ACT 5 "The Players"

5 1 0
                                    

"Please help me, Handsome," mangiyak-ngiyak na sabi ni Mara ng makasalubong nya si John Hall sa may hagdan. "Someone's chasing me."

Nang makita ni John na walang ibang suot na damit ang dalagita kundi ang bra at panty niya. Hinubad niya ang suot niyang itim na polo at ibinalabal ito kay Mara. Magka-halong awa at galit ang bigla niyang naramdaman. "Who did this to you?"

Hindi makasagot ang dalagita dahil sa magkahalong takot at relief na nadarama nya. Patuloy lang itong umiiyak na kayakap si John.

Ilang saglit lang ay dumating na si Tinyong. Natigilan ito ng makita ang katabi ni Mara. Pero nakuha pa rin nitong asarin ang dalawa.

"What's these, Mara?" asar na sabi ni Tinyong sabay turo sa dalawa. "Is this white guy you're sugar daddy or your fuck buddy? Sabi ko nga bang katulad ka rin ng Mama mo. Pokpok ka rin. Ang kaibahan mo lang, mas gusto mo ng imported na sausage."

Ubod-lakas ang tawa ni Tinyong na umalingawngaw sa buong paligid.

"I don't want any trouble. But what did you do to her?" sabi ni John kay Tinyong. Habang si Mara naman ay nagtago na sa likod ni John. Takot na takot ito.

"Trouble?... Well too bad. I like trouble," asar na sabi ni Tinyong sabay labas ng ice pick na laging dala niya. Mabilis na tinungo niya si John at isasaksak niya ito sa kanya. "Next time pal try not to interfere with my fucking business."

Napasigaw si Mara ng makita ang pagsugod na may ice pick ni Tinyong kay John. Samantalang si John ay hindi man lang umaalis sa pagkakatayo niya. Nakatingin lang itong diretso sa sumusugod na si Tinyong.

"Kainis ang isang ito," bulong ni Tinyong. Nagtataka kung bakit sa kabila ng hawak niyang ice pick ay parang kalmado lang si John na nag-aantay sa pagsugod niya. "Gusto na yatang mamatay. Mapag-bigyan nga."

Malapit na si Tinyong na isaksak kay John ang ice pick ng may narandaman siyang sakit sa may tiyan nya. Isang napaka-tinding sakit na ngayon lang niya naramdaman. Nang tingnan niya ang tiyan nya, nakita na lang niya ang isang paa ni John na nakabaon dito.

Walang kamalay-malay si Tinyong na nasipa na pala siya ni John. At ngayon naman ay pinuntirya ni John ang hawak niyang ice pick na mabilis na nabitawan niya sa sahig bunga ng pag-apply ng lock-grip ni John sa braso niya. Napasigaw ng todo si Tinyong dahil sa sakit.

Maya-maya pa ay napa-luhod naman siya sa sahig ng i-roundhouse kick siya ni John. Napasuka ng dugo si Tinyong dahil sa lakas ng sipa.

"Hayop, sino ba ito?" tanong sa isip ni Tinyong habang wala siyang magawa sa mga pag-atake ni John sa kanya. Nagugulumihanan siya sa kakaibang listo at liksi ni John. Takang-taka si Tinyong na sa kabila ng kanyang bihasa sa away-kalye, wala siyang magawa sa abilidad ni John maki-paglaban.

Dahil hindi na niya makayanan ang mga atake ni John, itinaas na ni Tinyong ang mga kamay niya at mabilis na umalis palayo kay John.

"Stop! I give up!" sigaw niya habang tumakbo palayo.

Tiningnan lang ni John ang pag-atras ni Tinyong. Napa-ngisi ito sa pagka-dismaya sa kaduwagan na ipinakita ni Tinyong sa pakikipaglaban.

"Serves you right," bulong ni John na ibinaling na nyang muli ang atensyon nya sa dalagita. Umiiyak pa rin ito sa takot.

---#---

Manila East Station.

Sa loob ng conference room. Isa-isang umupo sin Rex at ang mga kasama nitong operatiba. Naroroon din ang ilang matataas na opisyal ng Manila East District. Kabilang na si General Flavio Dominguez. Isang may-edad ng mestisohing na nasa mga late 50's na nito.

NOWHERE MANWhere stories live. Discover now