KABANATA 4

571 25 4
                                    

Tuwing umaga na lang ay maganda ang gising ko. Ganun talaga pag inlove at inspired. Wala kang pakielam kung anong maging itsura mo.

"Maaga kang umuwi mamaya ah! Bantayan mo si Lala, ako maghapon nagbantay dyan kahapon. " salubong ni Kuya ngayong umaga.

Friday ngayon. Tuwing friday ang dapat na gumagala ka. Ngayong araw dapat hindi umuwi ng maaga sa bahay dahil for sure hindi ka na makakagala kinabukasan dahil wala ka ng rason sa magulang mo. Hay nako!

"May project pa kaming tatapusin. " pagsisinungaling ko.

Hinuli niya ang mata ko ngunit umiwas talaga ako ng bongga. Sa mata niya nakikita kung nagsisinungaling ka o hindi.

"Wala naman! Wag ka ngang sinungaling! " bulyaw niya.

Inirapan ko siya at nagpatuloy na lang sa pagkain. Tuwing umaga na lang talaga kami nagtatalo ni Kuya Leo. Wala bang pahinga? Nakakapagod kaya.

"Dapat ikaw na nagbabantay dahil wala ka namang ginagawa. " malumanay kong wika. Subukan niya lang magtaas ng boses sakin. Sasaksakin ko siya ng tinidor kong hawak.

"Hindi na nga ako nakakapaglaro ng basketball tuwing hapon e! Palagi na lang ako naiiwan kay Lala. " reklamo niya sa mataas na boses.

See? Naninigaw siya kahit maayos mo namang kinakausap. Wala talaga ang isang 'to! Gusto palagi ng away. Mabuti na lang at binabantayan pa ni mama si Lala sa kwarto nila. Natutulog pa kasi. Walang sasaway ay magsesermon samin.

"Bahala ka, ayaw maniwalang may project kami. Ikaw na lang kaya pagawain namin! " singhal ko.

Pinanood ko siyang kumuha ng spam na pang-lima niya na. Lakas lumamon ng hunyangong 'to!

"Ako gagawa, bayaran niyo 'ko. " sambit niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Negosyante amp!

"Wala na nga kaming pera mang-i-scam ka pa. "

"Sinasabi ko sa'yo, Lalaine! Kapag hindi ka umuwi ng maaga baka aabutan mo na lang si bunso sa kapitbahay. Papabantayan ko. " banta niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Isip niya talaga pang-bangag! Huling beses na pinabantay namin si Lala sa kapitbahay ay may nakain na kung ano. Nangitim ng sobra si Lala at mabilis naming tinakbo sa ospital. Takot na takot talaga kami that time. Mula no'n never na naming pinabantay siya sa kahit na sinong hindi kamag-anak. Takot na takot din yung kapitbahay naming iyon at humingi ng tawad ng makailang ulit. Tsk.

"Hibang ka na! Adik ka sa basketball. " naiiling kong wika.

"Alam ko naman kasi ang galawan mo, Laine. 'Yan din yung nirason ko nang makipagkita ako sa exes ko. Papunta ka palang ako pabalik na. " mayabang niyang wika.

Hindi ko siya tinignan dahil mukhang playboy talaga siya. Nakakasuka. Nakakawala ng ganang kumain.

"Basta may gagawin akong project. Tapos! " sambit ko.

"Makikipagkita ka lang sa manliligaw mo e. "

Umiling ako ng mabilis. "Hindi noh! Nagkita na nga kami kahapon tapos magkikita pa ulit? Duh! " mataray kong sabi.

Nangalumbaba siya at pinagmasdan ako.

"Isama mo na lang yang manliligaw mo dito. Kayong dalawa ang magbantay kay bunso. Walang kaso sakin 'yon. Ipapaalam ko din kay mama para hindi siya magalit. What do you think? "

Muntik na akong mabulunan sa ideya niya. Namamangha ko siyang tinignan.

"Baliw ka na ba? Mamaya ma-issue pa ako ng mga kapitbahay dyan! Alam mo naman mga 'yan! Mga chismosa! " singhal ko.

Flirt (Sa Una Lang Pala Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon