Beshy

28 11 0
                                    

Para to sa mga nainlove sa kani-kanilang mga bestfriend na nauwing luhaan. Sabi na kasi sainyo na wag mainlove sa kanila eh. HAHAHA yan tuloy ang mga puso niyo ay nagkapirapiraso. Anyways sana maging okay na ulit kayo and sana magustuhan na kayo ng mga taong mahal niyo. Adios!

-lucky_patch

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

SPOKEN POETRY: ENTRY NO. 3

TITLE: Beshy
AUTHOR: lucky_patch

BESHY

Mahal ko siya mahal niya ako
Isang kasinungalingang alam ko
Sa bawat pag-ikot ng mundo
Siya ang pinapangarap ko
Lumilipas ang mga araw na umaasa ako
Umaasa na mamahalin niya rin ako

Hindi ba ako ang karapat-dapat mahalin
Napakahirap ba akong ibigin
Yun lang naman ang aking tanging hinihiling
Ang ako naman sana ang iyong mapansin
Ngunit ano man ang aking gawin
Hindi parin niya ito napapansin

Ako parin ang iyong tagahangang umaasa
Nauuhaw sa iyong pagmamahal na gustong matamasa
At ng malaman ko na ikaw ay may karelasyon
Gumuho lahat ng aking ilusyon
Ilusyong nagsasabing maaari kitang abutin
Ilusyon na maaari kang mapasa-akin

Tanggap ko na, ang pag-ibig, di lahat dulot ay saya
Dahil minsan tayo ay umaasa kahit wala naman talaga
Pero sa susunod na ako ay magmamahal muli
Sisiguraduhin kong ang lungkot na ito ay di na mauulit
Magsisilbing aral ang natanggap na sakit
Kailanman ay hindi na uulit

Mali na ikaw ang minahal ko ng higit
Bawal talaga ang relasyong gusto kong mabuo
Dahil mas kinabog mo ang ganda ko
Kaya pala kailan man ay hindi ako
Dahil lalaki rin pala ang iyong gusto.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ayy shocksss! Beki palan si bes HAHAHA. Kaya pala beshy. Kabogera din ito. Anywayss, ang hilig ko sa word na anywayss hahaha. So yun nga, nakapag update na ulit ako ng mga on going stories ko and dadagdagan ko pa HAHAHA masipag si author eh and syempre inspired din. Hihihi. Inspired ang lola niyo day! Thank you nga pala sa mga patuloy na sumusuporta kay lucky_patch, ang maswerteng babae sa mundo. HAHAHA Sana po dumami pa kayo dahil marami pa akong gagawing stories na magugustuhan niyo.

Abangan ang Spoken Poetry: Entry No. 4

Dito lang sa, ba't parang vlog ang ginagawa natin HAHAHA dito lang sa Hidden Within the Journal: My Deepest Thoughts.

Till next update guysss.

~lucky_patch

Tinig na IsinatitikDonde viven las historias. Descúbrelo ahora