Chapter Thirty Three

46 15 0
                                    

[Chapter 33 - Heart disease]

Phobie's POV


"M-Mama bakit niyo nilihim sakin?" Malamig na tanong ko saking ina. Nakarating na sila rito kanina lang. Pinauwi muna ni Mama sila Lola at Baby Drie para doon na lamang magpahinga sa bahay. Naawa tuloy ako sa kanila kasi dahil sakin nagpuyat at napagod sila.

"A-Anak, pasensya kung wala ko sa imo gin sugid ang tanan. Para man sa imo ang gin himo namon" Wika n'ya at hinawakan ang dalawa kong kamay. I missed her so much! My mother

[ Tagalog Translation:Sorry dahil hindi ko sayo sinabi ang lahat.para rin sayo ang ginawa namin]

" M-Ma tumagalog ka nalang, marunong ka naman eh." Ngiting sabi ko. Natawa nalang ng pilit si Mama at tumango.

"Nak, alam mo no'ng bata ka ginawa namin ng Papa mo ang lahat, pinagamot ka namin. Ang akala namin tuluyan ng gumaling ang sakit mo sa puso, pero hindi pa pala. No'ng seven years old kana doon namin nalaman na bumalik ang sakit mo kasi palagi kang nahihimatay at madalas ang paninikip ang dibdib mo." kwento ni Mama na ngayon ay umiiyak na, naiyak narin ako kasi mula bata pala ang sakit kong ito! Kaya pala sobrang pamilyar sakin ang pakiramdam, dahil I already experienced this pain.

I have a heart disease! And I am dying!

"Pinagamot ka ulit namin pero di namin nakayanan ang pang gastos. Sabi ng doctor ay kailangang maoperahan ang puso mo, kailangan ng Heart Donor. Ngunit wala kaming pera Anak, i'm sorry dahil mahirap lang tayo." Hagugol na sabi ni Mama at niyakap ako. Then Charles I am really sorry dahil pinanganak akong mahirap.

So I need heart donor? I understand! Siguro naka tadhana na talaga na ganito ang mangyari sakin, sa buhay ko.

"M-Ma w-wag kayong mag alala, lalabanan ko ang sakit ko na ito." Nahihirapang sabi ko kahit alam ko naman na wala ng pag asa. I can't live any longer. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko. Ang sarap parin talaga sa pakiramdam dahil kapiling ko ngayon ang Mama ko. Ang Ina ko na inalagaan ako, at ginawa ang lahat para mabuhay ako. Hindi ko pinagsisihan ang naging buhay ko. Dahil sa kan'ya narito ako nakakasama sila at ang lalaking mahal ko. Natigil ako dahil biglang dumating si Papa kasama niya ang bunso kong kapatid. Ang laki laki na n'ya at ang ganda n'ya pang bata. Ngumiti ako sa kanila.

"Papa! n-na miss kita! bunso! miss kana rin ni A-Ate." Nahihirapang sabi ko. Lumapit naman sila sakin at niyakap ako.

"A-Anak tiwala lang hindi ka pababayaan ng Diyos. ang  sabi ng Doctor----" hindi ni Papa natapos dahil nag salita ako.

"P-Pa alam ko." Sabi ko, alam ko naman kung ano eh.

"Ate na miss kita, bakit ang putla mo? Ate may sakit ka ba?" Inosenteng tanong ng kapatid ko. 7 years old palang s'ya.

"F-Faith, w-wag kang mag isip ng kong ano. Ang mahalaga dito na kayo nila Mama, masaya ako dahil nakita ko kayo! ikamusta mo nalang ako kay, Darwin at Diego, mahal na mahal ko kayo." Namamaos kong sabi at niyakap s'ya. Humikbi na ako dahil sa bigat na aking naramdaman.

"Nak' wag kang magsalita ng ganiyan." suway ni Papa. Ako lang ba ang nakakapansin kasi alam kong pinipilit nila na paniwalain ang sarili nila na okay lang ang lahat.

"P-Pa please ilabas n'yo ako dito! ayaw kong gumastos pa kayo sa wala. Tanggap ko naman kong ano ang mangyayari eh. W-Wala na akong pag asa" Hikbing sabi ko. Natigil  naman sila at niyakap ako. Yakap na nagsusumo na manatili pa ako sa kanilang piling. Kahit gustuhin ko man ay wala na akong magagawa pa. Ito na ang tadhana ko ang mawala sa mundo.

That Childish Girl Is My SlaveWhere stories live. Discover now