CHAPTER 8.

34 3 0
                                    

...

RHIAN'S POV.

Binalibag na ako ni Eric sa kama, pagkauwi namin sa bahay.

"Kailan mo pa natutunan manlalaki huh?" Sampal niya sa'kin ng sobrang lakas kaya napaiyak nya ako.

"Eric tama na! Walang kinalaman si Taehyung dito!" Pagpapatigil ko sa kanya pero pilit nya akong isinu-subsub sa unan.

"Hindi ako tanga Rhian! Huwag na huwag kang papahuli sa'kin na nakikipag landian ka sa kanya dahil papatayin ko kayong dalawa!" Pagbabanta pa niya sa'kin.

"Alam mo kung ano ang dahilan kung bakit gustong gusto na kitang hiwalayan!" Sigaw ko pa sa kanya.

"Hinding hindi ako makakapayag sa gusto mo!" Paghila pa nya sa buhok ko.

"Pwest tigilan mo na ang pananakit sa'kin at magbago ka na! Ayusin natin ito!" Pagmamakaawa ko sa kanya.

Nabaling kase ang atensyon ko sa mga Foil at pinaggamitan niya para sa pag-du drugs nya. Wala na talaga sya sa tamang kaisipan niya kaya nagagawa niya ito sa'kin ng paulit ulit.

Kailangan kong magtiis para makaalis na ako sa impyernong buhay na ito na kasama sya, Magagawa ko lang iyun kung susundin ko ang mga gusto niya.

"Magluto ka! Gutom ako!" Utos na niya sa'kin pagkatapos nyang pagsawaan na saktan ako.

"O... k!" Utal ko sa kanya.

"Gisingin mo ako kapag nakahayin na ang mga niluto mo para sa'kin! Bilisan mo!" Pagsapok pa niya sa ulo ko at itinulak nya ako palabas sa kwarto namin.

Gusto kong tumakas pero nasisigurado ko na mahahanap nya akong muli at baka sa hindi inaasahan ay maidamay pa niya sa galit nya si Taehyung at si Amarra na ayokong mangyayari.

Nagluluto na ako kahit malalim na ang gabi nang may biglang bumusina sa labas ng bahay.

Nagtaka ako kung sino iyun kaya lumabas na rin ako sa labas ng Gate.

Pinigilan ko ang sarili ko na maiyak dahil nakita ko siya.

"Taehyung? Bakit ka narito? Gabi na di'ba?" Pagtataka ko sa pagdating niya.

"Ok ka lang ba?" Sinserong tanong niya. Hindi ko akalain na ang isang katulad niya ay nag aalala pa rin sa'kin.

"Di'ba sabi ko kanina na Ok lang ako! Kung 'yun lang ang gusto mong malaman ay umuwi ka na! Ok lang ako!" Muli kong tugon sa kanya at hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak sa mismong harap niya.

"Nag aalala lang kami ni Amarra sa'yo! Nabanggit nya sa'kin kanina na may isinuka kang Dugo habang nagka-klase ka sa kanila!" Dugtong pa nya.

Ang kumplikasyon ng sakit ko. Kung tutuusin nga ay hindi ko na dapat siya nilalapitan pa dahil baka kahit sa paghawak o paglapit niya sa'kin ay mahawaan ko siya.

Takot pa rin ako na makahawa ang sakit ko kahit na nitong huling HIV'S Test Result ko ay Negative na ako pero may kumplikasyon na sa dugo ko.

May Chronic Blood Infections na ako at may malaking butas din ang baga ko, mas masakit sa lahat ng pinagdaanan ko ang magkaroon ng mga ganitong klaseng sakit dahilan para mawalan na rin ako ng pag asa pa para mabuhay.

"Wa... la lang iyun! Sige na umalis ka na dahil baka abutan pa tayo ni Eric dito, kung ano pa ang isipin nya!" Pagtataboy ko na sa kanya.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob niya para puntahan pa ako dito at balak pa yatang maging super savior ko.

Nagulat na lang ako nang bigla nya akong yakapin ng sobrang higpit. Naramdaman ko ang buntong hininga niya. Dinama ko naman ang pagkakayakap nya at hindi ko namalayan na umiiyak na ako sa damit nya.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Where stories live. Discover now