KABANATA VI

135 65 1
                                    

Warrel's POV

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong desisyon na dalahin si Lorhvins dito sa bahay ko. Marahil pag-gisimg niya ay marami siyang magiging tanong sa akin. Pero wala na akong magagawa dahil nadala ko na siya dito.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aking CR bago lumabas nang  tanging tuwalya lamang ang saplot ng pang ibabang bahagi ng aking katawan.

"Mhhmmm..." rinig kong ungol ni Ezekiel "Ang l-lamig" Dagdag pa nito habang natutulog. Pansin ko rin ang panginginig niya ng bahagya.

Hindi ko muna ito pinansin. Dali dali akong nag-suot ng boxer at sandong puti bago lumapit sa kaniya upang hipuin ang kanyang noo at leeg at ikumpara ito sa init ng katawan ko.

"Ang init niya."

Bumaba ako upang kumuha ng planggana na may maligamgam na tibig at bimpo upang mapunsan siya dahil makakatulong ito para mapababa ang lagnat niya. Nagmadali akong tumaas pagkatapos kong kunin ang mga kailangan. Pansin ko ang pagbaluktot ni Lorhvins at ang panginginig nito kaya ini-off ko muna ang AC para hindi ito sobrang lamigin.

Humila ako ng isang maliit na mesa at inilagay iyon sa tabi ng kama, doon ko ipinatong ang aking mga dala at saka ako naupo sa may tabi ni Ezekiel upang punasan ito. Tinanggal ko muna ang suot nitong polo at tumambad sa akin ang magandang hubog ng kaniyang katawan. Bahagya pa akong napalunok dahil sa aking nakita.

Bakit ba kasi ang ganda ng katawan niya?

Una kong pinunasan ang kaniyang noo pababa sa kaniyang magkabilang pisngi pagkatapos ay pinunasan ko naman ang kanyang leeg, mga braso at kili-kili. Sinunod kong pinunasan ang kaniyang dibdib at katawan.

Habang pinupunasan iyon ay napapalunok ako sa sobrang kaba. Hindi ko alam bakit ako nagkakaginto. Hindi ko rin alam bakit parang may init akong nararamdaman sa katawan ko. Nangangatal din ang kamay ko habang idinadampi ko ang bimpo sa katawan niya. Pansin ko rin ang malamig na pawis na pumapatak sa aking mukha.

Anong nangyayari sa akin?

Tinanggal ko ang comporter na naka tabing sa pangibabang bahagi ng kaniyang katawan at laking gulat ko ng tumambad sa akin ang nakabukol nitong alaga sa kaniyang suot na sweat short.

T*ng*na! Bakit ang laki? este, Bakit ako nakakaramdam ng ganitong tensyon sa katawan ko? para akong kinukuryente na hindi maintindihan. Lalaki na man ako, diba?

Bagya akong pumikit ng kaunti at dahan-dahang ibinababa ang kaniyang sweat short.

"Lord, patawarin niyo po ako." bulong ko pa sa hangin.

Paulit-ulit kong minumura ang sarili ko sa isip ko. Dahil sa iba't-ibang tumatakbo sa isipan ko.

Pagkaalis ko ng kaniyang short ay tumambad sa akin ang kanyang boxer na puti at nakaubok doon ang kanyang trono na tila galit na galit.

Pinili kong pakalmahin ang sarili ko bago nagpatulit sa pagpupunas kay Lorhvins. Pinunasan ko ang baywang niya at ganon rin ang kaniyang hita paibaba sa kaniyang mga binti at saka ko tinanggal ang kaniyang sapatos na suot.

Pagkatapos kong  gawin yun ay dumeretso ako sa closet at kumuha doon ng maari niyang isuot na damit. Napili ko ang plain white t-shirt upang maginhawa sa katawan at hinayaan ko na lang siyang naka boxers at hindi na nag-abalang kunan pa siya ng pang ibabang pangsuot.

Matapos kong isuot ang t-shirt sa kaniya ay ibinalot ko ang comporter sa kaniyang buong katawan. Hindi na ako nag abala pang pumunta sa kabilang kwarto para doon matulog para na rin mabangayan ko si Lorhvins. Ayoko kasi siyang iwanan ganong nilalagnat ito. Naupo ako sa mini sofa malapit sa kama katabi ng table na hinila ko kanina at hinawakan ang kamay niya.

Unforgettable: a love untoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon