CHAPTER 22.

28 3 0
                                    

...

AINA'S POV.

Nag aalala lang naman ako kay Amarra kung sakali na may problema si Taehyung.

Ewan ko ba kung bakit dinadala ako ng aking mga paa papunta sa lugar kung saan pilit kong inaalala kung saan ko iniwan ang nag iisa kong Anak.

Marami na rin kase ang nabago sa lugar na ito. Mas marami na ang pasikot sikot at Short cuts way tapos nawala na rin yung mga buildings na palatandaan ko para madali kong makita ang bahay na kumopkup sa Anak ko.

Hindi ko na sya makikita pa. Hindi na.

Uuwi na lang sana ako dahil marami pa rin akong Lesson plan na aasikasuhin at nag aaksaya na siguro ako ng oras dito, kaya lang may isang bata sa isang sulok nang bangketa ang pumukaw sa Atensyon ko.

"Mommy Rhian!!! Mommy Rhian!!!" Pamilyar na tinig nya sa akin. Nilapitan ko siya at si Amarra nga ang bumungad sa'kin.

Umiiyak siya at luhaan na luhaan. Madumi na ang damit nyang suot dahil sa grasa na nasa katabi niya.

"Hey, Amarra why are you here? Nasaan ang Daddy mo?" Inalalayan ko siya na makatayo at ibinalot ko sa kanya ang Coat ko para hindi na sya malamigan.

Hindi ko naman matawagan ang Daddy nya dahil wala akong Phone Number niya.

"Gusto ko pong makita si Mommy Rhian!" Pag iiyak niya sa'kin.

Kung sa bagay ay batang bata pa siya noon para maintindihan na namayapa na si Rhian.

"Gabing gabi na, bawal na ang bata sa ganitong lugar! Saan ba ang bahay mo? Ihahatid na kita!" Saad ko sa kanya but she's still crying.

"Ayoko po sa bahay! Magsisinungaling na naman po si Daddy sa'kin!" Maktol niya. Pinahid ko ang luha niya na patuloy sa pag agos nito.

Nasasaktan ako sa simpleng pag iiyak niya. Marahil malaki ang pinagdadaanan nila nang Daddy nya para umabot sa ganito ang pag alis niya doon sa bahay nila.

"You can tell me anything Amarra, I'm your Teacher and we can be friends!" Diin ko sa kanya at naramdaman ko ang pagaan ng kalooban niya nang yakapin niya ako.

Kahit mabigat siya para mabuhat ko ay binuhat ko pa rin siya para sa mas ikakagaan ng nararamdaman niya.

"Ampon daw po ako! Hindi po ako tunay na Anak ni Daddy! Bakit po ganun?? Hindi nya po sinabi sa'kin na hindi ko pala tunay na Daddy!" Tumining sa tenga ko ang mga sambit niya na iyun.

Natigilan ako at para bang nanlalamig ang buong kalamnan ko nang maribukar ko sa kanya na isa siyang Ampon at hindi tunay na anak ni Taehyung. Napahigpit ang pag akap ko pa sa kanya at hinaplos ko ang likuran niya. Nangingilid na rin ang mga luha ko sa mga Anas niya.

Pakiramdam ko talaga ay apektadong apektado ako sa kumplikadong sitwasyon nila ni Taehyung. Ang sakit marinig sa isang murang edad na katulad niya ang hindi nya kayang matanggap sa ngayon.

Isa syang Ampon at nagsumiksik na agad iyun sa isipan ko. Sya ba ang matagal ko nang hinahanap?

.
.
.
.

...

TAEHYUNG'S POV.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa Anak ko. Handa akong magpaliwanag sa kanya kahit na magalit pa sya sa'kin ng lubusan.

Naghiwa-hiwalay kaming pito para agad namin makita si Amarra pero ni-isa sa amin ay wala pang nakakakita sa kanya. Inis na inis ako sa sarili ko, kasalanan ko kung bakit humantong sa ganito si Amarra.

Sana sinabi ko na lang sa kanya nung nasa Taiwan pa kami. Sana hindi ko na ñang sya ibinalik dito pero heto na yung mga nangyayari kailangan ko na talagang harapin ito.

May isang babaeng naglalakad sa kalagitnaan nang kakalsadahan. Namukhaan ko agad sila kung kaya't bahagyang bumisina ako at bumaba na ako ng sasakyan ko para malapitan sila.

"Amarra! Ms... Hae..!" Utal ko sa kanilang dalawa at agad ibinaba nito si Amarra.

"Sige na Amarra! Umuwi ka na!" Taboy sa kanya ni Ms. Hae.

Ayaw nyang lumapit sa'kin, miski pa ang tingnan ako ng tuwid ay hindi niya magawa. Masakit sa pagiging isa kong Ama na hindi ko naisaayos ang tungkol sa bagay na ito. Nasira ko ang tiwala niya sa'kin at nakakapang baba iyun sa pagkalalaki ko.

Nilapitan ko siya at agad hinagilap nang yakap pero ramdam kong hindi nya ako kayang patawarin. Nagpupumilit siyang makawala sa'kin.

"Daddy... Bakit ka po nagsinungaling sa'kin?"  Matigas niyang tanong sa'kin habang umiiyak siya.

Lumuhod ako sa harap niya para lang mapatanyan ko siya ng tingin. Pinapahid ko ang mga luha niya habang titig na titig ako sa mga mata nya, hindi ko namamalayan na umiiyak na rin ako sa kanya.

Hindi ko iniindang narito lang din sa harap namin si Ms. Hae at pinapanood ang pag iiyakan namin mag ama. Marahil alam na rin niya ang tungkol sa sitwasyon namin ni Amarra kung kaya't hindi siya nakiki alam.

"Sorry anak! Sorry! Hindi ko naman gustong magsinungaling sa'yo! Natakot lang si Daddy na sabihin agad sa'yo ang totoo kase ayokong maisip mo na hindi kita mahal! Ayokong iwan mo ako!" Pagpapa unawa ko pa sa kanya habang patuloy pa rin kami sa pag iiyak.

"Hindi nyo po ba alam kung gaano po ako nasasaktan ngayon? Sabi nyo nina Tito Jimin, Nina Ninong Namjoon at ni Kuya Jungkook na Prinsesa nyo ako pero bakit nagsinungaling pa rin po kayo sa'kin? May mga hari po ba sa isang Palasyo na nagsisinungaling sa Prinsesa nila?" Derektang anas pa niya. Hindi ko na malaman pa kung saan niya nakukuha ang mga sinasabi niya. Isa na rin siguro iyun sa natutunan niya sa pagkukuwento sa kanya ni Jin-hyung ng mga Princess Books.

Malalim ang pinanggalingan ng mga tanong niya na hindi ko agad mabigyan nang kasagutan.

"Umuwi ka na sa'min Anak! Ipaliliwanag ko sa'yo ang lahat! Doon mo maiintindihan kung saan ka nanggaling! Please.." Paki usap ko sa kanya.

"Amarra makinig ka sa Daddy mo! Umuwi ka na! Di'ba sabi ko sa'yo na may dahilan si Daddy mo kung bakit nya itinago sa'yo ang tunay na pagkatao mo! Ayaw ka lang nya masaktan!" Tuwid na sabi sa kanya ni Ms. Hae.

"Hayaan mo at bibigyan ko ng 0% grade ang Daddy mo kase nagsinungaling sya sa'yo!" Pagbibiro pang dugtong niya.

"Daddy!!!!" Pagkandong na sa'kin ni Amarra. Ganun niya kadaling nakuha ang loob ng Anak ko kahit na hindi naman sila malapit sa isa't isa.

Binuhat ko na siya.

"Salamat Ms. Hae!" It's just a simple thank you pero hindi nya alam kung gaano niya napagaan ang loob ko sa pagtulong niya na bumalik sa'kin si Amarra.

"Aina na lang Taehyung! Mas alagaan mo pa sya nang mabuti!" Mariin niyang sabi at tinalikuran na niya kami ni Amarra.

Umiiyak yata siya sa pagtalikod sa'min kinaroroonan dahil ang kanyang mga kamay ay bahagyang may pinupunasan sa mga gilid ng mata niya.

Mahimbing na ang tulog ni Amarra nang makauwi na kami sa Dormitory at saka ko lang napansin na suot pala niya ang Coat ni Aina.

"Hae" Pangalan na nabasa ko sa nakaburada sa Coat na ito.

Pamilyar ito sa'kin at naalala ko agad ang lampin ni Amarra na naiwan sa kanya nung mapunta siya sa'min.

Titingnan ko na sana pero pumasok sa loob ng kwarto sina Jungkook.

"Hayss mabuti naman at ligtas sya! Nag alala ako sa kanya!" Saad nito.

"Sino bang hindi! Malayo na ang narating natin tapos nandito na pala siya!" Reklamo ni Yoongi.

"Ang sabihin mo naabala ang oras nang pagtulog mo! Daming reklamo nito!" Baling sa kanya ni Hoseok.

"Huwag nga kayong maingay dyan!" Taliwas kong reklamo sa kanila.

"Sige na magsitulog na tayo, bukas na lamg natin pag usapan ang tungkol dito!" Pagtalikod na ni Namjoon.

"Sige na!" Taboy ko pa sa naiwan sa kanila.

Sunod sunod naman sila sa paglabas nang kwarto ni Amarra. Itinago ko na lang ang Coat ni Aina.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Where stories live. Discover now