KABANATA VIII

127 62 2
                                    

Lorhvins POV

Heto na naman ako nakatulala,
Ang puso'y nalilito.
'Di maintidihan?
Ano ba ang dapat gawin?
Ipaglaban o iwasan ang damdamin?
Sana malinawan na ako.
Sana masagot na ang tanong?

Sinasabayan ko ang kanta na tumutugtog. Isa ito sa kantang paborito ko dahil sa hindi ko alam na dahilan. Parang nakakarelate ako dito na parang hindi.

Patuloy akong kumkaanta habang papasok sa aking bathroom sa kwarto bitbit ang aking towel.

Binuksan ko ang shower at pumailalim ako dito at hinayaang dumaloy ang tubig sa katawan ko. Nanatili ako sa ganoong posisyon habang nakapikit at bahagyang kinukuskos ang aking katawan at ulo.

Pano ba kalimutan,
Mga panahong,
Pinatibok 'tong puso ko?
Ayokong malaman
Na ako ang nagkulang
Sabagay 'eto lang ang kaya kong ibigay sa'yo
Ang magmahal sa'yo ng totoo

Pagkalabas ko ay nagbihis na ako ng aming uniform at kinuha ang bag at libro ko bago tuluyang bumaba.

"Nak, let's eat!" Aya ni Mama ng makita akong bumababa sa aming hagdanan.

Hindi ko na siya sinagot sa halip ay malawak na ngiti ang ipinakita ko sa kanya at nang makaupo ay sinimulan ko na ang pagkain. Tahimik kaming nag-breakfast ni Mama.

"Ma, Alis na po ako!" Paalam ko at tuluyan ng lumabas ng pinto at inilagay ang mga gamit ko sa compartment ng motor ko.

"Take care son! Wala ka bang nakalimutan?" Sigaw ni mom.

"Hala! Ma, pakikuha naman po ako nung paper bag sa kwarto ko. Yung may damit po. Thanks!"

Ilang minuto lang ang lumipas ay bumaba na si Mama at lumabas upang iabot sa akin ang paperbag. "Thank you ma! Bye, I love you!"

Ilang minuto ng pagmamaneho ay narating ko na ang parking lot ng eskwelahan namin. Nang masigurado ko na naka lock na ang motor ko ay pumasok na ako sa loob at dumeretso sa locker area para ilagay ang mga gamit na hindi ko kailangan sa first at second subjects at kinuha naman ang ibang kailangan ko pa.

"Wow, aga natin ah?" bungad ni Shauntal nanh makapasok ako. "Good morning!"

"Good morning!" bati rin ni Brix

"Good morning!" bati ko pa balik sa kanila.

Habang inaantay ang aming teacher ay nag-kwentuhan muna kaming tatlo tungkol sa nangyari nung nakaraang sabado sa bar. Baka kase nakalimutan na nila ang sinabi ni Warrel sa kanila daw na huwag ilabas sa school yung mga naganap noong gabing yun. Dahil pare-pareho kaming malalagot.

"Huh!" Gulat na sigaw ni Brix at Shauntal na kinunotan ko ng noo.

"Doon ka natulog sa bahay ni Mr. Eneiquez?" Pabulong na tanong ni Brix.

"Oo nga, ulit ulit" inis na bulong ko rin.

"So, anong sabi ng wife niya, ni Mrs. Enriquez? Ang taray pa naman nun!" Pabulong din na ani Shauntal.

"Wala siya ron!" Pinanlakihan ako ng mata ng dalawa matapos kong sabihin yun. "Actually, kinabahan rin ako sa maaaring mangyari nung gabing yun! Dahil wala ron ang asawa niya at higit sa lahat pag-kagising ko ay nakahawak sya sa kamay ko habang nakaubob ang ulo sa kama." Sabi ko pa.

Unforgettable: a love untoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon