Kabanata 6

8K 138 40
                                    

AKI

"Tawagin mo si Captain dali!"

"Ma'am--" Pinigilan niya ako nang magtangka akong tumakbo para sundan yung lalaki. "Hindi ka po pwede umalis mag-isa." Hawak-hawak niya pa rin ang braso ko.

Kumapa ako sa gilid ko para kuhain ang baril ko pero wala iyon doon dahil hindi ko pa pala suot ang holster ko. Malakas kong tinabig ang kamay niya at kinuha ang baril na nakalagay sa holster niya.

"Tawagin mo si Captain and that's an order!" Seryosong sabi ko bago tumakbo. 

"Tabi! Tumabi kayo bilis!" Malakas na sigaw ko sa mga nurse, doctor at ilang mga pasyente na nasa labas ng kanilang mga kwarto. "Shit!" Mura ko nang makitang pumasok ito sa fire exit.  

"Ma'am ano pong nangyayari?" Lumapit sa akin yung dalawang guwardiya ng ospital. 

"May armadong lalaki ang nakapasok dito kaya hinahabol ko. For now, clear the whole area!" Aniko at tumakbo na para habulin muli ang lalaki.

Nang tuluyan kong marating ang fire exit ay dahan-dahan akong pumasok sa loob. We are on the third floor kaya hindi ko alam kung saan siya pumunta.

"Nasaan ka?!" Galit na galit na sigaw ko. 

May narinig akong tumawa galing sa taas kaya dali-dali akong tumingin doon at tumutok ng baril. Ganun na lang ang galit na naramdaman ko nang makita ko siyang nakasandal sa railings ng hagdan habang nakakalokong nakangiti sa akin. Nakalagay pa ang isa niyang kamay sa loob ng bulsa ng jacket niya habang ang isa naman ay may hawak-hawak na baril. 

"Ruiz chill ka lang!" Nakangiti niyang sabi.  "Masyado ka namang highblood." 

Nayayamot akong tumingin sa kanya. "Ano bang kailangan mo?" 

Nanliit ang mata niya na tila ba'y nag-iisip ng isasagot sa akin. Umayos siya ng tayo at gamit ang kamay na nakalagay sa bulsa ng jacket niya kanina inalis niya ang hoodie niya. Ngumiti muna siya sa akin bago tumakbo paakyat ng hagdan kaya dali-dali din akong sumunod hanggang sa marating ko ang rooftop. 

"Sobrang aga mo naman ata mang bwiset?" Taas kilay kong tanong sa kanya dahil halos papasikat pa lang ang araw. "Now tell me, what do you want?" Tanong ko habang nakatutok sa isa't-isa ang mga baril na hawak namin. 

"Buhay mo!" Mabilis niyang sagot. "Buhay mo lang naman ang kailangan ko. Ibibigay mo ba yun sa akin ha?!" 

"Kunin mo na ngayon gusto mo?" Humakbang ako papalapit sa kanya pero natigilan din nang bigla siyang maghagis ng patalim sa gawi ko. "Tarantado!" 

"Akala ko ba magaling ka? Akala ko pa naman sapat na lahat ng training na ginawa mo sa military para mapatay mo ng ganun-ganun lang ang kapatid ko."

Napa-kunot ako ng noo dahil sa sinabi niya.

"Kapatid?" Nagtatakang tanong ko.

"Ang bilis mo naman atang nakalimutan si Alonzo, Ruiz? Ayos lang... Dahil sa tuwing magkikita tayo ipapaalala ko sayo kung paano mo pinatay ang kapatid ko." Humakbang siya paatras nang humakbang ako palapit sa kanya. "Huwag kang lumapit sa akin!" Galit na galit na aniya sabay kalabit ng gatilyo ng baril na nakatutok sa itaas.  

Natawa ako. "Alam mo para hindi na tayo mag kita ulit patayin mo na ako ngayon para 'di na masayang oras mo kakasunod sa akin na parang aso." 

Tumawa din siya ng malakas. "Hindi ikaw ang mag di-desisyon kung kailan ko kukuhain ang buhay mo, Ruiz. Hindi sapat na patayin kita ngayon para mapagbayaran mo ang ginagawa mo sa kapatid ko... Hindi pa 'yon ngayon kaya chill ka lang." Aniya.

"Ganun?" Nadidismayang aniko. "Edi kung ganun ako na lang ang papatay sayo!"  

Mabilis kung pinatamaan ng bala ang baril niya dahilan para mabitawan niya ito. Pinaputukan ko din ng isang beses ang kaliwang paa niya dahilan naman para mahirapan ito sa paglalakad. Narinig ko pa ang malutong niyang mura habang humahanap ng daan para makatakas sa akin. 

Duty of Love (Military Series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon