CHAPTER 20.

29 2 0
                                    

...

TAEHYUNG'S POV.

Hindi ako makapaniwala na nagtuturo na lang siya ngayon, I mean bilang isang Lawyer at maganda ang Opportunity na naghihintay sa kanya ay ipinagpalit niya iyun para makapagturo ng mga batang makukulit at mas pasaway pa sa Anak ko.

Kakaiba talaga siya.

Gayun pa man ay hirapan akong magsimula sa aking trabaho dito sa Company dahil kailangan ko muling pag aralan ang pag ikot nang kita sa Sales Stock ng Company. Kailangan ko rin kausapin ang mga baguhan na Empleyado sa iba't ibang Department, higit sa lahat ay ang mga Models ng aking Cosmetic Brand.

Hindi na natuloy pa ang Business Deal sa pagitan namin ni Mr. Myung So dahil sa pagkakakilala na namin ni Dave.

Nalaman ko na rin talaga ang pakay niya sa Company ko kung bakit gustong gusto nya akong maging Business Partner. Gaya pa rin siya nang dati na gagawin ang lahat para pabagsakin ako. Gagawin niya ang lahat para masira ang repotasyon ko. Nagulat na lang ako sa nalaman kong Live in Partner sila ni Ms. Lawyer for more years ago.

Harvard Graduates ang mga Hiring Employees ko tapos makikipag Business Partner ako sa isang taong panira sa buhay ko? It will never happen. I won't that happen.

"Natatawa ka yata diyan?" Puna ni Jungkook sa pagngisi ko nang mag isa.

"Wala! Anyway nagkita na kami ni Ms. Lawyer kanina!" Saad ko sa kanya.

"Oh tapos?" Hindi yata siya intrisadong makinig dahil abala siya sa Cellphone nya.

Kung kaya binato ko siya nang hawak kong Hypen sa kqnyang kinauupuang Couch.

"Ano ba? Kinakausap kita!" Hiyaw ko sa kanya.

"Ah.. Oo nga!" Pinatay na nya ang Phone nya na para bang hindi lingid sa kaalaman ko kung sino ang ka-text niya sa Phone nya.

"Sino naman yan huh?" Nilapitan ko siya. Ngayon ko lang kase nakita syang balisa sa kinauupuan nya.

"Wala 'toh!" Pagtanggi pa nya.

"May dine-date ka na nuh? Sino? Ipakilala mo sa'kin para naman malaman na ni Amarra na magkakaroon ka ng Asawa!" Sabi ko sa kanya.

"Haist.. Date na nalalaman mo dyan!" Pag irap niya sa'kin.

"Ano nga bang sinasabi mo tungkol kay Ms. Hae?" Baling na niya sa'kin.

"Nagkita nga kase kami!" Paglilinaw ko.

"Nagkita? Saan?" Aniya'y kunwari nagulat pa sa sinabi ko. Patawa talaga to'h.

"Teacher na pala siya ngayon! Nakakatawa hindi ba? Isipin mo, kailan lang ay halos araw araw nya akong hinahabol para lang makipag-negotiated sa Company ng Boss nya tapos after 2 years ay nagtuturo na lang siya ngayon kung saan ko pinapasok si Amarra!" Pagkukuwento ko sa kanya.

"Wala naman problema sa pagiging Lawyer turns to Teacher di'ba?" Baling nya sa'kin.

"Hindi mo ba naiintindihan kung gaano kalaking kawalan sa kanya na tanggihan ang trabaho na inaalok ko sa kanya noon!" Pilyong paglilinaw ko sa kanya.

"Lumabas rin ang totoo na disappointed ka kase hindi mo siya nautong magtrabaho dito!" He teasing me.

Natahimik ako sa sumandaling sinabi niya iyun. Nais ba nyang marinig sa'kin na gusto kong makuha si Ms. Hae noon dahil gusto ko lang pahirapan dito. That's too much.

"See, you're guilty!" Pang aasar pa rin niya kasabay pa nang pang iinsulto niyang tawa.

"It's not what you think!" Sumeryoso tuloy ako. Napapa isip lang ako kahit na hindi ko naman alam kung ano ang iisipin ko. Its just that there's something bothered to me for Ms. Lawyer.

Pinag iinitan ako sa naiisip ko tungkol sa kanya.

"Mabuti pang ikuha mo ako nang tubig!" Pag uutos ko sa kanya.

"Kailangan mo na nga syang utuin na maging Secretary mo para hindi na ako ang utusan mo!" Reklamo pa niya bago tuluyan lumabas sa Office ko.

Pinagtiyagaan ko na muna ang Wine na nasa lamesa ko habang hinihintay ko ang rescue ng tubig niya.

Hindi naman siguro siya iyun. Syempre palaban siyang babae kumpara sa mga babaeng nakilala ko nu'ng mga taon na iyun.

Ikahihiya ako ni Amarra kapag muling napag usapan pa ang bagay na iyun.

.
.
.

Maya maya pa ay may maingay na sa labas ng Office ko hanggang sa may dalasdas na nag eskandalo papasok dito.

"Jessica hindi ka pweding mag eskandalo dito!" Paghabol ni Jungkook sa kanya at humarap ako sa kinaroroonan nila na palapit sa'kin ang babaeng ito.

"Hi! Kim Taehyung! I'm Jessica Lee!" Paghaya ng malantik niyang palad at banayad na pinagbigyan ko ang kanyang pakikipag kamay sa'kin.

Marahil ito ang babaeng pinagkakaabalahan ni Jungkook na itext kanina.

"Girlfriend mo?" Baling ko kay Jungkook na agad niyang tinaggihan.

Kung hindi ay sino ang babaeng ito na ang lakas ng loob na makaharap ako.

"At sino ka naman dito sa Company ko?" Taas kilay ko na sa kanya.

"Ako lang naman ang tunay na ina ni Amarra Hae! Ang batang iniwan ko sa labas ng Dormitory nyo! Ilan beses na kitang gustong makausap pero ilan beses din akong pinagtabuyan nitong Secretary mo!" Matigas niyang sabi sa'kin na ikinagulat ko pero hindi ako nagpahalata sa kanya.

"Wala akong oras na makipag lokohan sa isang katulad mong basta na lang susugod dito at aangkahin ang Anak ko! I will let you go before i change my mind to call a security!" Tuwid ko namang baling sa kanya.

"Alam kong magdadalawang isip ka na paniwalaan ako but i have here some of my evidences!" Paglapag niya sa sinasabi niyang patunay na anak niya si Amarra.

Tiningnan ko agad ito ngunit ang nababasa ko ay may katibayan nga na siya ang totoong ina ni Amarra. Gayun man ay hindi ko basta ibibigay ang karapatan niyang makuha sa'kin nang ganu'n lang ang Anak ko.

"Tatawag na ba ako ng Security?" Paniniguradong tanong ni Jungkook.

"No!" Tugon ko.

"Nasaan na ang Anak ko?" Tanong agad nitong babaeng ito.

"Sa tingin mo ba ay basta ko na lang ipapakita sa'yo si Amarra nang ganu'n lang? Baka nakakalimutan mong inalagaan ko ang Anak mo ng mas higit pa sa pagiging Ina mo sa kanya! I'm sorry to say but you should need a Lawyer before i forgive you to see your Daughter!" Derektang paliwanag ko sa kanya.

"Hindi pa ba sapat na ipakita ko sa'yo 'yan para lang makuha ko ang Anak ko? Ilabas mo sya! Wala kang karapatan na itago siya sa'kin! Wala!" Paghihiyaw nya.

"Hindi mo sa ganito makukuha si Amarra! Sana pinag isipan mo na muna ang mga linyahan na sasabihin mo sa'kin bago ka gumawa ng eskandalo dito! Get out!" Baling ko na sa kanya dahil sa totoo lang ay pinanghihinaan na ako ng loob na makausap siya.

Ang sinasabi niyang siya ang tunay na Ina ni Amarra ay marahil totoo dahil na rin sa katibayan na dala nya pero paano ko sisimulan na maipaliwanag ito kay Amarra.

Paano ko sasabihin na hinahanap na sya ng Ina niya?. Narito na ang matagal na nyang hinahanap kay Jungkook. Nandito na yung isa sa kinatatakutan ko.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon