Chapter 2

125 19 9
                                    

Chapter 2

We got up earlier than usual the next morning. We will spend our three days vacation in Batangas together with our friends. We just had a quick breakfast before leaving the condo. Finally, makakalanghap din ng sariwang hangin!

They were all present when we got into the van. Kami nalang talaga ang hinihintay. Rhodney will be the one who will drive us to the beach, and there in the shotgun seat is his girlfriend, Beah. Kasama din namin ang pinsan kong si Colens at ang boyfriend niyang si Joel. Bumungad din sa amin ang taklesang si Georgia na nakikipag bangayan na kay Leo. Tahimik naman sa likod si Klea at Corsey na nanonood na panigurado ng Kdrama.

"Hoy Vivienne Villena at Khalid Kleign Montenegro!" Bungad na tawag sa amin ni Georgia. Magsisimula na naman sya kaya kailangan na naman naming ihanda ang tenga namin.

"Bakit na naman?" Tanong ko at binigyan siya ng nakakairitang tingin.

"Agang aga mo ah. Lakas na naman ng amats mo." Dagdag ni Khalid na may halong panunuya.

"Wala lang. Trip ko lang banggitin ang buo nyong pangalan. Ba't ba kayo nakikialam?" Sagot nya at bigla nalang kaming inirapan. Kung hindi ko lang talaga sya kaibigan, matagal ko na siyang ipinadala sa Mental hospital.

The usual position, I was sitting near the window and beside me was Khalid. Kinuha ko ang earphones ko at sinuot ang isa sa sariling tenga. Ang katuwang naman ay nilagay ko sa tenga nya.

"Nako, kung ako sainyo ay hindi na ko mag aaksaya ng panahon sa pag i-earphone. Sa lakas pa naman ng boses nyang si Georgia ay hindi nyo na maririnig ang sounds." Pang aasar ni Leo sa nanggagalaiti kong kaibigan. Kumuyom and kanyang kamao at inabot si Leo para suntukin.

"Ang kapal ng mukha mo! Ampangit mo na nga, mapambintang ka pa! Nananahimik ako dito eh!" Ganting sigaw ni Georgia sa kabangayan nya bago sumimangot.

"Hoy! Ayan na naman kayo ha. Aminin mo na kase George, pinaglihi ka talaga sa speaker." Aba't ang loko, akala ko aawatin pero nakisali pa. Siniko ko si Khalid dahil nakita kong halos umuusok na ang ilong nung isa.

"Isa ka pa! Tinawag mo pa kong George? Muka ba kong lalake?"

You don't look like a man but you act like one. Tsk!

"Tanong ba yan? Syempre, oo. Bakla ka nga ata eh!" Atakeng banat naman ni Leo. The whole van filled with laughter during the ride.

"Ang ingay nyo, nanonood kami dito." Saway ni Klea mula sa likod.

"Kaya nga, naaabala ang labing labi namen dito eh." Gatong ni Rhodney. Aba't nagawa pang lumandi habang nag mamaneho. What a pro!

"Kayo talaga, wag nyo ngang pagtulungan yang si Geogia." May diin na saway ko bago muling ibinalik ang paningin sa labas ng bintana.

"Banatan mo nga, Viv. Inaaway ako oh." Sumbong sa akin ng taklesa kong kaibigan na ngayon ay naka nguso na. Natawa nalang ako at hindi siya pinansin. Natahimik saglit ang sasakyan pero alam ko, nabwelo lang 'yang mga yan.

"Sleepy?" Tanong sa akin ni Khalid na ikinalingon ko naman. Late na din kase ako nakatulog kagabi kaiisip nung sinabi nya. Hays, kasalanan talaga nya to. Tumango nalang ako dahil inaantok na talaga ako.

He wrapped his arm around me and I leaned my head on his chest. He's my human pillow especially when we are on a trip. Hindi nakatakas ang tingin ng mga kaibigan namin ngunit hindi ko nalang iyon pinansin. Hindi pa ba sila sanay? Normal lang naman to saming dalawa eh. No malice. Tsk!

"Comfortable?" Tanong nya sa akin at tango lang ulit ang naging tugon ko.

Hindi ko namalayan ang oras. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero nagising ako dahil sa nagsisigawan na si Leo at Georgia. Na naman!

The Presence of YesterdayWhere stories live. Discover now