KABANATA VII

107 64 1
                                    

Warrel's POV

Nauna akong bumaba kay Lorhvins upang painitin ang makina ng kotse ko. Pero hindi talaga yun ang dahilan kung bakit ako bumaba. Nahihiya kase ako sa nasabi at nangyari kanina sa pagitan namin ni Ezekiel.

Bakit ba kasi hindi ko napagilan ang sarili ko? Hindi ko na alam tuloy ngayon kung may mukha pa akong maihaharap sa kanya.

Ilang minuto pa akong nag-intay bago makita si Ezekiel na palabas na ng pintuan ng bahay ko. Hindi ako makatingin sa kaniya. Pinagbukasan ko siya ng pinto ng hindi umiimik bago ako pumasok at nagsimulang magmaneho. Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa. Pareho kaming walang imik at para bang nahihiya't nagaantayan lang kung sino ang unang mag-sasalita.

"San tayo?" Tanong ko.

"Dyan sa may Corner Village pangalawang kanto mula dito sa village niyo. Bago pagdating natin sa loob ng village ay sa may Gen. Custer st. Doon ko na lang sasabihin ang bahay namin." Sagot nito.

"Sige."

"Pwede ba akong mag tanong?" Aniya na tinanguan ko naman. "Bakit di kayo magkasam ni Mrs. Enriquez sa bahay, I mean you're married?"

"Private matters." Sagot ko.

Nagpatuloy na ako ulit sa pagmamaneho. Narating na nga namin ang village nila at dumeretso nga kami sa Gen. Custer st. at kaunting maneho lang ay nasa kanila na kami. Pinark ko na sa tapat ng bahay nila ang sasakyan ko. Matapos non ay bumaba ako at pinagbuksan siya ng pinto.

"Thank you!" Sambit nito pagkababa ng sasakyan. "Salamat din sa pag aalaga sa akin kagabi. Itong damit mo ibabalik ko na lang sa Monday, then yung damit ko ikaw na ang bahala." Nakangiti pang dagdag nito.

"Sige." Naisagot ko na lang.

"Pasok ka muna?"

"Huwag na! uuwi na rin ako, may kailangan pa akong tapusin na Lesson plan."

Kumaway pa ako sa kaniya bago ko paharurutin ang kotse ko pauwi ng bahay.

Dumeretso ako sa bahay namin ng family ko at hindi doon sa bahay kung saan ko dinala si Ezekiel kagabi. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay bumungad agad si Mama na alalang-alala.

"Saan ka galing anak? Di ka na naman umuwi dito kagabi?" Tanong ni Mom.

"I am sorry, Mom! Hindi na ako nakapag text o naka tawag man lang sayo. Something happens po eh. Doon ako nagpalipas ng gabi sa isang bahay."

"Okay, kumain ka na ba? Nag prepare ako ng lunch."

"Okay lang, Mom. Mamaya na lang po bababa na alng ako if magutom ako. Taas muna ako."

Hindi ko na inantay ang sagot ni Mom at tumaas na ako sa room ko. Di na ako nag abalang tanongin kung nasaan si Zion.

Dumeretso na lang ako sa bathroom at nag shower kalahating oras ang lumipas bago ako lumabas. Nagsuot lang ako ng sando at boxer short na madalas kong suot. Pumunta ako sa study table ng room ko at ginawa ang mga kailangan kong gawin para din mawala na sa isip ko kung ano mang ang nangyari kqgabi at kanina.


Lorhvins POV

Nang hindi ko na matanawan ang sasakyan ni Warrel ay binuksan ko na ang gate at pumasok sa loob ng bahay namin.

"Lorhvins, anak?" Bungad ni Mama. Halata ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.

"Sorry, Ma. Hindi na ako nakapag text. Nalasing po ako ng sobra kagabi, eh."

Ikinuwento ko kay Mama ang mga nangyari kagabi pero syempre hindi kasama yung sa bahay nina Warrel dahil alam kong mapapagalitan ako ni Mama kung sakali. Sinabi ko rin sa kanya kung saan ako nagpalipas ng gabi at kung bakit iba ang suot ko ngayon sa damit na suot ko nung umalis ako kahapon.

"Ma, taas na po muna ako"

"Hindi ka ba muna kakain? Nagluto ako ng paborito mo. Pork and chicken adobo with pineapple." Sagot nito.

"Hindi na po, Ma. Mamaya na lang po siguro. Magbibihis lang po ako. Lalabahan ko rin po muna ang damit kong ito" sabi ko sabay turo sa suot ko.

Matapos ng pag-uusap namin ay dumeretso ako sa kwarto ko. Para bang na miss ko ito ng sobra ga'yong isang araw lang naman akong hindi dito natulog. Dinama ko ang mabangong amoy sa loob ng kwarto. Binuksan ko ang aking speaker at nagpatugtog doon. Habang nakikinig sa tugtog ay naglabas ako ng damit na isusuot ko ngayon. Matapos non ay dumeretso ako sa loob ng banyo at naligo.

"Love me like you do, lo-lo-love me like you! Touch me like you do, to-to-touch me like you do!" Sabay ko pa sa kanta habang gumigiling na parang si Zues.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako bitbit ang damit na hiniram ko kay Warrel upang labahan ito.

Nang marating ko ang labahan namin ay ini-on ko na ang faucet ng tubig at ganon din ang washing machine at nilagyan iyon ng liquid laundry soap. Ihuhulog ko na sana ang damit at short na iyon ng mapatitig ako doon at maalala si Warrel at yung ginawa ko sa kanya.

Hinalikan ko ba talaga siya o baka naman g-good time lang nya ako? Parang ahokong pumasok bukas sa klase niya. Nakakahiya!


Nagising ako dahil sa ingay sa baba. Tininggnan ko ang orasan at medyo nagulat ako ng makitang gabi na pala. Nakatulog pala ako pagkatapos kong labahan ang damit ni Warrel.

"Ingay naman ni Mama." Angil ko pa bago bumagon upang isara ang binta sa kwarto at inilaylay ang mga curtains doon.

Bumaba ako at ayun si Mama na nakita kong nanonood ng paborito niyang teleserye.

Akala ko bunganga ni Mama ang maingay ang lakas lang pala ng volume ng tv.

"Ma, ang lakas!"

"Sorry, nak. Ang ganda kasi eh." Sagot nito bago ito hinaan. "Matatapos na to."

Nanood na rin ako ng pinapanood ni mama na teleserye. Tuwing may sampalan ay napapasigaw si mama kaya naman nagugulat din ako. Nang matapos iyon ay pumunta na kami sa dining upang magsimulang kumain ng hapunan.

"Here's your favorite!" Nakangiting sambit nito bago ibaba ang hawak.

Sabay kaming naupo at kumain dalawa. Hindi nagluluto si mama ng sobrang dami dahil dalawa lang naman kami. Sinabihan ko na siya na kumuha ng kasambahay para di na siya napapagod pero ayaw niya dahil kaya naman daw niya.

Matapos kumain ay nagpresinta na akong magligpit at pumunta naman si Mama sa living room at nanood ulit ng tv. Pagkatapos kong magligpit ay isinara ko na lahat ng dapat isara at ini-lock ang pinto namin bago magpaalam kay mom na tataas na ako at tinanguan lamang ako nito.

Nang matunton ko ang aking kwarto ay kinuha ko ang aking mga libro sa mini library na lagayan nito. Madami akong libro iba't iba may pang college na nga doon. Syempre di mawawala ang Calculus, Geometry, Algebra at iba pang libro na may kinalaman sa math. Meron ding mga pocket at wattpad books doon.

Nang makuha ko ang mga libro ko na kailangan sa pag-aaral ay naupo na ako sa aking study table at nagsimulang mag basa. Nang makuntento ako sa nalalaman ko ay ibinalik ko na ulit yun kung saan ko kinuha at nahiga na upang matulog.

Unforgettable: a love untoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon