KABANATA V

136 63 3
                                    

Warrel's POV

Pagkatapos nang klase ko kanina ay naisipan ko na mag-liwaliw muna. Pang patanggal stress ba. Kaya naman napagdesisyunan ko na pumunta sa isa sa sikat na bar dito sa lugar namin.

Pagkapasok ko sa Bar'vara kanina ay nakita ko sina Hyun at Joson sila ang mga kaibigan ni Ezekiel. Nanonood sila sa pagkanta ng banda sa stage habang umiinom ng alak. Lalapitan ko sana sila upang itanong kung anong ginagawa nila ron ngunit nakita ko si Ezekiel na naglalakad papapunta sa mga kaibigan niya kaya nagdesisyon akong hindi na lumapit pa.

Lumipas ang mga minuto at pinakanta nila si Ezekiel, napaka-ganda ng boses niya. Sobrang ganda! Hindi ko alam na may itinatago pala siyang galing sa pag-kanta dahil sa pagaakala ko ay sa pag sayaw lang siya magaling. Ang boses niya kapag kumakanta ay halos iba sa natural niyang boses.

Matapos kumanta ni Ezekiel ay balak ko na sanang ubusin lang ang beer na hawak ko at umuwi na dahil sa mga paper works na gagawin ko perk habanh umiinom ako ng beer ay bigla akong itinuro ng bokalista ng banda. Napatayo ako at nilingon ko si Ezekiel na nakatingin sa akin na parang kinikilala kung sino ba ako. Madilim kasi sa parte ng inuupuan ko kaya hindi mo talaga makikilala ang tao kung sakaling malayo ka dito. Dumeretso ako sa stage at ipinakilala ako ng bokalista.

"Let's give it up for Mr. Warrel Jhay Enriquez" sigaw ng bokalista sabay abot ng mikropono sa akin at saka siya bumaba ng entablado.

Bago pa ako magsimulang kumanta ay nilingon ko ang tropahan nina Ezekiel na mga pawang gulat na gulat ng makita ako sa stage. Marahil ay iniisip nila na baka isumbong ko sila kay Dean. Nagkatitigan kami ng sobrang tagal ni Ezekiel habang sunod sunod ang lagok niya ng alak at di pinapansin ang mga kasama niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya at kinausap ang banda kung ano ang kakantahin ko.

I'm going under and this time I fear there's no one to save me
This all or nothing really got a way of driving me crazy
I need somebody to heal
Somebody to know
Somebody to have
Somebody to hold
It's easy to say
But it's never the same I guess
I kinda liked the way you numbed all the pain

Buong emosyon ko iyong kinanta at lumilingon ako kay Ezekiel habang kinakanta iyon. Tinutulak tulak naman siya ni Hyun at halatang naiirita siya sa ginagawa ng kaibigan. Tuwing lilingon ako sa kanya ay para bang kinakabahan siya base sa reaksyon ng mukha niya.

Now the day bleeds
Into nightfall
And you're not here
To get me through it all
I let my guard down
And then you pulled the rug
I was getting kinda used to being someone you loved

Bagya ko pang idiniin ang huling linya at tinitigan siya sa mata. Para naman siyang lalamunin ng kinauupuan niya. I love you! Gusto kong isigaw pero hindi pwede. Pagkatapos kong kumanta ay dumeretso sa kinauupuan nila.

"Is it okay if I'll join guys here?" tanong ko sa kania.

"Okay lang naman Mr. Enriquez" sagot ni Joson.

"Okay lang din po sa akin sir, ewan lang po namin sa isang yan na kanina pa nag eemote sa room pagka..." sagot ni Hyun ngunit di na siya natapos sa sasabihin ng pigilan ito ni Ezekiel.

"Itigil mo yan tatadyakan kita." Sigaw nito na inirapan lang ni Hyun. "Okay lang naman din sa akin, Have a sit!" Tuon niya sa akin na tiningnan pa ako kung saan ako uupo.

Isa kase yung malaki na pa-arkong couch na halos pa-U na. Magkatabi sa kaliwa si Hyun at Joson at si Ezekiel naman ay nasa may gitna kaya naupo ako sa malapit sa kanya.

Unforgettable: a love untoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon