KABANATA 6

455 13 1
                                    

Naging masaya ang panliligaw na ginawa sakin ni Dari. Kung ano-anong pakulo ang ginawa niya para lang mapasaya ako ng bongga. Kahit rin na hindi pa kami ay may mga regalo na siyang ibinibigay. Ang effort niyang gumawa ng mga surpresa para sakin. Mga handwritten letters ang pinaka-nagustuhan ko sa lahat. Na-appreciate ko ng sobra ang mga efforts niya.

Kaya naman makalipas ang isa't kalahating buwan niyang panliligaw ay nakuha na rin niya ang matamis kong oo. Sinagot ko na siya! Kami na ni Dari officially! Pwede na naming ipagdamot ang isa't-isa. Pwede na kaming magselos dahil may label na kami. Pwede na lahat except sa three letters start with S. You know what I mean!

"Okay fine! Magpapa-inasal ako! " anunsyo ko sa dalawang kupal kong kaibigan.

Pa'no ba naman kasi! Umaatungal sila na hindi raw ako nagpakain nung maging kami ni Dari. Dumaan na raw ang isang linggo ngunit wala pa rin. Nakalimutan ata nilang nilibre ko sila ng makeup sa Watson. Mga ulyanin!

"Ganyan dapat! Weeksary niyo na kaya kailangang maambunan din kami. " usal ni Grace.

"Mga parasite! Ikaw kasi Grace, mag-jowa ka na! Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin? Himala naman ata yan! " nagtataka kong sabi.

"Baka naniniwala na siya sa true love kaya hindi pa nagkaka-jowa. Naghihintay na si Grace imbes na mag-hunting. " patutsada pa ni Marie.

"Say what you wanna say, two idiots! Basta alam ko sa sarili kong priority ko ang study ngayon. See? Ilang buwan na akong present sa schools. Hindi na ako tulad ng dati. 'Di tulad ng isa diyan! Hanggang ngayon ay may sarili pa ring class schedules! " mahaba niyang sermon.

"Excuse me! Hindi lang talaga ako morning-lover! Nakatakda na talagang magising ako palagi ng tanghali. " paliwanag ni Marie.

"Bad habit! Maling-mali ang oras ng gising mo! " naiiling kong sabi.

"I know but how can I stop it? I'm used to it! Kahit alarm clock ay walang panama. May sariling alarm ang katawan ko. "

Pareho kaming napabuntong hininga ni Grace. May tama na sa utak ang kaibigan namin. Hindi na siya healthy.

"Malapit na Christmas break, san kayo magbabakasyon? " natanong ko bigla.

Dalawang linggo na lang ay Christmas break na!

"As always... dun na naman kami sa States dahil nakagawian na. " buntong hininga ni Marie.

Taray talaga nito ni Marie! Ang yaman kasi kaya pa-out of the country na lang every Christmas.

"Ako sa province naman this time. " sagot ni Grace. "Ikaw? " bumaling siya sakin. "Saan kayo? Dun pa rin sa bahay niyo lang? " tanong niya pa.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam kay mama. " simpleng sagot ko.

Wala naman kasi kaming tradition na bumisita at mag-spend ng Christmas break sa mga kamag-anak namin. Madalang lang rin kaming mag-reunion dahil busy sila sa business. Walang time para doon.

"Sana nga pwede akong magpaiwan dito kahit ngayong Christmas lang. " nakabusangot na wika ni Marie.

"Bakit naman? " sabay pa naming tanong ni Grace.

"Haler! May Kel ako noh! Ayoko naman siyang iwan dito! Tsaka ilang linggo rin kaming hindi magkikita! Hindi ko kakayanin! " ngawa niya.

"Disadvantage din ng may jowa ang ganyan. Tiis muna sa LDR. Sulitin niyo na lang oras niyo ngayon habang medyo malayo pa. " turan ni Grace.

Natahimik ako. Naglakbay ang isipan ko sa sinabi niya. Si Dari kaya? Saan kaya siya magpapasko? Out of the country din kaya? Sa province? Nalulungkot na ako agad kahit hindi pa man ako siguradong magkahiwalay kami sa Pasko.

Flirt (Sa Una Lang Pala Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon