ACT 6 "Reminisce/Back at the Start"

12 1 0
                                    

LRT-1 Carriedo Station.

Nagmamadaling pumasok si John sa isa sa mga bagon ng tren ng LRT. Maayos ang nasakyan niya na seksyon ng tren. Dahil hindi pa rush hour ay hindi masyadong puno ang loob nito.

Nagkaroon ng pagkakataon si John na umupo sa isang bakanteng upuan. Kahit pinagtitinginan siya ng ibang sakay, dahil hindi karaniwan ang isang dayuhan na sumakay ng mag-isa sa LRT at nakasuot ng all-black clothing at may dala pang isang bouquet ng cream tulips, hindi niya pinapansin iyon.

Mayamaya ay may kinuha siya sa kaliwang bulsa ng suit niya. Inilabas niya ang isang pink na Trascend MP3 player. Ito yung mp3 player na sinangla ni Mara sa kanya. Ni-navigate niya ang playlists nito at pumili ng isang kanta. Masusi niyang pinakinggan ang awiting iyon.

Nakatingin lang siya sa malayo habang mabilis na binabagtas ng tren ang kahabaan ng Maynila. Bigla na lang sumagi sa kanya ang isang alaala.

---#---

Boracay, 10 years ago.

Masayang pinagmamasdan ni John ang dalampasigan habang nakaupo sa isang beach chair at marahang umiinom ng isang baso ng cocktail drink. Ninanamnam niya ang bawat sandali nang kanyang bakasyon. Hindi kasi araw-araw ay ganito ang ginagawa niya.

Sa sobrang abala niya sa kanyang trabaho ay hindi niya akalain na mabibigyan pa siya ng ganitong kasarap na bakasyon.

Nabasag ang pagrerelaks niya ng may mapansin siyang kaguluhan sa isang bar di-kalayuan sa kinauupuan niya. Tatlong lasing na lasing na mga lalaki ang nagwawala doon. Pilit silang inaawat ng mga waiter, pero dahil sa may kalakihang ang pangangatawan nila ay walang magawa ang mga ito para pigilan ang tatlo.

"Ahh Arabs," sabi ni John na halatang dismayado dahil sa pangyayari. Hindi niya sana papakialaman ang kaguluhang iyon. Subalit nakatawag-pansin sa kaniya ang pinagdididskitahan ng tatlong lalaki.

"Come with us now, whore!" sigaw ng isa sa mga lalaki na balbas sarado ang mukha. Pilit na hinahawakan niya ang nagpupumiglas na babae.

"Don't you dare touch me, bastos!" isang malakas na samapal ang pinakawalan ng babae sa mukha ng lalaki. Bagaman ubod lakas na tumama ito ay hindi man lang natinag ang lalaki.

Nagtawanan naman at kinantyawan siya ng dalawang kasama niya. "Hahaha..you cannot persuade here, Abdullah. There's nothing you can do. Come on now, you lose the bet."

Nang marinig ito ng lalaki ay umusok siya sa galit at napamura sa wikang Arabic. "No one defies, Abdullah! Whatever I want, I get it whether you like or not, you fucking Filipina whore!"

Mabangis na sinugod ng Arabo ang babae at pilit na kinakaladkad ito. Walang magawa ang mga waiter sa bar. Hindi nila mapigilan siya sa paghawak sa babae.

"Let me go!" sigaw ng babae habang pinipilit nito na makawala sa pagkakahawak ng hayok na hayok na sa kanya na Arabo.

Sasampalin sana ng naiinis ng Arabo ang babae ng may biglang humawak ng mahigpit sa kamay niya. Ikinagulat ito ng Arabo at sinamaan niya ng tingin ang tao na humawak sa kanya. "Get off your filthy hands on me!!!"

"That's not the right way to treat a beautiful lady," sabi ni John na naka-ngiti. "You have to be taught about gently manners."

Inis na inis na itinabig ng Arabo ang kamay niya kay John subalit nahablot uli ito ni John at pinilipit iyon ng ubod-lakas. Namilipit at napa-ngiwi sa sobrang sakit ang Arabo.

"What the fuck are you two looking there!" sigaw na baling nito sa dalawang kasama niya. "Mustafa, Abdeen, get him!"

Mabilis na sinugod ng dalawang kasama niya si John. Unang sumuntok si Abdeen, isang nakakalbo na at mukhang matatakutin. Kahit na marami itong pinakawalan na suntok kay John, ni isa sa mga iyon ay walang tumama. Isang jack-knife kick ang ibinigay niya kay Abdeen na napuruhan sa baba nito.

NOWHERE MANWhere stories live. Discover now