ACT 9 "Tension Hours"

9 1 0
                                    

"Ma!" ang tanging salita na nabigkas ni Mara nang makita niya ang nangyayari sa kanyang ina nang pumasok ito sa kanilang apartment. May malaking nagdurugong sugat ito sa kanyang kaliwang hita at naka-duct tape ang kanyang bibig. Halos mahubaran din ito ng kanyang suot dahil sa higpit ng pagkakahawak ng isang lalaking katabi niya at dahil rin sa kanyang pagpupumiglas na makawala dito.

Hindi na naka-imik si Mara habang patuloy na pinahihirapan ng lalaki si Mariya gamit ang isang mainit na blower ng buhok. Halos mamilipit sa sobrang sakit si Mariya sa tuwing idinadampi ang mainit na blower sa hita niya. Tuwang-tuwa naman ang lalaki sa sadistikong ginagawa nito, nakukuha pa nga nitong paminsan-minsan na sumulyap kay Mara, kindatan ito at animoy bino-blower ang kanyang suwabeng buhok. May nakaka-lokong din itong tawa lalo na kapag alam niya na masyado ng nasasaktan si Mariya sa ginagawa niya.

Kahit na naka-tape ang bibig ni Mariya ay mababanaag dito ang pagnanais na sabihan si Mara na umalis at lumayo na sa kanya. Ngunit gustuhin mang gawin iyon ni Mara ay tila hindi ito maka-galaw sa sobrang shock sa nasasaksihan niya sa kanyang ina.

Ilang saglit lang ay nagulat na lang si Mara ng may tumakip sa kanyang mga mata. "Paolo, that's enough. She had already given us the info that we want," sabi ng kasama niya, matalas ang tingin nito.

"Huwag mo akong utusan, Kiko! Wala kang pakialam kung gusto kong mag-saya kasama ang pokpok na ito!" sigaw nito kay Paolo na ayaw pa rin tantanan na pahirapan si Mariya.

"Don't make me come to you. I said stop it right now!" malakas na sabi ni Kiko na handa na sanang puntahan si Paolo para pigilan. "We have to retrieve our stolen drugs at the pawnshop. That's your father ordered to us."

Galit na inihagis ni Paolo ang hawak niyang blower sa sahig at mahigpit na kinaladkad si Mariya palabas ng apartment nio. Sumunod naman si Kiko na marahang akay ang tulala pa ring si Mara.

---#---

Early on that day. Don Renato's Residence.

Mabilis na pumasok si Big Ben sa opisina ni Don Renato. Sa loob nito ay binati siya ng apat naka-suot ng mga itim na suits na tauhan ng Don. Si Don Renato naman ay komportableng naka-upo sa kanyang mesa habang malumanay na umiinom ng isang baso ng may yelong Fundador Brandy. Marahang inaalog-alog niya ang baso para sumwabe ang lasa lalo nito.

"Pinatawag nyo po daw ako, Don Renato," magalang na sabi ng pinaka-loyal na tauhan ng Don. Tumango ito bilang respeto sa Don. "Ano po ang maipag-lilingkod ko sa inyo."

"Gusto kong samahan mo sina Piolo ngayong gabi sa pagtugis sa mga kawatan na kumuha ng aking mga droga," sabi ng Don malayo ang tingin nito sa kanyang tauhan.

"Pero sa tingin ko po ay kaya na nilang gawin ang bagay na iyon?" paliwanag ni Big Ben.

Humarap na ngayon ang Don kay Big Ben na may matalas na mga tingin. Padabog itong tumayo at lumapit kay Big Ben. "Wala akong tiwala sa mga gagong iyon. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko."

Nang marinig ito ni Big Ben ay hindi na ito tumutol. "Kung iyan po ang gusto niyo ay susundin ko po."

"Kailangan nating makuha ang drogang iyo sa lalong madaling panahon. Nakasalalay doon ang hinaharap ng ating organisasyon," paliwanag ni Don Renato. "Kapag na-close natin ang deal sa mga Mexicanong iyon. Tiyak na magiging malawak at mas makapangyarihan tayo sa industriya ng droga sa Pilipinas. Umaasa ako sa iyo na hindi mo ako bibiguin."

"Makakaasa po kayo," sagot ni Big Ben na mabilis na nag-paalam sa Don at lumabas na ng kwarto.

Ang Don naman ay abot-tenga ang ngiti dahil oras na maibalik muli sa kanya ang mga droga, alam niya ang kapangyarihan at impluwensiya na maidudulot nito sa kanya.

NOWHERE MANWhere stories live. Discover now