ACT 2 "Switch to Snitch"

17 2 0
                                    

Eight hours earlier, EsSEX Club7.

Hindi magkamayaw sa pagsigaw ang mga tao sa loob ng club. Karamihan sa mga sumisigaw ay mga kalalakihan na kanina pa nag-eenjoy sa palabas sa stage na kanilang napapanuod. Para silang mga nababaliw sa bawat pag-indak at pag-indayog ng isang mapang-halinang babae na sumasayaw sa ibabaw ng stage.

Sino ba naman ang hindi mapapatingin at hindi magnanasa sa babae. Napaka-amo ng kanyang mukha na may mapanuksong tingin ng mata. Magandang hubog ng katawan, mala-porcelanang kinis ng kutis, long-legged, mapula ang mga kissable na labi at may mga nakakagigil na malulusog na dibdib!

Lalo silang nagnanasa sa kanya dahil sa mapanuksong suot ng babae. Isang manipis na itim na lingerie na bumabagay sa magandang hubog ng kanyang katawan. At sa bawat mapanuksong pagsayaw at indayog niya ay bumabakat ang mga natatangi niyang pag-aari. Na lalong bumubuhay sa mga pantasya at makamundong pagnanasa ng mga kalalakihang nanunuod. Lahat ay umaasam na kahit isang gabi ay makasama nila siya sa kama.

"Sige sayaw pa, Mariya!!!" sigaw ng isang matandang parokyano na buong lakas na pumapalakpak, na sa bihis at tindig nito ay malamang isa siyang manager ng isang malaking kompanya. Dahil sa mainit na mga eksena na nakikita niya ay pilit niyang niluluwagan ang masikip na kurbata sa leeg niya.

"Sige ipakita mo na lahat, Mariya!!!" sabat naman ng isang Chinito habang akbay-akbay ang dalawang GRO na katabi niya. Malikot ang mga kamay nito na animoy nag-iiskultura ng obra maestro sa mga babae na kaasma niya. At sa bawat paghawak niya sa mga naglalakihang dibdib at mga natatanging pag-aari sa mag-kabilang mga hita ng mga babae, para itong hayok na hayok kapag naririnig ang mga mapanuksong ungol ng mga ka-table niya.

Habang patuloy ang pagsayaw ni Mariya kasabay ang isang mahalay na tugtog, malakas na nagsisigawan ang kanyang mga baliw na parokyano.

"Maika-kama din kita, Mariya!!!" biglang bulyaw ng isang lasing na lasing ng lalaki na hindi na nakatiis sa pagnanasa nito at umakyat na ng stage at pilit na gustong halikan at pupugin ng yakap ang sumasayaw na si Mariya.

Ilang hakbang na lang ang lalaki kay Mariya ng biglang may humablot dito sa likod niya. Nagulat bigla ang lalaki ng hatakin siya palayo ng stage ng isang bigotilyong lalaki.

Halos sumubsob sa sahig ng club ang lasing na lalaki. Nagulat ang iba sa nangyari.

Galit na galit ang lalaki na tumayo at pilit na hinahanap ang tao na tumulak sa kanya. Nakita niya ito na nakatitig sa kanya ng matalas.

"Anong problema mo!" sigaw nito sabay tayo at akmang uupakan niya ang lalaki sa mukha nito.

Mabilis na naka-ilag ang lalaki at siya naman ang nagbigay sa lasing na lalaki ng isang malakas na suntok sa bodega nito.

Napaluhod sa sakit ang lasing na lalaki. Dito na natigil an gang panunuod ng mga mga tao sa pagsayaw kay Mariya. Tumigil din si Mariya ng makita ang nangyayari.

"Itigil mo na yan, Tinyong," sabi ni Mariya sa bigotilyong lalaki na hindi tumitigil sa pagsuntok sa kaawa-awang lasing na lalaki. Duguan na ito at halos putok na ang mg labi bunga ng tama ng suntok.

Parang walang narinig si Tinyong at pilit pa rin inuupakan ang lasing na lalaki. Dito na siya inawat ng mga bouncer ng club. Kahit awat na awat na siya ay pilit pa rin niyang tinatadyakan ang lalaki na inaalalayan naman ng mga dumating niyang bodyguard.

"Mga stupido kayo!!!" sigaw ng duguan na lalaki sa dalawang bodyguard niya. "Saan ba kayo galing? Hindi ko kayo binabayaran para maglimaliw. Mga walang silbi!"

"Pasensiya na, Sir," paumanhin ng isa na inaalalayan ang lasing na lalaki na umupo sa malapit na upuan. Ang isa naman niyang kasama ay pinupunasan ang duguan mukha ng kanilang amo.

NOWHERE MANWhere stories live. Discover now