Walo

3 2 0
                                    

PATAWAD PAPA
NI:YAVIILABS

17 years old

Araw-araw,taon-taon palagi kaming masaya.

Sayang Walang makakapantay.

Sayang sa pamilya ko lang makikita.

Pag mamahalan na walang katumbas.

Sa hirap at ginhawan sila'y kasama.

Tawanan at iyakan.

Panalo at talo.

Sila ang sandalan sa mundong punong-puno kasawian.

Pamilyang Hindi ko hiniling pero kusang ibinigay.

Mama at papa na matatawag.

Iloveyou na bukal sa puso galing sa kanila.

Ikaw na meron sila at sila na meron ka.

Family pictures.

Family reunion.

Family day.

At kung ano pang may kinalaman sa family.Basta meron kang matatawag non.

Ikaw na yata ang pinakamaswerte sa buong mundo kung meron ka lahat non.

Hindi man mayaman.

Hindi man perpekto.

Ang mahalaga meron kang sila na wala sa iba.

Pero,pano kung ang lahat ng 'yan biglang mag laho?

Pano kung isang umaga magising ka sa katotohanan na hindi mo inaasahan?

Pano na ang lahat ng sana mo?

At pano ang sayang meron ka ngayon?kung sa pag gising mo lahat ng 'to ay hindi 'totoo.

Nakakawindang,Nakakatakot,
Masakit hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko ngayoako?
Hindi ko kaya kung sakin man mangyari ang bagay na 'yon.

"Nak,gising na"

"Ang anak ko nag papalambing pa"

Tumatawag sakin? Sino? Dinilat ko ang mata ko at nakita ko si papa na nakangiti sakin.

Ang mga ngiting 'yan!

Ang papa ko!

Ayoko siyang mawala!

"Papa" Agad na tawag ko at dinamba siya ng yakap.

Nagulat pa siya bago ako yakapin ng mahigpit.

"Nag lalambing talaga" Bulong niya sa tenga ko.

Hindi naman ako sumagot bagkus ngumiti lang ako ng bahagya.

So? Nanaginip lang ako?

Ang sakit sa dibdib non.

"Tara na kakain na tayo sa baba" Umalis siya sa pag yakap at tyaka tumingin ng deretso sakin.

Ginulo niya ang buhok ko bago tumayo at lumabas pero bago pa man siya makalabas ay napigilan ko na siya.

"Pa,Diba po hindi mo kami iiwan ni mama?" Tanong ko na lalong nakapag patigil sa kanya.

Silent means yes?

"Diba po papa?" Pag uulit ko.

Tumango naman siya sakin tyaka lumabas ng tuluyan.

"Ang weird ni papa" Bulong ko sa sarili.

Alam ko hindi niya kami iiwan dahil mahal niya kami.

Nag hilamos na 'ko at bumaba nakita ko silang nakaupo na sa upuan.Seryoso lang silang kumakain.

Kumakain na sila?

Bakit parang may hindi magandang nangyari?

Dati rati hihintayin pa nila 'ko makababa.At tyaka mag dadasal pa kami bago kumain.

Pero ang lahat ng 'yon kaya kong ipag sawalang bahala.Hanggang kaya ko!

Tahimik kaming kumain. Walang umiimik hindi ka tulad ng dati.Hanggang sa matapos ay ganon padin.

Kahit na mahirap para sakin hindi ko nalang pinansin at umakyat na sa kwarto ko.

Tatapusin ko nalang ang 'storyang isinulat ko.

Tungkol ang storyang 'to sa isang masaya at buong pamilya. At syempre kami 'yon.

A happy family and a good heart.

 Patawad PapaWhere stories live. Discover now