CHAPTER 12.

30 3 0
                                    

...

AINA'S POV.

Pumunta ako sa Coffee Shop ni Mr. Namjoon, kung saan nakilala ko sya bilang kaibigan ni Mr. Mayabang.

"Nasaan ang magaling mong Bestfriend?" Kaharap ko na siya ngayon at tinimplahan nya ako ng Best Taste niyang Brewed Coffee.

"Weekend ngayon di'ba? Wala syang oras para magtrabaho!" Baling niya sa'kin.

"Gusto ko syang makausap!" Saad ko.

"Busy sya!" Tugon pa nya.

"Busy habang may Business Partner na naghihintay sa tugon nya sa pinag usapan namin Last time? May utak ba yang Bestfriend mo? Alam mo konting konti na lang talaga ang pasensya ko sa kanya at mananagot na sya sa'kin!" Nanggagalaiti na anas ko pa.

"Puntahan mo sya kung gusto mo!" Diin nya sa'kin at tiningnan ko siya nang tuwid.

"Nasaan ba sya?" Inis kong tanong sa kanya.

Tamang tama sa oras ko na arsulsulin siya sa Big Deal namin.

"Ms. Hae you're here!" Dalasdas na bati sa'kin nang isang babaeng hindi na ganun kapamilyar sa'kin paningin.

"Iyah!" Binati siya nitong Namjoon.

"You look frustrated and disappointed, How can i help you?" Tanong nito sa'kin.

Nakilala ko agad sya. Sya yung tumawag sa'kin na hihingi siya ng tulong para sa kaibigan nya. Nagkita na kami nang isang beses. Hindi ko naman akalain na magkakilala sila nitong Bestfriend ni Mr. Mayabang.

"Don't mind me! Anyway how's the devorce case of your friend?" Baling ko sa kanya.

"Yun na nga eh! Pupuntahan sana kita sa Office mo pero makikipag date muna ako, Since narito ka na rin naman ay sasabihin ko na rin sa'yo yung nangyari!" Pagtutukoy nya.

"Can i join?" Tanong pa nitong si Namjoon samantalang nakaupo na nga siya at nakikinig na rin sa pinag uusapan namin.

Mukhang mapupurnada na naman ang lakad kong ito. Uunahin ko pa ba ang pride ko para magpa impress kay Dave kaysa sa mga taong nangangailangan nang tulong ko?

Nalaman ko na may masamang nangyari sa kaibigan nya kaya nag alala naman ako kahit hindi kami magkakilala in person. Hindi pa rin pala napipirmahan ang devorce papers na inihain ko para sa mag asawang iyun. Nakakainis dahil nakulong ang lalaki na gumawa ng karumaldumal na krimen na iyun sa pagsasama nila bilang mag asawa.

Ako tuloy ang nanghihinayang sa mga pagkakataon na dapat malaya na si Mrs. Ri.

"Nadamay pa tuloy si Mr. Kim sa mga nangyari sa kanila!" Dugtong niya sa ikinukuwento niya.

"Ayun ba yung inasikaso ni Hoseok kailan lang?" Tanong ni Namjoon.

Teka, bakit parang may katugma ang ikinikuwento niya sa kasong hinawakan ko na damay si Mr. Mayabang.

Mr. Kim?? Si..

"Kailangan ko na palang umalis!" Pagmamadali ko na.

"Hindi pa ako tapos magkwento at saka matutulungan mo ba ang Best friend ko?" Tanong nya sa'kin.

"Oo naman basta masisingil ko qng utang ni Mr. Mayabang sa'kin!" Mariin kong tugon sa kanya.

"Mr. Mayabang?" Pagtataka pa nila na hindi ko na binigyan pa ng pansin.

Mabuti na lang at may nakuha na akong impormasyon sa kanya, kailangan ko lang talaga ayusin ang plano ko para makuha ko na ang loob ni Mr. Mayabang at mapunta na sya sa Company ni Dave at Mr. Myung So.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon