ACT 8 "A Friend Indeed"

4 1 0
                                    

Sa isang penthouse suite sa rooftop ng isang magarbong five star hotel sa Roxas Boulevard. Naghihintay ang isang binata sa isang Jacuzzi sa mga inaasahan niyang bisita. Sinasayang niya ang oras at sandali niya sa pag-inom ng isang baso ng may yelo na Jack Daniel whiskey.

"Anong oras ba darating si Lala? Bakit ang tagal niya?!" bulyaw nito sa isa sa mga tauhan niya na nakatayo malapit sa kanya.

"Parating na po iyon, Boss Paolo. Na-trapik lang po daw siya sa airport kaya medyo nahuli po," paliwanag ng tauhan niya.

"Anak ng tokwa ang tagal naman ng baklang iyan!" bulalas ni Paolo na alit nag alit na inihagis ang baso na hawak niya. "Hindi ko siya pinapunta ng Thailand para mahuli lang. Kailangan maganda ang dahilan niya kung bakit late siya. Kung hindi ay makakatikim siya ng bangis ko!"

Si Paolo Lopez ay ang nag-iisang anak ni Piolo mula sa matagal na ring yumaon na asawa nito. Mahigit labing-limang taon na rin ang lumipas ng mamatay ito mula sa sakit nitong breast cancer. Kaya mula noon ay mag-isa ng pinalaki ni Piolo ang anak niya sa kanyang masalimuot na kabuhayan at bayolenteng kinabukasan.

Tulad ng kanyang ama kilala ring may-kulo sa loob si Paolo. Hindi siya mag-dadalawang isip na pumatay kung ito ay sagabal sa kanyang layunin at kasiyahan. Noong labing-apat na taong gulang siya ay una siyang pumatay, Pinatay niya ang family doctor nila ng malaman niya na sinabihan nito ang kanyang mga magulang na may kakaiba sa takbo ng pag-iisip niya. At mula noon, hindi na mabilang ang mga tao na kinitlan niya ng buhay dahil lamang sa hindi niya gusto ang mga sinasabi nila o hindi na siya masaya sa mga ito.

Bagaman may kabaliwan si Paolo sa pag-iisip at pag-uugali, hindi maitatanggi na may angkin naman itong ka-gwapuhan. May magandang tindig at pangangatawan, malakas ang dating at karisma. Sa kabila ng mabangis nitong ugali ay mayroon itong maamong mukha na kadalasang dumadaya sa mga binibiktima niya.

Mayroon din itong kakaibang hilig, ang hilig sa mga babae. Dahil s aka-gwapuhan niya ay ilang babae na rin ang dumaan sa kanya at na-ikama niya.

At gaya ng mga ilang gabing nag-daan, may mga babae na naman siyang inaasahan. Ngunit sa pagkakataon na ito ay ipina-angkat pa niya ang mga ito sa Thailand. Nakita niya kasi ang galing ng mga ito mag-perform sa kama ng bisitahin niya ang isang porn site na naga-handle sa mga babaeng ito.

Ilang sandali lang ay dumating na si Lala, hapong-hapo ito, dala niya ang apat na mga babae na inaasahan ni Piolo.

"Sorry if I'm late, Paolo, my love," sabi nito kahit hinahabol niya ang paghinga niya. Pawis na pawis ito, na naging dahilan para unti-unti na ring nawawala ang makapal na make-up nito sa mukha niya.

Kakatwa ang histsura ni Lala. Mukha siyang drag queen na may napakapal na make-up at mapula pa sa namamaga na labi ang kulay ng lipstick sa nguso niya. Kakaiba rin ang hairstyle niya, bagaman totoong nakakalbo na siya ay pilit niya itong itinatago sa isang long hair na wig na kulay pink. Nakahawi ito sa gitna na animoy pinahimod pa niya sa dila ng baka para kumintab. Nakasuot naman siya na parang style ng Victorian Era na mga babae, kulay patay na pink ang damit nito.

Palapit na sana si Lala para bigyan ng halik na pagbati si Paolo ubalit malakas na tinabig niya ito. "I don't want your filthy face! Where's my fucking lady buddies for tonight?!"

"Apologized, my dear," paumanhin ni Lala na marahang minamasahe ang kanyang bumagsak na balakang. Ilang saglit lang ay sinenyasan niya ang isang alalay niya na bakla, na mabilis namang may pinapasok na apat na nag-gagandahang mga Thai na babae.

Nang makita ito ni Paolo ay halos maglaway at lumuwa ang mga mata nito ng makita ang apat na pumapasok na mga babae. Naka-dagadag pa sa kanila ang mapang-akit at mapanuksong mga suot nila. Lahat sila ay naka-two piece lang ang saplot.

NOWHERE MANWhere stories live. Discover now