CHAPTER 19.

25 2 0
                                    

...

AINA'S POV.

Tuluyan na akong nakipaghiwalay kay Dave kahit na napaka-sakit nu'n sa pagkababae ko at sa tunay na pagmamahal ko sa kanya. Inayos ko ang sarili ko bilang ako, binuo ko ang nasira kong dignidad at pagkatao at naging tutok ako sa pagtuturo ko sa isang Private School. Binitawan ko ang kung ano man na professions na natapos ko, pati na rin ang pagta-trabaho ko sa Company ni Mr. Myung So ay pinakawalan ko rin para maisa-ayos ko ang panibagong buhay ko.

Hindi ko nga akalain na lumipas pala ang dalawang taon na ganito ka-simple ang buhay ko at natiis ko iyun. Lemitado man ang mga luho ko para sa sarili ko ay naging kontento na ako.

"Ok class good morning!" Panimula ko sa unang klase na hahawakan ko for today.

Grade 3 Students ang tuturuan ko, Since nawala si Rhian ay pinalitan ko ang posisyon nang Teacher na pumalit naman sa naiwan niyang posisyon.

Hindi na masama para sa'kin na mayroon akong Lawyer Licence pero nagtuturo ako ng mga makukulit na batang ito. Isa na rin iyun sa dahilan para makita ko si Yeonjun.

"Ayaw namin sa'yo!" Pagbato nila sa'kin ng mga niyamukos na papel.

Kailangan ko silang pagpasensyahan dahil wala pa sila sa tamang edad nila para makinig sa sermon ko.

"Don't hit my Mom!" Sigaw ni Yeonjun na akala mo'y mahaharangan ang mga nagliliparang papel na ibinabato sa'kin ng mga kaklase niya.

"It's ok, good boy! You may sit down!" Saad ko sa kanya at hinaplos ko ang buhok niya bago siya naupo.

Magsisimula na talaga sana ako tutal ay nanahimik na rin naman ang lahat, may bigla kaseng dumating at inabala pa talaga ako dahil may baguhan daw sa Students ko ngayon.

Binilang ko naman ang lahat ay eksakto ito sa Attendance ko, maliban na lang kung hindi nakalista ang tinutukoy ni Mrs. Principal sa'kin.

Pinuntahan ko pa talaga sa Office niya kahit na pwedi naman derektang magkita kami sa Class ko.

"Nasaan na po ba ang Transferee Student ko?" Paghahanap ko sa loob ng Principal Office at kahit saan ko ilibot ang aking mga mata ay wala ito dito.

"Maghintay na muna tayo, darating na iyun! Itinawag nya lang kase sa'kin na dito na ulit mag aaral ang kanyang anak!" Saad ni Mrs. Principal.

Nakakainis lang dahil mukhang pa-importante pa ang mga magulang nitong bagong Student ko.

Naghintay naman ako kaya lang hindi ko maiwasan ang mainip.

"Sorry Mrs. Principal pero late na ako sa First Class ko, kailangan ko na magturo!" Sabi ko.

"Hi Mrs. Principal! I'm sorry kung late kami ngayon!" Ang tinig niyang iyun na ipinagtaka ko.

Ang alam ko ay nag-migrate sila sa Abroad, Naka uwi na pala sila. Hindi ako makaharap agad sa kanya.

Kapag nagkita na naman kami ay nasisigurado kong...

"Ms. Hae heto nga pala si Amarra Hae Kim, Ang iyong bagong estudyante! Amarra this is you new Teacher!" Pagpapakilala sa isa't isa sa'min ni Mrs. Principal.

"Owh. Ms. Lawyer? Ikaw pala ang sinasabi ni Mrs. Principal na bagong Teacher dito? Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, Nagkita ulit tayo!" Kinakamayan nya ako na ipinagtaka ko naman.

"Late na sya kaya sumunod na kayo sa'kin!" Nilampasan ko na lang sila at lumabas na ako sa Principal Office.

"Nag quit ka na bilang Sales Manager ng Company ni Mr. So? Anong naisip mo at nagturo ka dito?" Sunod sunod niyang tanong sa'kin habang sa paglalakad ay nasa likuran ko sila nang anak nya.

"Ang laki agad nang ipinagbago mo huh, Hanggang sa pananamit mo ay nagbago din!" Pinagmamasdan ba nya ako mula sa likuran ko.

"Teacher ako dito kaya konting respeto naman Mr. Kim, Hindi ka ba nahihiya na ginaganyan mo ako sa mismong harap nang iyong Anak?" Mataas kong kilay nu'ng harapin ko siya.

Sa kabilang hallway kami napadaan kung kaya't napaka-layo namin sa Classroom ko.

"Daddy stop it!" Sinasabihan na rin ng anak nya ay hindi pa ein siya na nanahimik.

"Kaya ba tinanggihan mo ang alok ko 2 years ago ay dahil gusto mong magturo dito?" Natatawang anas pa nya.

"Pwedi ba Mr. Kim kung wala kang matinong sasabihin ay iwan mo na lang kami dito ng anak mo at maari ka nang umalis!" Hinila ko na ang Anak nya at nakarating na kami sa Classroom ko.

"Bigyan mo ako ng time na makausap ka Ms. Hae! Susunduin ko anak ko mamaya!" Bilin pa nya bago siya tuluyan na umalis.

Haist Bakit ba naman bumalik pa sya. Nakakainis na ako ang magiging bagong Teacher ng Anak nya.

"Amarra Hae doon ka sa tabi ni Yeonjun maupo!" Sabi ko sa kanya at sinunod naman nya ako.

Napamasid ako sa pagbabago nang batang ito. Tahimik na siya at parang nahihiya na makisalamuha kahit na kanino.

Hae?? Hae?? Teka bakit parang konektado siya sa'kin. Tama ba?

Hindi....

.
.
.
>FLASHBACKS<

10 YEARS AGO.

Ikakasal na kami ni Dave sa kabilang linggo pero biglang nalaman niya ang nangyari sa'kin.

"Buntis ka? Kanino? Sino ang Ama ng dinadala mo?" Paghila niya sa braso ko nu'ng madatnan nya akong nagduduwal sa C.R.

"Dave... Sorry! Sorry!!" Pag iiyak ko sa kanya.

Gusto nya akong sampalin ngunit nagpigil lang siya. Tinalikuran na lang nya ako pero yumakap ako sa likuran nya. Pilit nyang kumawala sa'kin.

"Hindi ko akalain na magagawa mo sa'kin ito!" Sambit nya sa'kin.

"It was a raped! Nalasing ako sa Birthday Party mo at parang nilagyan nang ecstasy drugs dahil hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. May.. May nagdala sa'kin sa isang madilim na kwarto tapos pinagsamantalahan nya ako! Wala akong lakas ng loob para makalaban sa kanya! I'm a rape Victim, Dave!" Pagmamaka awa kong pakinggan niya ang paliwanag ko.

"Kalokohan! Kasinungalingan mo iyan Aina! Ang sabihin mo ay sadyang disgrasyada ka talaga! Kahit linisin mo pa ang pangalan mo sa'kin ngayon ay sadyang maduming babae ka na! Hindi ko nanaising magpakasal pa sa iyo!" Mariin niyang sabi na ikinanlumo ko.

"Dave..." Utal ko sa kanya.

"Ipalaglag mo ang ipinagbubuntis mo na iyan kung husto mong matanggap pa kita!" Matigas niyang sabi at dumistansya ako sa kanya.

"Hindi ko gagawin yan! Wala syang kinalaman dito!" Diin ko sa kanya.

"Kung ganu'n ay tigilan na natin ito!" Sabi niya.

Kahit ilan beses nya akong sinabihan na ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko ay hindi ko ginawa. Nasira man ang dignidad ko sa kanya ay ipinagpatuloy ko ang pagbubuntis ko sa kanya. Nagsampa pa ako ng kaso sa taong gumawa sa'kin nang karumaldumal na pangyayaring iyun ay agad din isina-basura dahil wala akong pagkakakilanlan sa kung sino man na lalaking iyun.

Hindi ko siya nakilala man lang o namukhaan. Napaka-hayop man niya ay ipinanganak ko ang anak namin at tinanggap ng buong buo, Ginawan ko pa ng burda ang lampin na unang suot nya.

Ngunit ayaw sa kanya ni Dave kung kaya nagdesisyon ako ng sobrang hirap. Kinailangan ko syang iwan sa isang pintuan nang bahay kasama ng paglimot ko sa kanya.

Kailangan kong magbagong buhay na wala siya. Bahid na lang siya ng masamang nakaraan ko.

Gaano man kasakit sa'kin na ipinagpalit ko siya sa kaligayahan ko kay Dave kahit pa sa panggagahasa lang siya nagmula.

>FLASHBACKS ENDS<

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora