Hanggang Kailan

16 6 0
                                    

Naranasan niyo na bang magmahal sa isang taong kahit kailan ay hindi ka mamahalin pabalik? Naranasan mo na bang umasa sa taong may mahal na iba? Naranasan mo na bang masaktan ng palihim? Naranasan mo na bang magkunwari?

Kung oo, basahin mo ang aking inihandog na spoken poetry para sa mga taong umibig sa maling tao na patuloy na umaasa kahit alam nilang nakapaimposible itong mangyari.

~lucky_patch

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Spoken Poetry Entry No. 4

Title: Hanggang Kailan
Author: lucky_patch

Title: Hanggang KailanAuthor: lucky_patch

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


HANGGANG KAILAN


Hanggang kailan titingin sa inyo ng may inggit sa aking mga mata?
Hanggang kailan ako magpapanggap na hindi kayo nakikita?
Hanggang kailan ko lolokohin ang mga tao sa aking paligid sa pamamagitan ng pag-ngiti?
Hanggang kailan lalabas ang mga salitang "okay lang ako" sa aking mga labi?

Hanggang kailan ka magiging kanya?
Hanggang kailan aasa sa wala?
Hanggang kailan maghahangad na akin ka na?
Hanggang kailan mapapanaginipan ang gwapo mong mukha?

Hanggang kailan ako maghihintay na tingnan mo ako tulad ng pagtingin ko saiyo?
Hanggang kailan magmamahal ng patago?
Hanggang kailan ko lolokohin ang sarili ko?
Hanggang kailan ko mamahalin ang taong may mahal nang iba?

Hanggang kailan ko hindi matanggap na para ka talaga sa kaniya?
Hanggang kailan ako magpapaka-bitter? kahit wala namang tayo?
Hanggang kailan magiging kayo?
Hanggang kailan ko sasaktan ang sarili ko?

Hanggang kailan ko mamahalin ang isang tulad mo?

Tinig na IsinatitikDonde viven las historias. Descúbrelo ahora