KABANATA I

373 96 77
                                    

Lohrvins POV

Tumunog na ang bell ng aking pinapasukan na eskwelahan indikasyon na magsisimula na ang klase pero ako eto papasok pa lamang ng gate dahil late na naman ako sa araw na ito.

"Good morning, kuya Jimmy" bati ko kay kuya Jimmy na guard ng school na ito.

Naging close na kaming dalawa ni kuya Jimmy dahil nga sa lagi akong late. Sa katunayan parang tatay na ang turing ko sa kanya. Isa rin saya sa nauutusan ko sa tuwing nauubusan ng bondpaper sa school supplies store ng school namin. Minsan din ay ako na ang pinapalabas nya dahil alam naman daw nya na babalik ako at hindi mag-ccutting.

"Good morning, anak. Late na naman tayo ah?" sagot nito sa bati ko.

"Oo nga kuya Jimmy eh. Wala na po ba dyan si Mr. Sungit?"

"Ikaw talaga." Sambit nito sabay tawa ng marahan "Hindi ko sya napansin, kaya bilisan mo na bago ka pa magka-record na naman dahil sa pagiging late mo araw-araw. Hindi na kita mapagtatakpan kapag sya na ang nagsabi kay Dean."

"Sige po, Kuya Jimmy. Salamat po."

Inilibot ko muna ang mata ko sa paligid para siguraduhing hindi ako mapapansin ni Mr. Sungit, ang SSC PRESIDENT ng school na ito dahil kung makikita nya ako pihadong dadalahin na naman nya ako sa Guidance at magkakaroon na naman ako ng record.

Paano ba naman kasing hindi ako male-late araw-araw e hindi ako ginigising ni Mama. Alam naman nyang palsipikado yung alarm clock ko. Saan ka ba naman nakatalang lagi syang namamatay kada madaling araw tapos. Makikita ko sa umaga paggising ko alas singko pa lang pero pagsisilip ako sa bintana ng kwarto tirik na ang araw.

"Ma, alis na po ako" paalam ko sa aking nanay.

"Hindi ka ba muna kakain Lorhvins anak? Naghanda ako ng agahan." Sambit niya.

"Wag na po Ma, sa school na lang po ako kakain male-late na po kase ako."

Agad akong tumakbo papalabas at di na inantay ang susunod na sasabihin ni Mama.  Dali-dali kong ini-start ang motor ko at  pinaharurot papuntang school.

"O, Martinez late ka na naman." dinig kong sambit ng isang lalaki sa aking kaliwa.

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Tsk!

Lumingon ako sa aking kaliwa at nakita ko si Mich na kunot noong nakatingin sa akin. Siya ang President ng Student council.

"Ah... S-sorry... again!" Wala sa sariling sabi ko sabay peace sign.

"Sumama ka sa akin sa SSC Headquarters may pag-uusapan tayo." walang emosyon na sabi nito.

Nalintikan na talaga!

"Pero late na ako sa first..."

"So, kasalanan ko na late ka sa first subject mo? I don't give a sh*t, Martinez. Araw-araw na lang. Pinagbibigyan kita nang ilang beses pero ganyan pa rin ang ginagawa mo. Kaya wala ng pero pero sumama ka sa akin sa headquarters." gigil na bigkas niya kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang kanya.

SSC HEADQUARTERS

"Maupo ka" seryosong sambit niya. Kaya naman naupo na agad ako sa upuan na nasa harapan ng lamesa nya. "Ito na ang pangatlong late mo ngayong linggong ito, Martinez at dahil dyan ay ako muna ang kakausap sayo but if you're late again tomorrow pasensyahan tayo pero si Dean na ang makaka-usap mo with your parents. Maliwanag!" Panimula niya. Mahaba pa ang idinadada ni Mich at wala na akong nagawa kundi ang makinig sa sermon niya't hindi na lang sumagot.

"Makakapunta ka na sa classroom mo at isa pang beses na maulit to alam mo na. Dehado ka talaga sa pagiging Valedictorian at kapag nagpa tanga-tanga ka ako ang papalit sa'yo kapag nagkataon" ngumisi pa ito ng nakakaloko.

Pagkatapos na pagkatapos ng aming matinding diskusyunan ay patakbo akong pumunta na sa room namin na nasa 3rd floor pa. Pagkadating ko sa tapat na aming room ay hingal na hingal akong kumatok ng tatlong beses. Pagkabukas ko ng pintuan ay doon ko nakita ang mukha ng aming guro na si Sir. Warrel na seryosong nakatingin sa akin at walang bahid ng ano mang emosyon.

"O' Martinez late ka na naman." Usal niya matapos kong tumapak sa loob ng aming silid.

"Sorry po,Mr. Enriquez. Hindi na po mauulit" nasambit ko na lang.

"Ayan diyan ka magaling mangangako ka na naman pero di mo naman tinutupad. Eto lang ang sasabihin ko sayo Martinez isang beses pa na maulit 'to alam mo na ang mangyayari sa marka mo at isa pa huwag ka ng mangangako ulit kung di mo naman kayang panindigan at tuparin. Binibilog mo lang ang ulo ko. Maghanda ka mamaya ipapatawag kita kay Chan. Kakausapin kita ng masinsinan." Mahabang sabi niya.

Pero bakit iba ang pakiramdam ko para bang may iba siyang gustong iparating. Ewan ko ba, Tsk!

"Okay po sir!" mahinang sagot ko.

"'O! E ano pang itinatayo-tayo mo dyan. Maupo ka na bago pa kita palabasin ulit. Naturingan kang top student dito sa St. Galovin ganyan ang asal mo! Upo!" Inis na sigaw niya.

Habang nagsasalita siya ay nagmadali na akong pumunta sa upuan ko na kung nasaan ang dalawa sa mga kaibigan ko at hindi ko na inintindi pa kung ano man ang ipinuputak ni Sir. Warrel.

Kalalaking tao ang daming sinasabi napaka bungangero, pwede namang paupuin na lang e. Tsk badtrip talaga. Ang aga-aga nakakabuwisit! Sirang-sira na ang araw ko. Dalawang sermon ngayong umaga isa galing dun sa bida-bidang SSC President pangalawa dito sa teacher mo na gwapo pero apakasungit.


a/n: Hello dada's thank you po sa patuloy na pag support. Just keep on reading and voting to my story po.

Sorry if there are typographical errors and wrong grammars. Hindi po perpekto si author kaya huwag kayong ano dyan. Hindi rin ako sobrang talino para tumama ang lahat ng grammars na ilalagay ko dito.

Sa pag vote po sa mga di nakakalam jan. Hehehehe. Please click the star sign po. Thank you!

Unforgettable: a love untoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon