KABANATA III

183 70 14
                                    

Lorhvins POV

Kasalukuyan na kaming nasa floor ngayon ng mga teachers. At kumatok naman si Mitch na agad naman nakapagpakaba sa akin sa hindi ko alam na dahilan. Siguro dahil sa mga sinabi nina Brix kanina tungkol kay Sir Warrel.

"Come in" Rinig kong sigaw ni Mr. Enriquez kaya agad kaming pumasok dalawa ni Mitch.

"Tara, pasok na tayo!" Anyaya ni Mitch at walang ano-ano ay pinagbuksan ako ng pinto at pinauna nang pumasok sa loob."Mr. Enriquez kami po ito ni Lorhvins" muling salita niya na nakatuon sa corner ni Mr. Enriquez.

"Okay, Mitch salamat! Maaari mo na kaming iwan bumalik ka na sa iyong room at kapag tinanong kung saan ka galing ay sabihin mong ipinatawag kita" Sagot nito.

"Mauna na ako Sir." Aniya na noon ay nakatuon pa rin sa corner. At tinitigan ko naman siya ng nagtatanong na tingin. "Una na ako! Enjoy!" Lintaya niya ng tumingin sa akin na parang nang-aasar.

"Pero..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pigilan niya ako na mag-salita.

"Huwag ka mag-isip ng kung ano-ano dyan. Kakain lang naman daw kayo. Basta ba kahit pakainin ka pa niya nang kung ano-ano ako pa rin dapat ang mahal mo." bulong nito sa tenga ko na nakapag patigil sa akin. Para akong naestatwa ng ilang minuto sa huli niyang sinabi. Agad naman akong bumalik sa normal upang hindi niya mahalata na naapektuhan ako sa mga sinabi niya.

"Ah. Gago ka talaga. Umalis ka na nga, pupunta na ako dun." turo ko sa corner ni Mr. Enriquez.

"Okay. Highblood agad, Tssk! Bye babyboy" aniya nito bago tuluyang lumabas ng pinto.

Anong nakain non? Babyboy ang puta! Corny! Tch.

Nagbitaw muna ako nang isang malakas na buntong hininga bago ako naglakad papunta sa corner ni Mr. Enriquez. Pilit ko inilalagay sa utak ko na wala naman siyang gagawin na hindi maganda sa akin dahil nasa eskwelahan kaming dalawa.

"M-Mr. Enriquez p-pina-patawag niyo raw ho ako?" Utal-utal na bigkas ko dahil sa kaba kaya nagbitaw ulit ako ng buntong hininga.

Inilibit ko ang mata ko sa corner niya at daig pa nito ang babae dahil sa sobrang organize at ayos ng mga gamit niya dito. May mga drawer siya na kung saan nakalagay ang mga activities ng mga estudyate nya by section. Napansin ko iyon dahil may mga nakasulat kada pinto ng drawer na section na kanyang tinuturuan. Sama-sama rin ang kaniyang mga pens and markers sa isang lagayan na naka-by color ang ayos. Wala ka ring makikita na kahit na anong papel na naka-kalat sa kaniyang lamesa tanging laptop at cellphone lang ang nandoon at kaniyang lunch. Sa gilid naman ng lamesa ay mayroong stand fan na nakatutok sa kaniya.

"Have a sit. Alam mo bang ipinatawag kita kase wala akong kasabay kumain." malungkot kunwari na sabi nito na ngumuso pa. "Join me, let's eat together. Na-miss kita e"

Na-miss? Lasing ata to si Sir. Eh ngayon nga lang kaming dalawa magkakasabay kumain.

"A-ano po bang sinasabi niyo sir? E, this is the first time na kakain ako na kasabay kayo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag tanong.

"Nevermind. Hindi mo nga talaga ako natatandaan. Okay eat your food." Sabi niya matapos iabot sa akin ang tray ng food.

Hindi mo nga talaga ako natatandaan.

Na-miss kita e

Hindi mo nga talaga ako natatandaan.

Na-miss kita e

Unforgettable: a love untoldWhere stories live. Discover now