Amnesia

37 17 2
                                    

This poetry is dedicated sa lahat ng mga nagbreak-up na hindi nagpapansinan ngayon. HAHAHA para sainyo ito. Sana maging maganda na ang mga takbo ng mga buhay niyo.

~lucky_patch

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

SPOKEN POETRY: ENTRY NO. 2

TITLE: Amnesia
AUTHOR: lucky_patch

AMNESIA

Naghiwalay kayo ng hindi maganda
Iyon bang may galit lang sa isa't isa
Kaya naman tingnan niyo kayo ngayon
Kung kumilos ay parang hindi naging kayo noon
Para kayong may amnesia
Na kinalimutan ang isa't isa
Kahit kayo magbangga o magkita
Ang isa't isa'y parang hindi niyo kilala
Nauntog ba kayo kaya nagkahiwalay?
O nabangga ng sasakyan sa may tulay?
Bakit tila inyo na agad nakalimutan
Ang nakaraan niyong di naman kasalimuot?
Kayo ba ay hindi maaaring maging magkaibigan?
Ang pangit na nakaraan ba'y di kayang kalimutan?
Nagsimula naman kayo dati sa pagkakaibigan?
Bakit di ang masasayang nangyari na lang ang balikan?
Siguro nga masyadong maaga pa
Para kayong dalawa'y magkasundo na
Tama sigurong kayo'y magmukhang may amnesia
Habang ang sakit na inyong nadarama'y sariwa pa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Abangan ang SP: Entry No. 3.

Pa-follow po ng mga nasa ibaba. Thank you.

Wattpad Username: lucky_patch
Facebook: Lucky Patch
Facebook Page: kwinnP_writes

At magpopromote na din ako dito ng bago kong story entitled His Runaway Bride. Nasa profile ko na po siya dito kay watty. At pasupport naman po ng isa ko pang story entitled For Hire Wedding Destroyer. Available po siya sa wattpad at sa facebook acct ko. Thank you po.

Till next time.

~lucky_patch

Tinig na Isinatitikحيث تعيش القصص. اكتشف الآن