Lima

4 2 0
                                    

PATAWAD PAPA
NI:YAVIILABS

Sa pag lipas ng panahon mas lalo Kong nakikita ang saya at pag mamahalan sa pamilyang 'to.

14 years old

"Nak,may kwento ako sayo!" Masiglang sabi ni papa.

Tumango-tango naman ako sa kanya at tyaka ngumiti. "Ano pong kwento? Yung love story niyo po ni mama!" Biro ko pa.

Tumawa naman siya sakin tyaka ginulo ang buhok ko.

"Papa naman ginugusot buhok ko" Nakangusong sabi ko.

"E,ikaw naman kase"

"Yiee kilig kalang e"

"Ay nako ka bata ka sige na uumpisahan ko na ang kwento ko" Kamot batok niyang sabi. " Alam mo ba sabi ng lola mo sakin nung ganyan edad ako katulad mo" Nakahawak sa babang tatango-tango. " Sabi ng Lola mo na ang bituin daw ay hindi lang basta liwanag sa kalangitan, ito daw ay sumisimbolo sa mga taong may pangarap, Tapos, kung gano naman karami ang bituin sa langit sa tuwing gabing titig ka, ayun daw ang dami ng mga tao na may mga pangarap na nais nilang matupad sa gabing 'yon,tapos sabi pa ng Lola mo na kapag isa sa mga pangarap na ito ay matupad,ang bituin ng taong 'yon na nasa sky ay mas liliwanag ng mas higit pa sa iba!"

Nag liwanag ang mata ko sa narinig ko,ngayon lang kasi ako na karinig ng ganong kwento.

"Pero,ang paniniwalang 'yon ng iyong lola ay kabaliktaran saken" Huminto siya at nakangiting tumingin sa iba. " Para saken ang star na nasa langit,ang mga taong namatay na sila ang silbing liwanag para satin,Kaya kapag may namatay sa pamilya mo tumingin ka lang sa langit at kung ano man don ang nakita mong nag liwanag higit sa lahat,ayon ang isa sa pamilya mong nag babantay sayo,kaya nga hindi ako naniniwala na kapag na wala na ang isang tao ibig sabihin iniwan kana,hindi-hindi totoo 'yon kapag ka nakaramdam ka ng pangungilala tumingin ka lang sa langit dun mo mararamdaman na Kahit kelan hindi ka niya iniwan"

Nanindig ang balahibo ko sa kwento ni papa.Kung kanina ay napapangiti ngayon naman hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

"Arlando,kung ano-ano pinag kekwento sa anak niya" Komento ni mama.

"Masyadong seryoso ang batang 'to" Pangangasar ni papa.

"E,pero pa? Totoo ba kwento mo?"

"Ashlee,matulog kana wag ka maniwala diyan sa papa mo,puro kalokohan ang alam"

Bigla naman na patigil si papa sa sinabi ni mama.Parang nag karoon ng anghel sa katahimikan namin ngayon.Ayoko ng ganto kaya kahit alam kong may mali mag papasawalang bahala nalang ako.

"Echos,kayo! Akyat na po ako sa taas" Natatawang sabi ko.

Nakatingin naman sila bago tumango sakin.

May problema ba?

**

"Mama" Tawag ko.

"Oh,bakit?" Nag aalalang nag tungo si mama saken.

"Mama,dugo" Turo ko sa panti ko.

"Ma,may sakit ba 'ko?huhu,ayoko!" Mangiyak kong sabi.

"Jusko bata ka,wala kang sakit dalaga ka na" Tatawang-tawang usal ni mama sakin.

"D-dalaga po?"

"Oo,Halika dito" Bago pa man ako makasagot agad na 'kong hinila ni mama papuntang hagdan. "Talon ka sa tatlong baitang ng hagdan"

Kahit na guguluhan ako ginawa ko pa din ang utos niya.Nang matapos ako agad na lumapit si mama saken.

"Dalaga na ang anak ko"

Hindi naman ako sumagot.

"Wait tawagan ko papa mo,pabili ako napkin"

Nag pipindot siya sa selpon niya.Ilang sandali lang ng dumating si papa ng may dalang supot.

"Ang dalaga kong anak,hindi na baby!" Biro ni papa.

Kinunutan ko lang siya ng noo.

"Ay suplada na,biro lang naman 'yon! Syempre baby ka pa din namin ng mama mo"

Natuwa naman ako sa sagot ni papa kaya dinamba ko siya ng yakap na ginantihan niya,sumunod naman si mama.

Pamilyang walang maiipintas,pamilya ko ata 'yon.

Napangiti naman ako sa naisip ko.

 Patawad PapaWhere stories live. Discover now