CHAPTER 35.

24 1 0
                                    

...

YOONGI'S POV.

KINABUKASAN ay maaga kong pinuntahan si Aina. Alam ko naman na hindi nya matatanggihan ang paanyaya ko sa kanya papuntang Daegu dahil kay Amarra.

Gusto ko lang naman makatulong sa kanya na mapalapit kay Amarra kahit wala pa rin nangyayari sa mga imbistigasyon ko sa kanila.

Nakarating ako sa isang maliit na Apartment. Narinig ko na agad ang kaingayan sa loob nito.

"Ano ba Dave? Sinabi ko na sa'yo na ayoko na! Hindi na ako babalik pa sa inyo ni Yeonjun! Huwag mong gamitin ang bata para lang sa pagkontrol sa'kin! Umalis ka na!" Tinig niya'y parang sapilitan syang kinukuha ni Dave Do.

Ang Bestfriend ni Taehyung. Bakit ngayon ko lang nalaman na may koneksyon pala siya kay Aina? Matagal tagal na rin kami na hindi nagkikita.

"Sumama ka na sa'kin! Ibibigay ko ang lahat para sa'yo!" Boses naman nito.

"Ehem... Ehem...!" Pagtighim ko sa may giliran ng pintuan at pinagmamasdan ko lang sila sa kinaroroonan nila.

"Min Yoongi you're here?" Pinamulsahan nya agad ako na marahil sa'kin napunta ang atensyon niya.

"Yo.. ongi?" Gulantang ni Aina na kaagad nagbigay nang senyales na wala akong dapat na sasabihin kay Dave kung sakali na may itanong ito.

"What's going on here Aina?" Pagtataka pa nito.

"Wala naman! Lawyer kase sya ni Jessica Lee at may gusto lang akong linawin sa kanya!" Sabi ko kahit na hindi naman iyun ang totoong pakay ko. Tapos na ang issue na iyun at pinaubaya ko na iyun kay Jimin.

"May maiitulong ba ako para sa ikakabuti ni Aina?" Taas kilay niya sa'kin.

"Nothing!" Taltik ko sa kanya at tuwid niyang tiningnan si Aina.

Nanginginig na ang kamay nito dahil sa posibilidad na may malaman si Dave sa ipinapagawa nya sa'kin. Haysss bakit ba nasangkot ako dito?

"Please umalis ka na Dave!" Taboy na sa kanya nito.

"Babalik ako!" Banayad na hinayaan sya nito na mahalikan nya ang Babaeng inabuso niya nang halos ilan taon.

Marahil maniniwala ako sa lalaking ito na mabuti syang tao kung hindi ko alam ang kaliwa't kanan niyang katarantaduhan simula't sapul. Kung hindi rin namin napigilan si Taehyung na sumama sa kanya sa lahat ng kolokohan nya ay baka nga ang sensiridad niya manuyo kay Aina.

"Bakit naman ang aga mo?" Derektang tanong nya sa'kin pagkatapos umalis ni Dave.

"Ok ka lang ba?" Tanong ko muna sa kanya dahil napansin kong hinihimas niya ang namumula na braso nya. Sinaktan siguro siya ni Dave, nakarating lang ako.

"Oo!" Matipid niyang tugon.

"Paalis kami ngayon at papunta kami sa Daegu kasama si Amarra! Baka gusto mo lang sumama  kaya pinuntahan kita dito!" Paglilinaw ko.

Nagulat ako sa biglaan niyang pag iiyak.Hinahanapan ko naman siya nang dahilan ngunit hindi lingid sa kaalaman ko ang nararamdaman nya.

"Paano kung mapatunayan natin na si Amarra ang anak ko? Paano kung malaman iyun ni Dave? Delikado sya! Sigurado ako na gagawin ni Dave ang lahat para bumalik ako sa kanya at kapag nangyari iyun ay mas lalong paghihiwalayin na naman niya kami ng Anak ko!" Pagsusumamo niyang usal.

"Lawyer ka! Karapatan mong ipagtanggol ang sarili mo kapag nadedehado ka! Bakit mo sya kakatakutan kung lagi ka naman nyang sinasaktan ng ganyan?" Sambit ko sa kanya.

"Naiisip ko lang ang kahihinatnan namin ni Amarra kung sakali na malaman ito ni Dave!" Diin pa nya.

"Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? Nasa mabuting tao si Amarra at alam mong hindi sya pababayaan ni Taehyung! Ang kailangan mo lang talaga ay mapalit sa kanya para mapatunayan mo na sya talaga ang nawawala mong Anak!" Mariin kong sabi sa kanya na mas lalong ikinaiyak nya.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Место, где живут истории. Откройте их для себя