KABANATA II

248 82 65
                                    

Lorhvins POV

"Huy! Bakla ka ng taon! Late ka na namang deputa ka!" Bulong ni Brix sa akin nang makalapit siya sa upuan naming tatlo nina Shauntal.

"Sige, ipagsigawan mo pa!"

Irita ako nang maupo ako sa upuan sa pagitan nina Shauntal at Brix. Dahil na rin sa sermon ng dalawang asungot na yun tapos dadagdag pa itong si Brix ng pang-aasar.

Matagal ko ng kaibigan sina Brix at Shauntal. Actually, it's been 4 years nang magkakila-kilala kaming tatlo at naging magka-kaibigan. Si Shauntal ang una kong naging kabigan kesa kay Brix dahil may gusto sa akin noon si Shauntal. Ito naman si Brix naging kabigan ko lang ng mahalata nya ang sikreto ko na kahit na kanino ay hindi ko ipinaalam. Mabait naman silang dalawa magiging matagal ba ang pagkakaibigan naming tatlo kung hindi. Normal lang din sa aming tatlo ang mag-asaran. Minsan nga lang ay hindi naiiwasan magka-pikunan pero naayos din naman agad.

"Bakit bad mood si Mr. Enriquez ngayon? tsaka bakit parang wala siya sa wisyong mag-turo? Hindi naman siya ganyan, di'ba?" Pabulong na tanong ko sa dalawa pero tanging ngiwi lang ang isinagot nila sa akin.

True friend!

"Goodbye class, before I leave this classroom please write down on your notebook all of those things na sinulat ko sa board. Okay, Goodbye. Martinez, ipapatawag kita mamaya kay Mich!" sabi ni Sir. Enriquez bago tuluyang lisanin ang room namin.

Buong klase ay nakatitig lang ako kay Sir Warrel dahil iniisip ko kung bakit sya bad mood at wala sa wisyo. Natural na ang pagiging masungit nya pero hindi naman sya bad mood araw-araw. Minsan pa nga ay binibiro sya ni Brix pero ayos lang sa kanya. Kahit minsan kapag tinatawag siya ni Brix ng "Babe!" ay nakikipagbiruan pa ito at sumasagot din ng "Yes, Babe." Pero ngayon halatang bad mood sya dahil hindi sya nakikipagbiruan sa aming mga estudyante nya. Ano kayang nangyari sa kanya?

Break time na at dumiretso kaming tatlo nina Brix at Shauntal sa cafeteria upang kumain. Pagkatapos naming kumain sa canteen nina Shauntal at Brix ay bumalik na agad kami sa room dahil baka dumating na ang sunod naming guro na madalas tawagin ni Brix na dragona. Ang terror na teacher namin.

Teacher namin siya sa Statistics and Probability kaya naman kahit anong tapang, taray at arte niya ay paborito ko pa rin sya dahil nga sa hilig ko ang subject na Math.

Asawa niya si Sir Warrel. Pansin ko ang pagkakaiba ng ugali nilang mag-asawa, as in, sobrang layo talaga. Dahil si Mr. Enriquez ay napaka-bait at alam mo talagang iintidihan ka kapag may kulang ka sa asignatura niya. Kahit na medyo masungit ay nandoon ang awa sa estudyante at gusto nya talaga na makapasa ang lahat sa subject nya. Ngunit itong si Mrs. Enriquez ay mabait din naman ngunit kapag sinabi niya na ang deadline wala ng bawian. Kapag sinabi nyang hanggang mamayang hapon lang hanggang doon lang talaga bawala humirit ng extension at kapag nag joke siya ay lalong hindi nakakatuwa dahil para bang siya lang ang nakakaintindi sa mga sinasabi niya.

Gaya ng aming inaasahan ay pumasok na nga siya sa room at ayun na naman yung aura nya na parang may usok na itim sa likuran nya.

"Gomonin!" maarteng sabi niya ng Good morning. "Okay, before we start to our new lesson. Please bring out your calculators and let's have oral recitation from our topic yesterday. Were in you will be computing the given that I'm going to give using the formula that we tackle yesterday. There's only one rule, YOU WILL GOING TO COMPUTE USING ONLY YOUR CALCULATORS, HAND AND MIND WITHOUT ANY SCRATCH PAPERS" mahabang sabi niya. Lahat naman kami ay agad-agad na kumuha ng kanya-kanyang calculators at inihanda ang matinding memorya upang di malimutan kung ano ang kanyang sasabihin. " IS THAT CLEAR"

Unforgettable: a love untoldWhere stories live. Discover now