ACT 4 "Catch the Culprit"

8 1 0
                                    

"Do you had anything that can lead us to those fucking culprits?" inis na tanong ni Piolo sa isa na malaki ang tiwala niya.

Tumango ang lalaki habang may pinulot na isang bagay sa sahig na malapit sa kinakikintayagan niya. Sinusuri niyang mabuti ang isang maroon na panyo. Inamoy niya ito at masasabi niya na may pamilyar na bango ang nagmamay-ari nito.

Inabot niya ito kay Piolo. Halos malukot ang panyo sa mga kamay niya ng kunin niya ito. "Magaling, Kiko. Sa wakas may lead na tayo sa tao na lumapastangan sa atin."

Ibinaling ni Piolo ang atensiyon niya sa manager ng lub na kanina pa nakatayo sa likod niya. Hindi ito makatingin ng diretso kay Piolo. Pawis na pawis at kabado ito.Maka-ilang ulit na rin siyang nagpupunas ng mga pawis niya.

"Kilala mo ba ang nagmamay-ari ng panyong ito?" matalas na tanong ni Piolo. "Sumagot ka ng maayos kung ayaw mong samahan yung waiter mo lumutang sa Ilog Pasig kasama ng mga water lily."

Pinagmasdan ng panot na manager ang panyo at pamilyar sa kanya ang amoy ng pabango na nakakapit pa rin dito. "Ka...kay...Mariya boss, Piolo."

Napahawak sa ulo nito si Piolo at pinungos ng matindi ang mukha niya sa inis. "Langhiya! Ano ang naisipan ng babaeng iyon para gawin sa'kin ang ganito!"

Inutusan ni Piolo na bumalik na ang manager sa trabaho niya habang bumaling siya kay Kiko na inaabot ang isang itim na Samsung J7 PRO na celfon. May tumatawag sa kanya.

Kumunot ang noo nito ng makita kung sino ang nasa linya. Don Renato. "Langhiya, pag minamalas ka nga naman."

Sinagot niya ang tawag. Rinig na rinig ang nagngangalit na mga murang pinapakawalan ni Don Renato sa linya. Si Piolo naman ay minabuti munang ilayo ng bahagya ang celfon sa tenga niya at hayaan ang pagwawala ng matanda. Inabot din ng ilang minuto ang ngalit ng Don.

Nang humupa ng bahagya ang galit na ng Don, inilapit na ni Piolo ang celfon sa tenga niya. "Pasensiya na Don Renato sa nangyari. Sige po papunta na kami dyan ngayon."

Ibinaba na niya ang celfon at nagpakawala pa ng isang malakas na sigaw sa loob ng locker room. Halos umeko sa buong paligid ang frustration niya.

"Let's go, Kiko," anyaya ni Piolo sa bodyguard niya. "We don't want to keep the old man waiting."

---#---

Tanghali na ng umalis si Tinyong sa apartment ni Mariya. At dahil tanghalian na, naisip niyang lagyan ng pagkain ang kumakalam na niyang sikmura.

Ipinarada niya ang kanyang kotse sa tapat ng paborito niyang tapsilogan sa likod ng Recto. Bukod sa mura ang tapsilog dito ay hindi din mapapantayan ang lasa at linamnam nito. Kaya maraming parokyano ang kumakain dito.

Nakahanap ng magandang puwesto sa gilid ng canteen si Tinyong. Dahil madalas siyang kumain dito, kilalang-kilala na siya ng mga staff nito. Kaya kahit hindi siya umorder ay alam niyang ihahanda na nang mga tao roon ang paborito niyang tapsilog.

Napabuntung-hininga si Tinyong ng maamoy na niya ang dinala ng tapsilog sa mesa niya. Walang sinayang na sandali, inumpisahan na niyang lapangin ito.

"Kamusta, Tinyong!" malakas na bati sa kanya ng isang pamilyar sa kanya. Hindi na naghintay ito na alukin siyang umupo sa tabi niya.

"Ikaw pala, Waway," walang-ganang sagot ni Tinyong sa kababata niya. Inilayo niya ng konti ang kinakain niya sa tapat ni Waway.

Alam niya kasing kapag nagsasalita ito ay may kasamang talsik ng makakapal na laway ang sumusunod dito.

Kilala din itong tambay sa buong Recto. Trabaho niya ang maging essenger at runner ng mga taong gusting magpa-gawa ng mga palsipikadong mga dokumento, papeles, diploma, certificate at kahit anong ID na gusto ipagawa.

NOWHERE MANWhere stories live. Discover now