Chapter Four

72 24 0
                                    

[Chapter 4 - Thank you Doc ]


Phobie's POV

Nataranta akong tumakbo palabas ng condo ni Charles. Anong gagawin ko? Nanginginig na ang aking buong katawan sa takot at kaba.

"Kuya!" Tawag ko sa lalaking naka talikod malapit lang dito. S'ya ba talaga yan? Si Drake Lester? Pero anong ginagawa n'ya sa ganitong oras dito?

Lumingon s'ya sakin, nakitaan ko ng gulat ang kaniyang mga mata ng makita ako.

"B-Bakit po? May kailangan ka po?" Magalang na tanong nito sakin.

"Ikaw diba yung pinsan ni Charles?" Kunwari hindi ko s'ya kilala. Ayaw ko naman na isipin n'ya sa stalker n'ya ako.

"Yes. Bakit?" Naguguluhan n'yang tanong

"K-Kuya patulong naman po, kailangan n'yo lang pong bihisan yung pinsan mo po kasi kung ako? eh alam mo naman na babae ako kaya Ikaw nalang. P-Please inaapoy s'ya ng lagnat! p-please" Paki-usap ko sa kanya, tiningnan n'ya naman ako at ngumiti ng kaunti. He's weird!

"Yung pinsan ko talaga. Ang suwerte n'ya naman. Ikaw din kailangan mong mag bihis basang basa karin" Sabi n'ya. Napatango nalang ako. Is he concern?

"Thank you talaga! Ako na ang bahala sa kan'ya after mo s'yang mabihisan, nag lasing kasi s'ya sa---party tas naulan pa kami" Sabi ko pa.  Nanginginig din ako dahil sa lamig.

"Sige na, d'yan ka lang muna ako nalang ang papasok sa condo n'ya. Pagkatapos ko s'yang mabihisan ay puwede kana ring pumasok." He smiled. Ang bait n'ya naman, matulungin at Maginoo.

Tumango nalang ako sa kaniya. Jusko sana maging okay lang si Charles. Kahit lagnat lang po ay nag-aalala na ako sa kan'ya. Ayaw kong nasasaktan s'ya!

Naghintay lang ako sa paglabas ni Lester. Ang tagal naman yata. Napalingon ako ng lumabas na si Lester. Ngumiti ako sa kan'ya at todo thank you ulit.

"Okay lang pinsan ko naman s'ya. Ikaw ano ka n'ya? Girlfriend?" Tanong n'ya.

Wahh! Hindi n'ya ba kilala ang girlfri6end ng pinsan n'ya? nga naman hindi sila close noon pa man.

"A--hh e--hh Ano" kamot batok muna. "ahh k-kaibigan--tama kaibigan n'ya ako" alanganin na sabi ko at ngumiti ng kunti.

"Suwerte naman ng pinsan ko at may kaibigan s'yang gaya mo. M-Mauna na ako sayo ha? thanks sa pag-aalaga sa pinsan ko." Sabi n'ya at ngumiti ng kaunti. Tumango nalang ako at pumasok sa condo ni Charles. Ano kaya ang ginagawa ng lalaking 'yon dito? I'm just curious. Kakaiba ang mga tingin n'ya sakin.

Lumakad ako palapit sa kan'ya, buti naman at maayos na s'ya at hindi na mukhang basang sisiw gaya ko. Kumuha ako ng towel sa kabinet n'ya at dumeretso sa kitchen para kumuha ng maaligamgam na tubig saka nilagay sa palanggana. Bumalik agad ako sa kama n'ya at pinunasan ko ang mainit niyang noo at leeg.

Ang amo ng mukha n'ya, ang tangos ng ilong n'ya, ang cute ng labi n'ya. Matagal ko ring pangarap na maalagaan s'ya at ngayon natupad na nga. Ang sarap sa pakiramdam!

Hindi ko naman inextpect na gawin n'ya akong Slave, sana pala dati nilapitan ko na s'ya kahit nakakatakot s'ya. Kapag tulog lang naman naging maamo itong mahal kong hari. Matagal ng patay ang mommy n'ya at ang ama n'ya naman ay nag-asawa ng iba. Simula noong namatay ang Mommy n'ya ay naging bad boy na s'ya, hindi ko naman s'ya masisisi. Ang masakit n'yang karanasan ang bumago sa kaniya. Ang yaman n'ya nga hindi naman s'ya mahal ng tatay n'ya, Totoo iyon, naging masama sa kaniya ang Ama n'ya. Wala s'yang kapatid mag isa lang s'yang anak ni Tita Cimmy, kaya siguro feeling n'ya ay  mag isa lang s'ya at walang nagmamahal sa kan'ya.

That Childish Girl Is My SlaveWhere stories live. Discover now