Isang Klase, Isang Barkada

52 20 2
                                    

This spoken poetry is dedicated to my beloved section, 12-Falcon. The best section that I ever have during my Senior year in PNHS. Falcons, para sainyo ito. 💕 I used our immersion group picture which is 12-GAS (Falcon) for watty picture. Ipagmamayabang ko sana that I have the best section (for me only baka kasi may masamang elemento jan na lumabas😂). So, this is it pancit.

Happy reading.

~lucky_patch


SPOKEN POETRY: ENTRY NO. 1

TITLE: Isang Klase, Isang Barkada
AUTHOR: kwinnP_writes

Isang Klase, Isang Barkada

Yung pikon mong tropa
Nagbibiro ka lang naman
Hindi na maipinta ang mukha
Pero kapag siya ang nagbiro, sobra-sobra
Yung hugotera mong kaklase
Lahat ng iyong sinasabi
Dinudugtungan ng kung ano-ano
Masabi lang ang nilalaman ng kanyang puso
Yung gago mong katabi
Na nanggugulo tuwing may klase
Laging hindi mapakali
Na para bang sa puwet niya, may bulate
Yung kaibigan mong hindi ngumingiti
Himala kapag nangyari
Sobrang seryoso
Hindi na mabiro
Yung kaklase mong grabe tumawa
Na para bang lalabas na yung ngala-ngala
Walang paki kung mapagalitan
Basta makatawa lang
Yung joker ng tropa
Walang buhay kapag wala siya
Siya ang nagpapatawa
Kahit korny, mapasaya lang ang barkada
Yung bully mong kaibigan
Hindi mabubuo ang araw kung walang naaasar
Kapag may natripan
Sobrang siya niyan
Yung muse ng barkada
Laging may nakapila
Para namang may tinitinda
Madaming nagkakagusto sa kanya
Yung napakagulo niyong section
Laging pinag-iinitan ng mga guro
Parang malaking bulwagan
Pero sobrang saya naman
Kay sarap balikan ng mga ala-ala
Kung saan-saan ka dinadala
Sobrang bilis ng panahon
Na para bang kahapon lang naganap ang mga iyon
Mga kulitang nagtapos na
Mga lakad na drawing lang pala
Pagsasamang hindi-hindi ko makakalimutan kailanman
Dahil ako'y pinasaya niyo ng lubusan
Pinagdarasal na maulit itong muli
Dahil kay tagal na noong huli
Sana naman ay mabuo ulit ang ating pagsasama
Sapagkat miss ko na ang isang klase, isang barkada.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa mga nagtataka sa author name, pen name ko po ang Kwinn P Writes. Way back 2018 ata yun nung ginawa ko itong spoken poetry at ginagamit ko pa noon ay kwinnP_writes before ko siya naging pen name. Nasa draft ko ito doon kaso di ko na alam password ko kaya gumawa ako ng bago and this is the new me. Anyway, dati kong naging username dito ang kwinnP_writes (bago ko pinalitan ng lucky_patch) na wala pa ni isang napublish kahit marami ang nasa draft. Hahaha. Tinatamad pa ako nun. Chosss.

Abangan ang SP: Entry No. 2.

Pa-follow po ng mga nasa ibaba. Thank you.

Wattpad Username: lucky_patch
Facebook: Lucky Patch
Dreame/Yugto: lucky_patch
GoodNovel: lucky_patch
Finovel/Novelah/StoryOn: lucky_patch

Plugged Stories:

Title: For Hire: A Wedding Destroyer
Status: Completed and Paid Story
Author: lucky_patch
Link in Dreame: https://m.dreame.com/novel/xGmVGBa1YDZFGVJM+0L6pw==.html
Link in Yugto: https://m.yugtofiction.com/novel/xGmVGBa1YDZFGVJM+0L6pw==.html

Title: His Runaway Bride
Status: Completed and Paid Story
Author: lucky_patch
Link in Dreame: https://m.dreame.com/novel/Owyi1/ODh23C6EoLtFjM9w==.html
Link in Yugto: https://m.yugtofiction.com/novel/Owyi1/ODh23C6EoLtFjM9w==.html

Till next time.

~lucky_patch

Tinig na IsinatitikWhere stories live. Discover now