CHAPTER 30.

28 2 0
                                    

...

JESSICA'S POV.

Hindi na ako mapakanali pa sa aking mga nagawa. Alam kong may mali sa naging desisyon ko at gusto kong ituwid iyun pero mahal na mahal ko si Eric, Marami syang ipinangako sa'kin at tutuparin lang niya iyun kung susundin ko ang lahat ng gusto niya.

Paano?

"Aalis tayo at dadalhin natin ang bata! Puntahan mo na sila sa kwarto, huwag mong hahayaan na matakasan tayo ni Jimin!" Gigil na saad nya sa'kin.

"Amh.. Bhabe saan naman tayo pupunta? Pupuntahan na ba natin ang Parents mo sa Incheon? Doon na ba tayo maninirahan na kasama natin si Amarra, Like what you promised to me before?" Nililinaw ko lang naman but he suddenly grab my arms. Hindi ko na siya maintindihan sa pagkagalit nya sa tuwing ipinapaalala ko sa kanya ang mga sinasabi nya sa'kin noon.

"Tigilan mo nga ako sa kaartehan mo at sundin mo na lang ang mga sinasabi ko!" Balya niya sa braso ko. Hindi pa nga gumagaling ang pagpaso niya sa likuran ko ay heto na naman siya sa pananakit sa'kin.

"Di'ba sabi mo sa'kin na aalis lang tayo dito kapag nakuha ko na si Amarra? Bakit kailangan mo pang idamay si Jimin? Ano ba talaga ang plano mo?" Umiiyak na ako sa harapan niya.

"Gusto mo ba talagang masaktan pa ulit sa'kin o susundin mo na lang ang utos ko?" Sasampalin nya na ako kung kaya ay sinunod ko na lang siya.

Nagdadalawang isip na ako sa pagsama ko sa kanya. Masakit sa part ko na ganito lang pala ang habol niya sa'kin but i love him so much.

"Ti... to Jimin please wake up!" Panggigising ni Amarra kay Jimin nang madatnan ko sila sa Stock Room ni Eric.

"Amarra let's go!" Paghila ko na sa kanya at talagang balak ko na rin iwan si Jimin doon ngunit nagising na sya.

"Pakawalan mo ako dito Jessica!" Hiyaw niya sa'kin. Naaawa ako sa kanya pero natatakot ako na baka kapqg pinakawalan ko siya ay saktan lalo sya ni Eric.

"Please Mommy pakawalan mo na si Tito Jimin! Akala ko ba Mommy kita pero bakit mo ginagawa ito sa'min?" Nangingilid na pagluha ni Amarra sa'kin.

"Amh... Sorry Amarra! Sorry sa lahat nang nagawa ko! Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahat! Sorry!" Pagyakap ko sa kanya pero pilit nya akong ipinagtutulakan.

"Ganito ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo huh Jessica? Anak ng mga tanyag na Businessman and Woman, May mas maganda kang buhay kumpara dito at may pinag aralan kang tao. Huwag mong sirain ang lahat ng iyun nang dahil lang sa pagkaloko mo sa lalaking iyun! Hindi sya nababagay sa'yo, baka tayo pa pwedi!" Mga hirit niyang hindi ko malaman kung paniniwalaan ko ba o hindi.

"Tumigil ka! Tama na! Kasalanan mo ang lahat ng ito kung bakit nagiging magulo ang desisyon ko!" Baling ko na lang sa kanya at pilit ko nang hinihila palabas si Amarra.

"Pagsisisihan mo ang lahat ng ito pero iiwan ka rin nya! Manloloko sya Jessica!" Dugtong pa nya.

"Mommy please pakawalan mo na po si Tito Jimin! Sasama naman po ako sa inyo kahit na saan po kayo pumunta!" Mariin na sabi ni Amarra. Tumingin ako sa dereksyon na iyun ni Jimin.

Susubukan ko na sana syang pakawalan pero biglang dumating si Eric. May dala na syang baril at nagulantang ako sa pagtutok niya sa'kin nang baril na hawak niya.

"Bh... abe? No.. Don't do that ok..." Utal ko sa kanya. Hinila nya sa'kin si Amarra.

"Gusto mo syang pakawalan? Sige gawin mo at sa kanya ka na sumama! Wala kang kwenta!" Derektang sabi niya sa'kin.

"No.. Alam mong ikaw lang gusto kong makasama!" Saad ko sa kanya.

"Sinungaling! Parehas lang kayo ni Rhian na iiwan ako at ipagpapalit sa mga katulad nila!" Sinampal nya ako ng baril nya at sa pagtumba ko ay tumama ang ulo ko sa sulok ng kabinet kaya nawalan na ako nang kamalayan sa mga nangyari.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon