sakin bumalik yang pinaggagawa mo? Uupakan talaga kita dyan. " inis kong wika.

Tumawa siya ng pagkalakas.

"Edi maganda nang maranasan mo namang masaktan! WAHAHAHA! "

Tinarayan ko siya ng bongga sa inis ko. Minadali ko na ang pagkain para makalayas na. Ayokong makita ang pagmumukha niyang playboy! Hindi susuko sa kanya si Ate Shane kung hindi siya nakakapagod. Alam ko yang mga ganyan. May background ako dyan.

"Lalaine, my labs! " sigaw ni Grace nang makapasok ako sa classroom.

Bagong rebond ang gaga! Nagmadali akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. OMG! I missed her so much!

Syempre joke lang! Sanay na ako dyang mawala yan ng isang linggo o kahit isang taon pa. Sanay na sanay na ako dyan!

"Kamusta bakasyon? Masaya ba? " tanong ko.

Naupo ako sa upuan ko na katabi lang niya. Ilang araw ding nabakante ang upuan niya.

"Okay lang, wala akong pasalubong. " pagkagat niya sa biro ko.

"Lagi naman! Gumawa ka ng mga projects natin para hindi ka bumagsak! Ewan ko ba sa inyong dalawa ni Marie! Ang tatamad niyo grabe! Hindi kayo tumulad sakin, very responsible! " pagmamayabang ko.

Flirt (Sa Una Lang Pala Series #1)Where stories live. Discover now