KABANATA 1

1.1K 34 5
                                    

Lalaine's POV



Maaga akong nagising kinabukasan. Alam niyo bang tinakasan ko muna ang social media kagabi para lang matakasan yang si Dari. Hiyang-hiya man ako sa ginawa kong pagsigaw sa kanya pero nadoble ito dahil sa sinabi niya.

Letseng lalaking yun talaga! Hindi ko naman talaga siya crush e! Nirekomenda lang siya sakin ni Marie. Target ko lang talaga siya para maging jowa ko. Hindi ko in-expect na mangyayari ito.

Argh! Ang panget ng first meet namin! Aish!

Lumabas ako ng kwarto nang naka-uniform na. Ready'ng-ready na sa pagpasok.

"Tignan mo eyebag mo! Ang itim na! Ang panget tignan! Mukha kang panda! " maagang pambubwisit sakin ni Leo, kapatid kong suwail.

Tinarayan ko siya at naupo sa upuan ko. "Mama! Si Kuya pupunta na naman sa tropa niya oh! Ang aga aga! " sumbong ko.

"Magsumbong ka pa, wala akong pakielam. " bulong niya sakin.

Binato ko siya ng table napkin sa sobrang inis. Takte! Bakit ko ba kasi naging kapatid to! Mukhang hunyango na kulang sa gatas nung baby pa siya! Kinulang sa buwan kaya kulang- kulang!

"Sabihin ko kaya sa girlfriend mo na marami kang chinachat tuwing gabi? " pagbabanta ko. "Akala mo ba hindi ko nakikitang nakikipag-landian ka sa maraming babae? Kadiri ka, kuya! "

"Woy! Wala kang ebidensya ah! Magsumbong ka! Di ka naman papaniwalaan non! "

"Magtigil nga kayong dalawa! Napakaaga nagbabangayan kayo! Teka, kukuha ko kayo ng kutsilyo! Magsaksakan na lang kayo! Punding-pundi na ko sa inyo! Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos! Parang hindi kayo magkapatid kung magsalitaan! Ganyan ko ba kayo pinalaki? Manang-mana kayo sa pinagmanahan niyo! "

Nagmadali ako sa pagkain para makaalis na ng bahay. Hindi titigil yan si mama hanggat nakikita niya kami. Buong magdamag na naman yan. Nako po! Initiate retreat!

"Mama! Pagbantayin mo na lang yan si kuya kay Lala! Di naman nag-aaral yan! Bulakbol! " sigaw ko at tsaka nagmadaling lumabas ng gate namin.

Natatawa pa ako habang naglalakad patungo sa sakayan ng tricycle. Malapit lang naman ang school namin dito kaya keri lang.

Naghintay saglit ako ng mga kasabay para mura ang bayad. Hindi ko na kailangan magpa-special dahil alam ko namang hindi ako special. Nagbayad ako bago bumaba gayundin ang mga nakisakay.

Muling nag-flashback sakin ang nangyari kahapon nang mapatingin ako banda sa pinagtambayan ko. Tch! Yung apat na ugok na yon! Crush pa daw ako nung Alex, edi wow! Ayoko sa kanila. Study first na ako ngayon.

Hingal na hingal ako nang makarating sa classroom. Kay aga-aga pero pawis na pawis na ako agad. Bakit kasi walang elevator sa building na to? Pinapahirapan kaming mga estudyante!

"Absent pa rin si Grace? " tanong ko sa nasa harapan ng upuan ko.

"Hindi ko alam, kakarating ko lang. "

Binaba ko ang bag ko sa upuan at pabagsak na naupo dito. Kaunti palang kaming nasa classroom. Paniguradong ang iba ay nasa canteen pa at maagang kumain. Ang iba naman ay baka nag-cutting. O baka naman absent din.

Hayss.. mga students nga naman.

Nilabas ko na lang cellphone ko sa bulsa at wala sa sariling binuksan ang data nito. Sunod-sunod na messages ang nag-pop up sa notification ko. Group chat namin ang isa para sa buong section, meron pang GC naming magtotropa. Marami pang pangalan ang nag-pop up ngunit isa lang ang nakaagaw ng pansin ko.

Ang message ni Dari. What the heck?

Kumunot ang noo ko. Pinag-iisipan ko kung bubuksan ko ba ang message niya. Ayokong ma-seen ito dahil malalaman niya. Bahagya lang ang nababasa ko pero sigurado akong marami iyon.

Flirt (Sa Una Lang Pala Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt