Una

9 2 0
                                    

PATAWAD PAPA
NI:YAVIILABS

Kung meron mang pamilyang maipagmamalaki siguro yun ay ang pamilya ko.

Wala naman kasing pwedeng ipintas sa pamilya ko.Masaya at kompleto kami kaya nga ako na ang pinaka masayang anak sa buong mundo.Akalain mo 'yon mapupunta na lang ako sa maayos na pamilya.Kaya malaki ang pasasalamat ko kay lord dahil binigyan niya 'ko ng gantong pamilya.

Kung papipiliin man ako ng pamilya wala ng isip-isip sila na agad.Bakit pa 'ko mag hahanap ng iba,e kung lahat ng bata hangad ang pamilyang meron ako.

Madaming naiingit sakin, sana daw naging kapatid ko nalang daw sila para daw mayro'n silang mga magulang na katulad ko.Well sayang nga lang dahil nag iisang anak lang ako nila mama at papa.

Ang sarap ng gantong buhay.Chill lang walang problema masaya lang.Sana lahat ng pamilya ganto,no?

Kung pwede kulang sabihin sa mga mag papamilya na!woy wag kayo mag hiwalay.Kaso hindi pwede dahil,una hindi ako pwedeng makialam ng buhay na may buhay.

Pero teka bakit nga ba ayun ang inaalala ko, i have my own family.

Naalala ko lang 10 years old ako non nung masaya kaming nag sasalo-salo sa hapagkaininan.

Papa's girl here!

Flashback

"Anak,ashlee baba na dito kakain na" Tawag sakin ni papa.

Nang marinig ko ang boses niya napapangiting inayos ko ang mga gamit ko.Bumaba na 'ko at na abutan ko ang dalawang pinakamamahal ko ang mama at papa ko.

"Kamusta pag aaral?" Tanong ni mama na abala sa pag sasandok ng kanin.

"Ayos naman po" Magalang kong sagot.

"Aba'y napaka sipag talaga ng anak namin" Nakangiting puri ni papa.

"Opo naman po " Sagot ko.

"O,siya'y sige tayo'y kumain na muna" Sabi ng aking mama.

Tumango naman si papa.Samantalang umupo naman ako sa upuan na pinaggigitnaan nilang dalawa.

Bago kami kumain hindi namin nakakalimutan ang mag pasalamat sa na sa taas.Pinangunahan 'yon ni papa.

Lord, maraming salamat sa hapunang ito.Salamat po sa buong pamilyang meron ako.Yun lang po at maraming salamat. Amen!

Tahimik kaming kumakain.Pinag mamasdan ko silang kumain hindi kasi na wawala yung mga ngiti nila Kahit na kain na sila.

Ang sarap nilang panoodin na ganon.Hindi nakakasawa nakaka enjoy pa nga kasi ang saya nila.

Sana palaging ganto.Sana hindi na matapos pa.

Natapos kami sa pagkain.Tutulungan ko sana sila mag ligpit kaso sabi ni papa wag na daw at mag aral nalang daw ako.

Kaya ganon ang ginawa ko.Lahat ng gusto nila sinusunod ko gusto ko kasi maging masaya sila.

Nasa kalagitnaan na 'ko ng pag babasa ng aklat ng biglang pumasok si papa ng nakangiti. Kaya naman tumigil ako sa ginagawa ko at hinarap siya.

"O,pa! Bakit po? May Kaylangan po kayo?"

Umiling naman siya saken at tyaka umupo sa kama ko.

Pinag patuloy ko nalang ulit ang ginagawa ko.

"Nak?" Mahinang tawag ni papa.

"Mm?"

"Pangako mo kay papa na mag tatapos ka" Kahit hindi man ako nakatingin alam kong nakangiti siya sakin.

Sinara ko ang libro at nakangiting humarap kay papa.

"Pangako po para sa pangarap"

Lumawak naman ang ngiti niya sa labi.

"Ayan ang anak ko"

"Ikaw naman po ang papa ko"

Tumawa naman siya.Binuka niya ang braso niya para umakap ako.

Yumakap naman ako sa kanya.Ang sarap sa pakiramdam ng ganto, pakiramdam na komportable ako sa yakap ni papa.

"Tulog kana masyado ng gabi bukas na ulit 'yan" Umalis na siya sa pag yakap hinalikan niya ang ulo ko tyaka tumayo.

"Goodnight papa"

"Goodnight den anak"

Ngumiti pa muna siya bago lumabas at isara ang pinto.

Ganto nalang sana palagi. Yun bang matutulog akong walang iniisip na problema at nakangiti. Gigising ng nakangiti pa din.

Sana hindi na matapos 'to!

 Patawad PapaWhere stories live. Discover now