Chapter Nineteen

36 13 0
                                    

[Chapter 19 - Typhoon]

Phobie's POV





Nakaupo ako sa sofa habang nakatungo. Para akong kriminal na may nagawang malaking kasalanan. Nasa kabila ko naman si Lola na nakatingin lang sakin. Alam kong tatanungin n'ya ako kaya hinanda kuna ang sarili ko para dito.

"Inday, umamin ka sakin kung ano ang dahilan noong nawalan ka ng malay?" Malamig niyang tanong. Natatakot naman akong magsalita baka pagalitan n'ya ako o kaya baka hindi kuna makikita si Charles kailanman. Mabait si Lola at alam kong naging evil s'ya pag nagalit.

"A-Ahh kasi---na puyat po ako." Pag sisinungaling ko habang nakatingin saking daliri.

"You're lying apo! buntis ka ba kaya ka nahimatay?may nangyari ba sa inyo ng lalaking iyon? sinuko mo na ba ang iyong bataan? Ano nalang ang sabihin ng Mama at Papa mo sayo? ikaw pa naman ang iniasahan nila dahil ikaw ang panganay!" Galit at walang prenong sigaw ni Lola sakin. Todo iling naman ako dahil hindi naman totoo, ewan ko ba kay Lola kong ano-ano ang sinasabi! Buntis? hindi naman ako buntis.

"L-Lola hindi po totoo! alam n'yo naman po kung------" Hindi ko natapos dahil nagsalita naman si Lola. Kailan s'ya titigil sa kakaputak pag pumuti ang uwak?

"Alam kong Mahal mo s'ya at alam kong madali mo lang isuko ang lahat sayo, dahil mahal mo s'ya! Apo naman! sana inisip mo muna ang sarili mo!" Mangiyak ngiyak n'yang sabi at hinawakan ang pisngi ko at hinarap sa kaniya.

"L-Lola hindi ko alam ang pinag sasasabi mo d'yan, wala po kaming relasyon ni C-Charles." Pagsabi ko ng totoo. Nakita ko naman na natigilan s'ya at tumingin sakin ng seryoso.

"Totoo? Hindi ka ba nagbibiro? Hindi kayo? wala kayong relasyon?" Hindi makapaniwala n'yang tanong. Na praning na yata si Lola. Napatango ako sa kaniya at ngumiti nalang.

"Of course, Lola! walang kami at hindi ako buntis. Totoo na napuyat ako kaya ako nahimatay" Mahinahon na sabi ko. Napangiti naman si Lola at niyakap n'ya ako ng mahigpit.

"Salamat at hindi mo ako binigo Apo ko. Mahal na Mahal kita. Sana huwag kang mag paka martyr sa lalaking iyon." Sabi n'ya at hinimashimas ang buhok ko. Napa buntong hininga naman ako at kumalas sa pag yayakapan namin.

"Mahal na Mahal ko po kayo." Sabi ko at tumayo

"Pupunta na ako sa kwarto Lola." Paalam ko bago s'ya iniwan. I want to rest! Feel ko nanghihina ako.

------

NAKALIPAS ang dalawang araw. Malungkot ang buhay ko ng mga nag daang araw dahil unti unti ng lumalayo sakin ang Mahal ko. Hindi na s'ya nagpaparamdam, kahit call or message man lang ay wala. Naiisip ko tuloy kung bakit?

Kasi parang nagbago na ang lahat samin. Hindi na n'ya ako kailangan dahil may fiance na s'ya at nakilala na n'ya ito. Nagustuhan n'ya siguro ang fiance n'ya?Ang sakit naman isipin yon. Kapag nangyari 'yon, maglalaho na kung anong meron ako sa buhay n'ya. Hindi ko na s'ya mapagsilbihan. Nasasaktan ako!

NANDITO ako sa garden ng school kasama si bespren.

"Malungkot kana naman d'yan." Malambing n'yang sabi at niyakap ako. Thankful parin ako dahil may best friend akong tulad n'ya na palagi akong dinadamayan tuwing down na down na ako.

"Bespren hindi ko lubos maisip na mapapalayo na s'ya sakin. Baka ipagdamot s'ya sakin ng fiance n'ya lalo na't nag kakilala na sila. Nag-aalala rin ako kay Kamahalan, two days na hindi ko na s'ya nakikita, last lang iyon noong nasa park kami't nag papalipad ng saranggola. Niyakap niya pa ako bespren! Parang goodbye hug na talaga iyon." Sabi ko sa kaibigan ko. Sa bigat na aking nararamdaman ay hindi ko na napigilang mapaiyak habang yakap n'ya ako.

That Childish Girl Is My SlaveWhere stories live. Discover now