kabanata 3

9.2K 166 72
                                    

AKI

"Attention!"

Lahat kami umayos ng formation matapos marinig si Captain. Palapit siya sa gawi namin kasama ang maraming sundalo na bagong recruit. Kompleto kami dito sa field kasama halos lahat ng sundalo na pinamumunuan niya.

Pumuwesto ako sa harap kung saan katabi ko si Alex. Pumunta sa harap si Captain habang si Lieutenant Salazar naman ay tumayo sa tabi ko. Wala sa sarili akong napalingon kay Alex na ngayon ay nakatingin na pala sa akin.

"Palit us pwesto." Nakangiting bulong niya.

Pinagkunutan ko siya ng noo bago nag-iwas ng tingin. Agad naman nakuha ni Captain ang atensyon ko nang mag simula siyang mag salita. Una niyang kinausap ang mga sundalong kararating lang at sa dami niyang sinabi ni isa wala talaga akong naintindihan.

"Akesha come here!" Biglang tawag niya sa akin.

Ramdam ko ang pag tingin sa aking ng karamihan dahil sa paraan ng pag tawag niya. Kahapon niya pa ako tinatawag ng Akesha. Akesha siya nang Akesha pwede naman kasing Ruiz. 

"Double time!" Nayayamot na aniya dahil hindi agad ako kumilos para lapitan siya.

Patakbo akong lumapit sa gawi niya at tumayo sa gilid niya. "Sir?"

Tumingin muna siya sa akin bago naglakad palapit sa mga bagong sundalo. Nag simula siyang mag bilang at ihati ang mga iyon sa dalawang grupo bago bumalik sa tabi ko.

"The first group will be your new platoon and you will be their squad leader for the rest of your duties here in camp. I will be appointing Sergeant Vincent Soriano to be your Assistant squad leader. But for now, he's not be able to be here because of his mission." Humarap siya sa akin at inabot ang isang portfolio. "Nandiyan lahat ng impormasyon tungkol sa kanila. . ."

"Thank you, Sir." Aniko matapos tanggapin ang inabot niya.

"Train them well." He seriously said while looking straight into my eyes.

"Yes, Sir." Tanging nasabi ko.

"Medina!" Bumaling ang atensyon niya sa gawi nila Alex. "Come here. . ." Utos niya.

"Yes, Sir!" Masiglang sabi ni Alex habang nakangiti na lumapit sa pwesto namin.
Nang makalapit ay tumayo siya sa gilid ni Captain kaya kaharap ko na siya ngayon. Kumindat siya at ngumiti. "Annyeong." She mouthed

Napa-iling na lang ako na nag-iwas ng tingin sa kanya. Kahit kailan talaga hindi ko maintindihan ang ugali niya.

"You will be joining Lieutenant Salazar to train the second platoon in your entire duty here in camp. Salazar is your squad leader and you are the assistant squad leader." Seryosong aniya kay Alex. Ipinuwesto niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod tsaka naglakad papunta sa unahan.

"Discipline is the soul of an army. I want you all to be responsible and respectful. Obey orders, policies and regulations. Give your hundred percent effort in every mission that the commanders assign to you. Place the good of the unit above the needs of your own. Take pride in everything you do and respect the rank of others." Ma-awtoridad niyang sabi.

Isa-isa niyang pinagmasdan ang mga sundalo na naroon, "Ayaw ko sa tanga at tamad na sundalo. Kung iniisip niyo na madali ang pinasok niyo nagkakamali kayong lahat. Kung binabalak niyo na mag laro dito sa loob ng kampo ngayon pa lang umalis na kayo sa harapan ko."

Pagkasabi ni Captain noon ay napatingin ako sa platoon ko. Lahat sila seryosong nakikinig at halos mag mukang sinimentuhan ang katawan sa tikas ng tayo nila. Kung ganyan sila araw-araw wala kaming maging problema sa training.

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon