Dalawa

11 2 0
                                    

PATAWAD PAPA
NI:YAVIILABS

11 years old

I LOVE SUNDAY'S pinaka gusto kong araw palagi kasi kaming mag kakasamang nag sisimba nila papa.

Gigising kami ng maaga para mag handa.Pag katapos non aalis na kami para mag simba.

Pag ka tapos namin mag pasalamat kay lord. Mamasyal kami kung sa'n-sa'n mag kekwentuhan,tawanan.

Hanggang sa abutin na kami ng gabi.Ang saya! ang sarap sa pakiramdam ng ganto.Na nakikita ko silang nakangiti tumatawa na ang isa't isa ang dahilan.

"Pa!ma! Bakit po kayo tumagal ng ganto?" Tanong ko out of no where.

Nakatingin pa muna sila bago tumingin sakin.

"Pagmamahal" Maikling sagot ni papa na nag papula ng pisngi ni mama.

"Ay, mama namumula" Panunukso ko.

"Ang cute talaga ng asawa ko" Sabi ni papa na kinukurot pa ang pisngi ni mama.

"Arlando! ano ba andito anak mo" Saway ni mama tinawanan lang naman siya ni papa.

"Gusto ko po katulad mo papa" Nasabi ko nalang bigla.

Napatigil naman siya sa pag kurot sa pisngi ni mama.At tumingin sakin ng seryoso.

"Hindi pa pwede mag boyfriend ang bunso ko" Parang batang sabi pa ni papa.

Akala ko magagalit siya kaya na takot ako pero dahil sa inasta niya pareho kami ni mama na napatawa.

"Arlando sabi lang naman ng anak mo gusto niya katulad mo! Wala siyang sinabing mag boboyfriend na siya." Pag papaliwanag ni mama.

O.A kasi masyado mag react ni papa.

"Oo nga po papa kayo talaga" Gatong ko sa sinabi ni mama.

"Pinag tutulungan niyo ko" Kamot batok na sabi samin ni papa.

Tumawa naman ulit kami ni mama bilang sagot.

Hindi naman kami pinansin ni papa bagkus ay tumingin nalang siya sa ibang dereksyon.

"Isip bata ng papa mo" Bulong sakin ni mama mahina naman kaming na tawa.

Dinamba namin si papa para yakapin siya kaya natumba kami sa damuhan na kinatatayuan namin.

Pero hindi niya pa din kami pinapansin. Kaya nag katinginan kami ni mama at nag tanguan.Tyaka namin kinaliti ng kinaliti si papa.

"T-tama n-n-h-h-ha"

"Sabihin mo muna samin sorry" Biro ni mama.

"Ay,mama ayaw po,oh!" Natatawang sabi ko kay mama.

"A-ahh-h-hhahahha o-ooo-n-na"

Binitawan na namin siya kaya naman nag ayos siya ng upo at huminga ng malalim.

Tumingin siya samin ni mama at pilit ngumiti.

"Kayo may kasalanan pero ako mag sosorry mag ina nga kayo" Kunyareng inis na sabi ni papa.

"Mama,oh!nag rereklamo si papa" Sumbong ko kay mama.

"Ano dapat gawin ashlee?" Tanong sakin ni mama.

"Kili--" Hindi na 'ko pinatapos ni papa dahil bigla na siyang nag salita.

"Ok!sorry na po prinsesa ko at reyna ko"

"Apology accepted" Nakangiting sabi ni mama.

"Group hugssss" Sigaw ko.

Tumayo naman si papa at lumapit samin ni mama niyakap niya kami ng mahigpit na para bang ayaw na kaming pakawalan pa.

Napangiti nalang ako sa mga inaasta ng mga magulang ko.

At ito na naman ang kataga ko na sana laging ganto.

Sana wag ng matapos pa ang araw na 'to.

 Patawad PapaWhere stories live. Discover now