KABANATA IV

158 65 2
                                    

Shauntal POV

Kanina pa nagsimula ang klase namin pero wala pa rin si Lorhvins hanggang ngayon. Napapaisip tuloy ako kung ano ang pinaguusapan nilang dalawa ni sir Warrel.

"Baks, ang tagal ni Lorhvins no?"

"Oo nga e, kanina ko pa nga iniisip kung ano ang pinag-uusapan nila ni sir. Mukha kaseng personal kase ang tagal nila mag-usap." sagot ni Brix sa akin.

"Paano kung tungkol to sa pagiging Valedictorian nya? O baka natanggal na siya sa honor?"

"Hindi naman siguro."

Ilang minuto pa ng matanaw namin sina sir at Lorhvins na naglalakad papunta sa room namin. Pansin ko na agad ang malungkot at wala sa wisyong mukha ni Lorhvins. Hindi kaya tama ang hula namin ni Brix? Wag naman sana.

"Mr. Enriquez" rinig kong bati ng guro namin ng mga oras na yun kay sir Warrel.

"Good afternoon, Sir. I'm here now para ihatid itong si Martinez. Kinausap ko lang siya"

"It's okay Mr. Enriquez. Naitanong ko nga siya kanina sa mga kaibigan niya dahil napansin ko ngang wala siya at ang sabi nga ay kinakausap mo raw. Pasok kana Martinez."

Nang makapasok si Lorhvins ay agad kaming nagkatitigan ni Brix dahil sa malungkot na mukha nito. Parang napakalalim nang iniisip niya.

"Baks, tingnan mo si Lorhvins parang pinag sakloban ng langit at lupa" bulong ko kay Brix na agad namang nilingon ang kaibigan namin.

"Oo nga, 'wag na lang muna natin kausapin. Mag-sasalita naman yan kapag gusto na niyang magkwento." Sagot naman nito sa akin.

Si Lorhvins kase yung tipo ng tao na hindi pala kwento pag-dating sa mga problema niya. Mas gusto niya na sarilihin na lang ito sa umpisa at saka na lang ikekwento kapag okay na siya at kapag nasulusyonan niya na ang problemang yun.

Alam namin ni Brix na naririnig kami ni Lorhvins dahil magkakatabi kami si Brix ang nasa may bukana, ako naman sa gitna at si Lorhvins sa bandang dulo ng aming linya.

Ano kayang nangyari sa pagitan nila ni Mr. Enriquez? Baka binagsak siya nito dahil sa palagi itong late sa time niya. Wag naman sana. Running for Valedictorian pa naman siya at kapag nagkataon na bumaksak siya ay si Mitch ang papalit sa kaniya na nasa kabilang section.

Nagpatuloy sa pagdi-discuss ang guro namin. Pero lahat kami ay tahimik lang na nakikinig sa kaniya.

"Martinez?" Tawag ni sir kay Lorhvins. "Martinez!" Galit na itong sumigaw pero di pa rin lumingon si Lorhvins. Kaya naman kinalabit ko ito upang maribig si sir. "Martinez, are you with us?" Inis na sigaw ni sir ng lingunin ito ni Lorhvins.

"Sorry sir, ano po iyon?" Wala sa sariling sagot nito.

"I said are you with us? Kanina pa kita napapansin na tulala."

"I am really sorry sir. I'm just thinking of my grades in all subject. Iniisip ko po kung ako pa rin ang magiging Valedictorian sa graduation." Pabirong sagot nito na halata naman na hindi yun ang iniisip niya. Malakas ang pakiramdam ko na nagsisinungaling siya. Hindi kasi siya yung tipo ng estudyante na ipagkakalandakan ang mga achievements niya. Minsan pa nga ay siya pa ang nahihiya kapag sinasabi ng mga guro namin sa buong klase na siya ang pinakamataas ang nakuha tuwing exam o kahit saan.

"Okay, akala ko kung ano na ang iniisip mo."

"Goodbye class, see you on monday! We have a quiz on that day! Please read the Lesson 1-5 of this quarter, okay? Up to 75 yun! 60 ang passing. Goodbye again!" Mahabang sabi nito bago tuluyang umalis.

Unforgettable: a love untoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon