Sa mga niloko diyan ng mga boyfriend o girlfriend nila, time to move on. Dahil ang tulad nilang manloloko, hindi dapat pinagaaksayahan ng oras at pagmamahal. Karapat-dapat lamang silang sayangin. Ika nga nila, KARMA is a bitch and the greatest revenge you can have.
~lucky_patch
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Spoken Poetry Entry No. 9
Title: Manloloko
Author: lucky_patchMANLOLOKO
Hoy lalaki, huli ka na niya
Pero tumatanggi ka pa
Akala mo ba siya'y talaga
Ramdam na niya iyan dati paDati ay lagi kang nagmamadali
Kahit ginusto mo nang makauwi
Ang makita siya'y kaligayahan mo
Na naglaho na dahil yung ginustoLagi ka nang nagdadahilan
Na ika'y mayroon pang pupuntahan
Yun pala'y may iba kang kasama
Na inihahatid mo kapag uwian naHindi ka pa talaga nakuntento
Kasi harapan mo siyang hindi nirespeto
Nakita ka niya at ang babae mo
Ngunit siya pa ang nahiya sa inyoTapos ngayon ay hihingi ka ng sorry
At iiyak ka na parang walang nangyari
Sinasabi mong hindi mo iyon sinasadya
Kahit halata namang sinaktan mo siya ng kusa.
YOU ARE READING
Tinig na Isinatitik
RandomA compilation of spoken poetry that was written from the heart and based from experiences.