Apat

4 2 0
                                    

PATAWAD PAPA
NI:YAVIILABS

13 years old

Walang bago masaya padin ang pamilyang kinagisnan ko.

Andito kami ngayon sa isang mamahaling resort,FAMILY REUNION namin ngayon kaya usual kumpleto kami.

Si tito jude ang may gusto nito tinipon niya lahat ng family niya palibhasa kakauwi niya lang galing ibang bansa.Nakatatandang kapatid ni papa si tito, jude wala na siyang asawa pinag-palit siya sa iba.
Kaya ayun sila nalang dalawa ng anak niyang si princess.Nangako si tito na bubuhayin niya ng mag isa ang anak niya kaya ayun lumipad pa ibang bansa.Iniwan niya ang anak niya kala lola at dahil sa pag susumikap yumaman siya.

"Papa ang saya siguro ni princess ngayon,no?" Tanong ko kay papa na ngayon ay nakatanaw kala tito jude na masayang nakikipag kwentuhan sa anak niyang si princess.

Ginulo naman ni papa ang buhok ko bago sumagot.

"Wala ng isasaya pa! tignan mo naman ang pinsan mo hindi maalis ang ngiti" Nakangiting sagot niya sakin.

Muli ko naman tinanaw ang mag ama na ngayon ay mag kayakap na.Tama nga wala ng mag sasaya kapag kasama mo ang pinakamamahal mo sa buhay.

"Asan po si mama?" Pag iiba ko ng usapan.

"Andun" Turo ni papa sa may kusina tinignan ko naman 'yon medyo malayo sa pwesto namin. "Tumutulong sa pag luluto"

Tumango naman ako bilang sagot.

Iginala ko pa ang mata ko sa hindi malamang dahilan nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.

Tumama kasi ang mga mata ko  sa hindi pamilyar na mga tao.Isang matandang babae na sa palagay ko kasing edad lang ni mama.At isang babaeng mas matanda sakin ng ilan taon.Ang nakikipag tawanan sa iba ko pang kamag-anak.

Hindi ko sila kilala pero pakiramdam ko may kinalaman sila sa buhay ko.

Bakit ba ganto yung nararamdaman ko? Ngayon ko lang naman sila na kita! pero ang sakit sa dibdib na makita silang masaya.

E,ano naman kung masaya sila! Anong problema don?

"Ayos kalang ba,nak?" Tanong ng nag aalalang si papa.

"O-opo naman! Bakit po?"

Umiling lang siya sakin.

Weird..

Dapat hindi ako nag kakaganto,dapat masaya lang!

Tama-tama dapat masaya lang.Hindi ko naman sila kilala kaya siguro ganon din sila sakin.




**

"Guys,Tahimik muna kayo" Sigaw ng isang tita ko pero yung sigaw niya masaya.

Agad naman nag tahimikin ang mga tao.

"Mag lalaro tayo paper dance, daddy and daughter tandem" Muling sigaw niya.

Nag hiyawan naman ang mga tao sa paligid ko.

"Sali tayo nak" Sabi sakin ni papa.

"Sige po" Masayang sagot ko.

Pumwesto na kami sa gitna at ganon din ang iba.Nilatag nanamin ang papel.

"Ready guys?" Tanong ni tita.

"READYYY" Sabay-sabay naming sigaw.

Tugs tugs tugs...tugs..tugs...tugs.."STOP"

Agad akong kumapit Kay papa pag ka sabi ng stop.

Tinupi na namin yung dyaryo  para sa next.At nag patuloy na 'yon ng nag patuloy hanggang sa kami ni papa ang nanalo.

"Ang galing talaga ng mag ama ko" Puri ni mama nakalapit na pala siya samin.

Nag katinginan naman kami ni papa at sabay na natawa.

"Kayo talaga nanalo lang pinag tatawanan niyo na 'ko" Pag mamaktol ni mama.

"Mama" Suway ko.

Pero ngumuso lang siya sakin.Lumapit naman sa kanya si pala at hinalikan siya sa noo tyaka ni yakap.

"Kayo lang?" Nag tatampo kong kunyareng tanong.

"Sus selos ang baby namin" Panunukso ni mama.

"Halika na dito" Sabi ni papa habang naka haba ang braso sakin.

Lumapit naman ako tyaka sila niyakap sa hindi namin alam na dahilan bigla nalang kaming natawa.

Buong gabi kaming nag tawanan nag kwentuhan. At nag balik tanaw sa buhay namin noon.

Goodnight.

 Patawad PapaWhere stories live. Discover now