KABANATA 8

448 13 1
                                    

WARNING: SPG! 18+

Ako na ata ang pinakaswerteng babae sa balat ng lupa nang surpresahin ako ni Dari sa school ngayong uwian. Nanunubig pa ang mga mata ko habang tinatanggap ang bigay niyang bouquet of red roses sakin. May chocolate at letter pa ito sa loob. Nakakataba talaga ng puso ang mga pakulo ni Dari.

Kaya pala kakaiba ang reply niya sakin nitong umaga. Cold siya at parang ayaw ako kausap. Hindi niya ring sinabi na pupunta siya rito ngayon at magdadala ng roses sakin. Sinorpresa niya ako ng todo! Nakakakilig!

Pinalibutan kami ng mga estudyante. Miski sila ay kinikilig sa gwapong bumisita sa school. Mabuti na lang talaga at pumasok ako ngayong araw. Hangover pa kasi ako sa date naming tatlo ni Dari at Lala kahapon. Mabuti na lang at kinulit ako ng dalawa kong kaibigan na pumasok kundi walang aabutan si Dari dito. Sayang effort niya.

Naghiyawan ang mga tao nang halikan ako ni Dari sa pisngi. Nagbaba ako ng tingin dahil nahihiya ako sa atensyong binibigay nila samin. Baka sitahin na kami dito ng teachers dahil ang ingay at hinaharangan pa namin ang daanan.

"Mag-date na kayong dalawa, Laine. Okay lang samin kahit iwan mo kami dito. " nangongonsensyang sabi ni Marie.

Natawa ako nang binatukan siya ni Grace. "Baka nakakalimutan mong may date din kayo ni Kel! Ako na naman mag-isa! " singhal nito sa kanya.

Nagtawanan kaming tatlo. Ayaw pa kasing maglandi nito ni Grace e! Sino bang hinihintay niya? Nakakapanibago talaga! Mahigit isang taon na siyang single!

"Sorry, Grace... hihiramin ko lang muna si Lalaine ngayon. " pamamaalam ni Dari kay Grace.

Sumimangot si Grace. "Ano pa bang magagawa ko? Alangan namang pagbawalan ko siyang sumama sayo? Sige na! Umalis na kayong lahat! Uuwi na lang ako! " mapait niyang wika.

"Ihatid ka na lang namin. " suhestyon ni Dari. Gentleman talaga ang gwapo kong boyfriend.

"Oo nga, Grace! Magpahatid ka na sa kanila para hindi sayang sa pasahe. " sang-ayon ni Marie.

"Magpapahatid naman talaga ako kahit di niyo sabihin! Nag-effort pa man din akong pumasok ngayon dahil akala ko makakagala kaming tatlo. Kaso dumating ka at tumawag si Kel! Nakakaimbyerna kayo! " sigaw niya.

Nauna na siyang maglakad patungo sa kotse ni Dari. Nagsialisan na ang mga estudyanteng nakiusyoso samin.

"Ikaw Marie? Dyan ka lang? " tanong ko.

Tumango siya at nag-thums up. "Papunta na rin si Kel. Mauna na kayo. " wika niya.

Kumaway ako sa kanya at tinalikuran na siya para magtungo sa kotse ni Dari. Sa harap ako sumakay habang si Grace ay nag-eemote sa likod. Akala mo pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang busangot ng mukha.

"May boyfriend ka na rin kasi Grace para makapag-triple date na tayo. " pagkausap ni Dari sa kanya.

"Ayoko nga! Hindi niyo mapipilit! " banas niyang sabi.

"Siguro... tomboy ka kaya ayaw mo na. " asar pa sa kanya nito.

Natatawa lang ako habang pinapakinggan sila. Hindi ko na aawatin si Dari dahil madalas niya namang asarin si Grace tungkol sa pagiging mailap sa lalaki ngayon. Baka nga malamang na tomboy na si Grace. Hahahaha! Nakakatawa namang isipin iyon.

"Hindi ako tomboy! Tumahimik ka na lang, pwede? " naiirita niya ng sabi.

"Basta kung kailangan mo ng lalaki magsabi ka lang. Maraming pogi sa school ko. " natatawa pang pahabol nito.

Hindi na umimik si Grace dahil mukhang napuno na. Sa labas niya na lang binaling ang tingin niya. Napailing ako sa kanilang dalawa. Mga baliw talaga kagit kailan.

Flirt (Sa Una Lang Pala Series #1)Where stories live. Discover now