Anim

2 2 0
                                    

PATAWAD PAPA
NI:YAVIILABS

15 years old

Already!

Medyo weird! But i don't care.

Gusto ko lang tignan yung saya. Wala na 'kong pake sa iba.

Minsan kasi nakikita ko silang nag aaway. Pero pag nakikita nila ko para silang maamong tupa.

Ngingiti na parang walang ng yari yayakapin ako.
Mag haharutan yung mga ginagawa namin dati.

Pero alam kong may mali.Hindi ko na nga lang pinapansin everytime na tatanungin ko sila sasabihin nila lagi "Wala 'to, nag lalambingan lang kami"

As if naman na maniniwala ako.

"Anniversary niyo na mama at papa" Masaya Kong sabi lumapit naman sila sakin at niyakap ako.

Magiging masaya nanaman ang araw na 'to dahil mag kakasama na naman kami.

"Dating gawi" Sabi ni papa.

Kapag kasi anniversary nila dito lang kami sa bahay nag cecelebrate.Umaalis kasi si mama para bumili ng pang handa tapos nag papaiwan kami ni papa para gumawa ng sorpresa.

Kahit alam na ni mama ang mangyayari sasabihin niya samin na kunyare wala akong alam.Kaya kaming dalawa ni papa natatawa sa kanya.Para talaga silang mga bata kung umasta.

Gusto ko pag nag kaasawa ako katulad ni papa.Pamilya lang iniintindi at kasiyahan ng pamilya niya.

Swerte talaga namin Kay papa.

Sana lahat ng lalaki sa mundo katulad niya.Ang kaso iisa lang siya,e!Iisa lang ang papa ko at walang kahit na sino ang makakapantay sa kanya.

Nag paalam na naalis na si mama kaya kaming dalawa naman ni papa nag hahanda na mag ayos.

Masaya akong pinapanood lang si papa sa ginagawa niya ang swerte kase ni mama sa kanya.

Pinapakita at pinaparamdam niya kung gano niya kamahal si mama.At kita ko 'yon nasaksihan ko 'yon.

"Iloveyou papa" Sambit ko.

Ngumiti naman siya sakin.

"Iloveyou too,bunso ko"

Napangiwi naman ako sa pag sabi niya ng bunso sakin.

"Papa naman hindi na 'ko bunso" Nakangusong usal ko.

"Ikaw pa rin bunso namin ng mama mo"

"E,pa kung mag gawa na kayo ng bunso" Tatawa-tawa kong sabi.

Kumunot naman ang noo niya tyaka tumitig sakin.Nanlaban naman ako sa tingin niya at kung nga naman sabay kaming natawa.

"Baliw ka na pa"

"Baliw sa mama mo"

"Gawa na kayo bunso"

"Kuntento na kami sa bunso namin"

"Bola papa"

"Ikaw talaga,halika dito yakapin mo si papa"

Lumapit naman ako tyaka yumakap.

The one and only papa!

 Patawad PapaWhere stories live. Discover now