ACT 10 "Anonymous"

22 2 1
                                    

"Hoy, anong nagyari sa inyo doon sa pawshop? Nag-iisa lang siya, dalawa kayo, hindi niyo siya napatumba? Anak ng puta ka, Peding...bahag ba yang bayag mo?!" galit na galit na sabi ni Paolo kay Peding. Ilang beses niya itong tinatadyakan sa likod ng upuan nito at pinipitik-pitik ang kulot nitong buhok. "Saan mo ba ginagamit 'yang kayabangan mo?"

"Pe...pe...pero...Boss Paolo kung nakita mo yung si Kano kung paano nilampsao na parang wala lang si Big Ben..." pautal-utal na paliwanag ni Peding na hanggang ngayon ay balisa at pawisan sa harap na upuan ng van. Katabi niya si Kiko na siyang nagmamaneho nito. "Ikaw nga magpaliwanag, Kiko."

"Ahhh...ganun ba siya talaga kagaling makipaglaban?!" nanlilisik ang matang tanong ni Paolo kay Peding. "Saan ba siya eksperto? Boxing? Taekwondo? Karate? Jeet Kune Do? Muay Thai? Kickboxing? Anak ka ng puta, Peding! Ano... sabihin mo?!"

"Boss, kung nakita mo lang sana siya talaga makipag..." patuloy na paliwanag ni Peding. Halos hindi na siya makatingin ng diretso sa inis na inis ng si Paolo.

"Ahhh...wala kang silbi! Puro lang kayabangan ang alam mong gawin!" putol ni Paolo.

Sa sobrang galit ni Paolo kay Peding ay walang habas niya itong sinisipa sa likod ng kinauupuan nito. Si Peding naman ay walang magawa kundi hayaan na lang si Paolo at umaasa siyang matatapos din ito mayamaya.

"He didn't flinch," basag na sabi ni Kiko habang patuloy na nagmamaneho.

Natigil ang pagsisipa ni Paolo kay Peding nang marinig ang sinabi ni Kiko. "What?!"

"He didn't flinch when I shot the gun. I shot Big Ben four times and yet he didn't show any fear in his eyes," paliwanag ni Kiko. "As if killing someone is somewhat natural to him."

"Is he somehow a former gangster or assassin on his country?" sabi ni Paolo na may naglalarong masamang plano para kay John.

"Perhaps," sabi ni Kiko. "Or maybe much deadlier than that."

"Excellent!" bulalas ni Paolo, may mala-demonyong ngiti itong inilalabas. "Despite the danger, he fears nothing. That's very nice. I will tell father that we can use him as a decoy."

Isang malakas na tawa ang patuloy ni Paolo na pinakakawalan sa loob ng sasakyan habang ito'y patuloy sa pagbagtas sa tulay ng Quiapo Bridge.

---#---

"Hello, you're saying, Sir, that your neighbor and her daughter got kidnapped by drug dealers?" tanong isang boses sa telepono. Kausap niya si John na minabuting itawag ito sa mga kinauukulan. "Is that right?

"Yes," tipid na sagot ni John na nakaupo sa tabi ng bangkay ni Big Ben.

"Is she really your neighbor?" pag-uusisa ng lalaking pulis na may kapayatan ang hitsura. May malalim na mga pisngi na aakalain mong may hika kapag bumabahing. Sa pagitan ng bawat tanong niya ay may bahing itong isinasabay, dahilan para si John ay mawalang gana na patuloy na makipag-usap sa kanya. Ramdam kasi niya ang kawalang ng sensiridad ng pulis dahil sa tono ng boses niya.

Hindi na umimik si John. Hinahawakan niya lang ang telepono sa kanang tenga niya at hinayaan lang ang pulis na magtanong pa sa kanya ng mga walang kwentang tanong.

"Okay, Sir, just give me your address and I will send someone to investigate there," parang inaantok na sabi ng pulis na sa dulo nito ay nagpakawala siya ng isang malakas na hikab.

Hindi pa ring umiimik si John. Maraming bagay na ang unti-unting naiisip niya. Labis na rin ang pag-aalala niya sa sitwasyon ni Mara. Kamusta na kaya siya at ang kanyang ina. May ilang mga masamang bagay na rin ang unti-unting nagbibigay ng takot sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NOWHERE MANWhere stories live. Discover now