Chapter Nine

52 20 0
                                    

     

[ Chapter 9 - Rain ]




Phobie's POV






Dalawang araw na ang nakalipas pero sariwa parin sa Isipan ko ang tagpo noong sabay kaming nag lunch ni Charles. Mababaw lang ang kaligayahan ko, ang makasama s'ya ay labis na ang tuwa na nararamdaman ko. But my heart didn't want me to be happy, Ang sikip, Ang hirap huminga.

"Lola! Aalis na ako. I love you!" Sigaw ko kay Lola bago umalis.

Narinig ko pa yung sigaw niya na 'Huwag kang lalapit kay CJ apo! masasaktan ka lang' Sorry nalang po Lola dahil kaligayahan ko ang lumapit kay Charles.

---

At the stock room



"Briana----why are you here?" Narinig kong tanong ni Charles kay Briana. Nandito kasi ako sa labas ng stock room, papasok na sana ako pero narinig ko ang boses nila.

"Why? Are not you happy to see me? I'm here cause I need you babe!" Sagot ni Briana, ang landi ng pag kakasabi niya. Ano ba ang kailangan niya?

"Are you kidding Right? here?" Sabi ni Charles. I don't get them.

"Do you love me? let's do it" sabi ni Briana

Ewan ko ba kung ano ang pinag uusapan nila. Tanghalian na ah, Hindi ba sila nagugutom?

".................... "

*silence*

*click*door's open

"Ahh!" Sigaw ko nalang ng makita sila. Paano ba naman kasi nakahiga sila pareho sa sahig na may karton. Anong ginagawa nila? siguro natutulog? Pero hindi pa sila kumakain ah?

"What the fvck!" Mura ni Charles at tinulak n'ya pa si Briana. Mabilis na napatayo si Charles.

"S-Sorry hindi ko a-alam na natutulog kayo." Nakatungo na sabi ko.

Tumayo naman si Briana at lumapit sakin. Hinawakan niya yung chin ko at pinaharap ako sa kan'ya. Hahalikan niya ba ako?

"The slave of my Babe, right? You know?! you're so annoying." Nag ngingitngit niyang sabi at akmang Itutulak ako pero hinawakan ni Charles yung braso niya.

"Leave us alone Briana, I need my Slave, so just fvcking get out!" Sabi ni Charles habang nakatingin sa kaniya ng masama. Lihim naman na natuwa ang aking puso.

"Seriously Babe? kayong dalawa lang dito? anong gagawin niyo ng slave na yan?!" Singhal ni Briana at humarap sa ‘kin saka inirapan ako.

"Don't call her Slave Briana. Phobie is my Slave, She's not your Slave, she's fvcking my only Slave! Get out!" Sigaw ni Charles. Kung masama siya sa akin, ay mas masama siya kay Briana ngayon.

Nangiyak ngiyak naman si Briana at napa iling iling nalang. Sa paglabas niya ay binangga niya pa ako sa balikat. Hindi naman ako nasaktan dahil mahina lang naman ang pagbangga niya, kaya hindi ako nadapa.

Humarap naman ako kay Charles at ngumiti ng natamis.

"K-Kamahalan may dala akong food, kain ka muna, bago matulog ha." Sabi ko pa at napangiti. Nakatingin lang siya sakin, kinabahan naman ako.

"Phobie?" Tawag niya sa pangalan ko.

"B-Bakit K-Kamahalan?"  Tanong ko.

"Why you look pale? Are you sick? " Tanong niya. Umiling naman ako, yung puso ko lang. Kinakabahan kasi ako. Natural lang naman iyon diba? lalo na pag kaharap ko siya. Concerned ba siya? Wah! Parang gusto kong tumalon talon sa tuwa pero baka ma turn off siya kapag dito ko ginawa.

That Childish Girl Is My SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon