Tatlo

5 2 0
                                    

PATAWAD PAPA
NI: YAVIILABS

Wala na 'kong hihilingin pa.Dahil lahat ng gusto ko na sakin na.

Ang gusto ko nalang wag ng matapos ang kasiyahang 'to.

12 years old

"Pupunta ba sila tito dito?" Tanong ng bestfriend kong si alise.

"Syempre naman!" Masaya kong sagot.

"Buti ka pa" Bakas ang lungkot sa boses niya.

Broken family kasi sila kaya malamang sa malamang walang pupunta para sa kanya.

Special pa naman 'tong araw na 'to dahil family day.

"Uwi nalang ako" Muling sabi niya.

Nakaramdam naman ako ng awa!

"Wag muna sama ka nalang samin" Sabi ko.

Nag pilit naman siya ng ngiti at tyaka umiling.

"Hindi na salamat nalang" Sabi niya tyaka nag lakad pa layo.

Kawawa naman siya. Bakit kasi may pamilyang nag hihiwalay?Hindi ko maintindihan ang labo nila.

Kapag ka may nag kwekwento sakin about sa pamilya nilang broken family hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin ko.Hindi ko naman kasi nararanasan ang mga nararanasan nila,e.

Kaya thankful talaga ako sa pamilyang meron ako.

"Nak,umpisa na ba?" Bungad ni mama na kararating lang katabi niya si papa na nakaakbay pa sa balikat niya.

Para talaga silang teen kung umasta.Para bang mahal na mahal nila yung isa't isa na ayaw na nila pakawalan pa.

Nakakatuwa.

"Hindi pa po!" Sagot ko tyaka lumapit sa kanila.

Pinaggitnaan naman nila ko.Nakangiti akong nag lalakad habang hawak nila ang kamay ko.

'Eto 'yon yung mag kakasama kami sa lahat ng okasyon.

"Mag uumpisa na daw" Sabi ni ma'am Les.

Agad kaming lumapit sa may court.Nilibot ko ang paningin ko ang saya nilang panoodin.

Naka red na damit kami color coding ng pamilya namin,red ang pinili ni papa kase simbolo daw ng pagmamahal.

Nag uumpisa na ang mga palaro.Mga palarong pambata na na kasanayan na nang manga pilipino.

Puro tawa ang naganap ng araw na 'yon.Nakakapagod pero pawi naman 'yon ng mga saya.

"Ayos ba nak?Masaya ka ba?" Tanong ng nakangiting si papa.

"Syempre naman po yung araw lang na makasama ko kayo masaya na 'ko" Tatango tango kong sabi.

Niyakap naman nila 'ko sa naging sagot ko at ganon din naman ako.

Natapos ang family day ng mag kakasama kami.Mga ngiti namin sa labi hindi man lang nawala.

Sayang gusto kong baunin hanggang sana sa pag tanda ko.

 Patawad PapaWhere stories live. Discover now