Chapter Seven

58 19 0
                                    

Cutreass I hope that you will enjoy this chapter and I hope that you'll interact with me and just leave a short comment below about this chapter.

[ Chapter 7 - Multo ]

Phobie's POV

"Lola Dionila? narinig ko lang yung sigaw mo na manok? kasi nawawala si Betlog ko, gagamitin ko pa naman iyon mamaya pang sabong" Tanong ni Mang Ben.

Juice colored ayaw kong makulong!

"I-Ikaw pala Ben. O-Oo naki----" Hindi natuloy ni Lola dahil nagsalita ako. Balak pa ata akong isumbong ng Lola kong ulyanin.

"Mang Ben! h-hindi ko po pinatay yung manok mo, hindi ko rin ninakaw. K-Kahit tingnan mo pa sa loob ng kald---ahhh wag na pala Mang Ben. Swear hope to die, h-hindi ko po talaga kinatay yung manok mo." Pinagpawisan na sabi ko saka ako napapunas ng pawis na kanina pa nag babagsakan.

"Pasensiya na iha. Saan kaya si Betlog ko? mabulunan sana yung nag nakaw kay Betlog. Mahal ko talaga yung manok ko na iyon." Mangiyak ngiyak na sabi ni Mang Ben. Napaubo ako bigla dahil nasamid ako ng sarili kong laway. Nakaramdam tuloy ako ng konsensiya.

"Ben, baka nag layas si Betlog mo. Nabalitaan ko pa naman na may nakitang manok si Mari Pilya." Sabi ni Lola. Thanks Lola! super Lola talaga kita.

"S-Sige Lola, iha hahanapin ko nalang si Betlog." Sabi ni Mang Ben at nag paalam na. Sinara ko nalang ang pinto at nag palakpak ako sa tuwa dahil ligtas ako sa ngayon. I am really sorry Mang Ben.

"Thank you Lola! Super Lola talaga kita. Tara kain na tayo." Ngiti ko kay Lola. Nanumbalik ang sigla at mga ngiti ko ngayong kasama ko na ang Lola ko.

"Huwag ka sanang mabulunan Apo." Tawa ni Lola.

Nag tawanan kami ni Lola bago nag simulang kumain. Ang sarap ni Betlog ah!

I'm sorry talaga hindi ko naman sinasadya Mang Ben.

---

Nanginginig ako sa kaba habang papalapit sa Criminology Department. Andito naman ako ulit. Balak ko kasing tingnan si Charles, kung okay lang ba siya? kung kailangan niya ba ako? Kahit ilang araw ko siyang iniiwasan ay haharapin ko na siya ngayon. Ilang araw ko naring hindi nakita ang nakakatakot niyang mukha. Kamusta kaya sila ng pinsan niya daw?

Namimiss ko na si Charles, gusto ko siyang maka usap tulad ng madalas kong gawin noon. Napa buntong hininga nalang ako habang naglalakad parin, palapit ng palapit na ako sa stock room na tambayan niya. Kasama niya kaya ngayon yung pinsan niya daw? Sana hindi nalang no?

Sa wakas ay nandito na ako sa pintuan. Binuksan ko ito ng marahan. Nilibot ko ang aking paningin sa loob, mga lumang kagamitan ng paaralan ang nakita ko at mga librong luma, may mga kumakalat ding papel. Pumasok na ako ng tuluyan. Nagulat pa ako dahil nakita ko siyang natutulog sa sahig na nilagyan niya ng karton at libro ang  ginamit n'yang unan. Nakakatulog talaga siya ng mahimbing sa ganitong higaan? Bakit siya nag titiyaga dito kung maganda at komportable naman sa Condo niya? Ang weird niya.

Napangiti nalang ako at umupo ako sa tabi niya. Napuyat ba siya nitong mga nakaraang araw, dahil sa himbing ng tulog n'ya?

Hinubad ko ang aking bag at nilagay ko saking tabi. Kinuha ko doon ang phone kong 'D keypad' at kinunan ko s'ya ng litrato gamit iyon. Sayang wala akong touch screen, puwede sana kaming mag selfie. Di bale, di ko kailangan ng Cellphone.

That Childish Girl Is My SlaveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin