Mahal na Bilihin

11 7 0
                                    

Si crush ay parang bilihin. Magandang pangmasdan, masarap titigan (ay choss) pero mahirap makamtan dahil sobrang mahal HAHAHAHA

~lucky_patch

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Spoken Poetry Entry No. 8

Title: Mahal na Bilihin
Author: lucky_patch

Title: Mahal na BilihinAuthor: lucky_patch

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MAHAL NA BILIHIN

Ang mahal na bilihin ay parang taong pangarap mo
Masaya kang pinagmamasdan ito

Kung kailangang pag-ipunan ay gagawin mo
At hahangarin mo talagang mapunta sayo

Oo mahal siya, mataas na klase kasi
At hindi gaya ng nakikita mo sa tabi-tabi

Nakasisiguro kang pangmatagalan siya
At hindi uubusin ang iyong pasensiya

Ipagpapasalamat mo na siya'y nabili mo
Mahal man siya ay sobrang ayos sayo

Hindi mo siya ipagpapalit sa kahit kanino
At iingatang hindi masira ng kung sino

Mahal siya pero hindi mo panghihinayangan
Na iyong pinag-ipunan at pinagkagastusan

Wala naman kasing dapat pagsisihan
Mahal mo eh kaya hindi mo bibitawan.

Tinig na IsinatitikWhere stories live. Discover now